Morphed 6 - Sidestory 1

12 0 0
                                    

Side story 1: 13 years later



Kiel's POV


Inayos ko ang sarili pagkagising na pagkagising. Thirteen years had passed. Maingay. Sobrang ingay na kaagad sa labas ng silid na ito so early in the morning. Sa labas ng silid namin ng daddy nila. I need to check on them already. Kaya mabilis kong dinampot ang video cam and now, keep it rolling! Excited na excited akong lumalabas palagi mula sa silid na 'to para lang makita at masilayan ang kakaiba kong pamilya tuwing umaga.




Pagbaba ko pa lang nang stairways, makikita ko na ang panganay ko na nakahilata sa couch umagang-umaga at games ang inaatupag. Wala na akong magagawa pa talaga.




"Good morning, Mom. Hope you had a nice sleep with Daddy last night." Greetings palagi ng gamer kong anak. Sangkalan ang daddy niya to keep me out from nagging him.




"Okay naman ang tulog ni Mommy, Reece." Kaagad kong dinampot ang anti-blue light niyang salamin at isinuot iyon sa kanya. Nakuu! Kung hindi lang talaga ito kasama sa league of champions bilang gamer, nunca akong papayag na makahawak siya ng gadgets dahil nangangamba ako na baka masira nang maaga ang mga matang mana sa kanyang daddy.




"Mommy! Three more wins then, hello trip to Japan!"



"Then tell your four-man team, you have my full support, baby!" Sabay thumbs up ko sa kanya.




"Ugh! Cut with the 'baby' thing already!" Reklamo niya.




Eh? No! Sa isip ko, parang kailan lang ay baby pa siya at unang tabachingching ko. At kahit sa team niya ay siya ang pinakabata. Nagawa lang niyang makapasok kahit menor de edad dahil malakas ang leader nila sa matataas na officials ng online game na nilalaro nila.




Bigla akong natigilan.




"Naaaaaw!!!!!" At sinundan ang sigaw na 'yon ng isang mahabang tili na pag-iyak ni Ria. Ang bunso kong babygirl, ang ikapito sa mga anak ko. Kaya pala hindi ako in-alarm sa kuwarto.





Tinakbo ko kaagad ang playroom upang umawat. Heto na naman po kami. "Red! Please stop annoying your little sister." Ang maliit na prinsesa ko pala ang ina-alarm sa kakulitan ng little boy ko.





"Mommy! Naw like ipit!(ipis) Naw ipit, naw litats. (lizards).." tumatakbong lumapit saka nagpakarga pa ang babygirl ko. Umiiyak na wala namang luha.





Hinarap ko ang ika-anim na baby ko na si Red. Masyadong makulit! "Red, can I have your toy roaches and lizards back, please?"




"But, Mommy... these are my favorite toys..."




"I know, Red. But those are not meant to frighten your little sister. Those are for fun ang playing." Sermon ko sa makulit na nasa harapan ko ngayon. "Please. Or I'll tell Lolo about this."




"Oh no! Please, no...! Lolo won't buy me toys anymore, Mommy!" Alalang napatakbo-takbo sa harapan ko. Biglang nagbago ang anyo niya. Tinubuan kaagad ng antennae sa ulo at lumabas ang black with green and yellow  nitong pakpak.




Pinigilan ko kaagad sa pagtakbo niyang back and forth dahil baka sumabit ang pakpak. Masasaktan pa. "Red, hindi na kukunin ni Mommy, okay? But promise me you'll behave starting from now and... be good to your little sister."




"Okay! Promise!" And he returned back to his human appearance.




Hay naku... nakakatuwa. Pero after a few days ay makulit na naman ulit. Well, he's just a little boy.





 BL MPREG Love StoriesWhere stories live. Discover now