Morphed 8 - Side Story 3

5 0 0
                                    

Side story 3. Pop the Bubbles

The seventh one emerged. It was a baby girl. Like when Riri was born, I cried because were now blessed with a little girl for the second time. Reed named our second daughter Ria. As a little baby, she's as sweet as his daddy. Even now, daddy's girl talaga.

The eighth one. That one little chrysalis has made me anxious as we wait for it to come out. It barely moves. Palagi akong nag-aalala. Hindi yata nakayanan ng asawa ko kaya ipinagtapat na niya sa akin. Kasalanan ko pala ngunit ipinagpipilitan ni Reed na hindi kahit obvious naman para lang pagaanin ang kalooban ko. I felt sorry para sa bunso ko. Kaya lagi akong nagdarasal na sana ay okay lang siya.



My prayers were answered. A baby boy emerged but unlike his brothers and sisters, we never heard him cried and cooed even once for a month. Then time came where he can finally recognize those people around him, I'm the only one he rejected, the first time he cried as he turned his face away from me.

As his mommy, it hurts a lot. Pero alam ko kung bakit kaya mas lalong masakit. He cries and wails everytime I tried to carry him. He can smell those things I touched and cries over it. Para bang sumpa ako para sa kanya. Dinamdam ko 'yon ng husto.



Just when he turned a year older, nalito lang siguro si Mama dahil sa isang phone call at pansamantalang naiabot sa akin si Rei. Kampante ako na okay lang kaming dalawa kaya dinala ko siya sa kwarto namin ng kanyang daddy. Little did I know that he's quietly enraged by my presence.


Hiyaw ko ang sumunod na narinig sa buong kabahayan. His little sharp fangs pierced and he stucked those in my arms. Tiniis ko ang napakatinding sakit dahil kapag pinilit kong tanggalin, baka masaktan ko siya ulit sa ikalawang pagkakataon. Paano pa ako hihingi ng tawad sa baby ko?

Tanging ang daddy niya ang nagpumilit na tanggalin ang mga pangil mula sa braso ko. The pain was unexplainably excruciating but I can't cry. Rei began wailing. Hissed like a mad little beast at his mom. Ngunit naisip ko na... wala ng mas sasakit pa sa sugat na naidulot ko sa aking bunso at sa  katotohanang hindi niya ako kailanman matatanggap bilang mommy. Dinudurog no'n ng husto ang puso ko.



Till now, everytime na lalabas kami, family outing or Sunday strolls, sa tuwing karga siya ng kanyang daddy, hindi ko maiwasang hindi mainggit lalo na at tampulan minsan ng ibang tao. Daddy and son! I know... napakababaw na dahilan ko para mainggit, but I just wanna see myself next to my little boy with his dad. Hanggang ngiti at tanaw lang ba ako sa napakagandang tanawin na dapat sana ay kabilang ako?



Kailan ko kaya mayayakap ang bunso ko? Kailan ko ba mapapanalunan ang pagmamahal niya? Napabuntong-hininga ako. It's like a bet in a lotto while hoping for an impossible win. Napu-frustrate ako sa kakaisip, paano kapag lumaki na siya at dalhin ang sugat na iyon sa puso niya? Hindi ko siguro kakayanin.




"Kiel." Pukaw sa akin ni Reed. Tumabi ng upo sa akin ang asawa ko at hinawakan ang aking kamay. I can feel his hand squeezing to comfort me.


Humilig ako sa balikat niya. "I was just thinking... kung may chance pa ba para sa aming dalawa ng bunso natin. Miss na miss ko na siya. Alam mo 'yong pakiramdam na nariyan lang siya pero parang napakalayo niya." Humugot ako ng isang malalim na paghinga. "Well... The fault is all mine. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa."


"Please, stop blaming yourself. Babalik din ang loob ni Rei sa 'yo, sweetheart, dahil ikaw ang kanyang mommy."


"Matagal ko nang gustong mayakap ulit ang bunso natin, Reed." Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng sariling mga luha. "Always hoping for that to happen."


 BL MPREG Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon