Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 17 and 18

Magsimula sa umpisa
                                    

"Demons."

"Tama!"

"Bakit ba napakahalaga nung kanina, Iel? Eh ano naman kung hindi mo ako naririnig o hindi mo mababasa yung isip ko?"

Tumayo siya nun, at tumalikod, "Mahalaga sa akin yun kasi kung hindi na kita mababasa o maririnig... posibleng... hindi na kita makausap, at yun ang kinatatakot ko."

"Kinatatakot mo?"

"Yup. Kasi parang hindi ko kaya. Hindi ko kaya na hindi na kita makakausap."

"Iel—"

"Ewan ko, Alyx, naguguluhan na ako. Pero siguro dahil first time ko lang na magkaroon ng kaibigan. First time kong maging masaya. First time na kuntento ako sa meron ako, at pakiramdam ko, kapag hindi na kita nababasa, posibleng hindi mo na lang ako kausapin at nata—"

"Iel," lumapit na ako sa kanya, "hindi ko yun gagawin."

"Pero-"

"Hinayaan kitang pumasok sa buhay ko, Iel. Pinagkakatiwalaan kita. Sa palagay mo ba, paalisin na lang kita sa buhay ko nang ganun na lang?"

"Salamat, Alyx. Salamat."

Natahimik kami ulit.

"Alyx?"

"Hmmm?"

"Walang iwanan huh?"

Tiningnan ko siya at, ewan ko kung anong sumapi sa akin, kinuha ko yung pinky niya at dinugtong ito sa pinky finger ko.

"Pinky promise."

Sumpa ko, hindi kita iiwan.

Chapter 18

Naglalakad na kami palabas ng school nang biglang may humarang na tatlong babae sa daraanan ko.

"Hoy! Sadakong pangit!" napalingon ako sa nagsabi noon.

Tumayo lang ako doon at tiningnan sila. "Are you talking to me?"

"Of course, sino lang ba ang nag-iisang Sadako ng SJBU, kung hindi ikaw, Alyxandra Genieve Riviera?"

"Is that a compliment? Thank you," sarcastic kong sabi sa kanya.

"You bit—" sinabi nung nasa kanan niya pero pinatahimik lang siya nung lider nila na si Claudine. "

Hindi ko alam na matalas pala ang dila mo, Sadako."

"At hindi ko alam kung bakit nyo pa ako kinakausap. Alam kong may pakay kayo, so sabihin nyo na sa akin."

"Alyx, wag kang mag-hamon ng away," narinig kong bulong ni Iel.

"Hindi ako nag-hahamon ng away, gusto ko lang malaman ang gusto nila sa akin," bulong ko rin sa kanya.

"Well Sadako, isa lang naman ang gusto namin." Lumapit sa akin si Claudine at dinuduro ako sa may puso. "Leave. Our. Prince. ALONE! YOU SLUT!"

"I don't know what you're talking about," malamig kong sabi sa kanya.

"Huwag ka nang magmaangan-maangan pa! Nakita ka ni Wendy na kasama mo si Prince sa bus noong Wednesday at super dikit niyo sa isa't isa! Malandi ka!" At bigla na lang niya akong sinabunutan.

Hindi ko masyadong naramdaman ang pagsabunot niya dahil isa lang ang nasa isip ko: DAMN! May nakakita sa amin! Narinig kaya niya ang lahat? Anong alam niya?

Biglang may umawat sa amin, at nakita kong si Vice President Lindsay Sebastiano ito. Alam kong narinig niya ang sinabi ni Claudine at gulat na gulat siya sa narinig niya.

"Tama na yan," sabi ni Lindsay habang inaawat kami.

"Pero nakita siya ni Wendy nung dumaan yung bus at tumigil sa may bahay nila! That freak! Ang lakas ng loob niya na landiin ang Prince namin!" Hindi ko alam pero pakiramdam ko, nawala yung bigat ng loob ko sa narinig ko. Ibig sabihin... our secret is still a secret.

"It's not what you think," yun lang ang sinabi ko.

"Hell yeah? THEN WHAT IS IT?"

Napalingon ako kay Lindsay na napakagat na lang ng labi. Oras na magsalita ako, malilintikan si Lindsay sa mga amazonang ito dahil sinaktan niya ang kanilang pinakamamahal na Prince. Alam ko kung ano ang kailangan kong gawin.

"Me and that jerk...we're—"

"Nothing."

Napalingon kaming lahat sa nagsalita.

"Prince?!"

"Al?"

"Tch."

Lumapit siya sa amin at nakatingin siya kay Lindsay. Napayuko si Lindsay samantalang yung tatlong amazona mga naging kiti-kiti at kinikilig, at ako, napa-sigh na lang.

Tumigil siya sa may tabi ko at bigla na lang ako tiningnan. Nakita kong malungkot pa rin ang mga mata niya, kaya naman nagulat ako na mayabang pa rin ang tono ng boses niya. "Look, hindi ko alam kung anong meron at nadadamay ang pangalan ko dito." Bigla niya akong tiningnan from head to toe at nag-smirk pa siya. "Hindi ko akalain, Riviera, makikipag-away ka lang para sa akin? Ang sweet naman... ng FAN ko."

Napataasang kilay ko sa mga sinasabi niya. Ang kapal! Narinig kong napatawa yung mga kasama niya.

Humarap na siya dun sa tatlong amazona, at alam kong rinig ng lahat ang susunod niyang mga sinabi.

"Hindi issue yung nakita nyo. Oo, nagkasama kami sa bus noon. Pero siya ang tumabi sa akin, at nag-feeling close sa akin yang freak na 'yan! May gusto yata sa akin 'yan!"

Narinig kong tumawa silang lahat, at nakita kong napatahimik si Lindsay. Aalis na sana ako nang tahimik pero dahil sa sinabi niyang yun, that was the last straw. Mabilis akong lumapit sa kanya at ramdam ko na galit na galit ako.

"Hindi ko alam, DEMELCLAIR, na tunay talaga ang inaakala ko sa'yo noong una... JERK!" Lalo akong lumapit sa kanya, at parang may nakita akong iba sa mga mata niya. Pero wala akong pakialam dahil galit na galit ako.

"Listen to me, JERK, isang beses ko lang ito sasabihin sa'yo. Kaya itatak mo ito sa mayabang mong ulo. Wala akong pakialam sa'yo at hindi yun magbabago. At isa pang beses na gamitin mo AKO para isalba yang hinayupak mong pride," may biglang binulong sa akin yung anghel ni Prince. Mas nilapit ko ang labi ko sa tenga niya para siya lang ang makarinig,

"I can be your damnation,

Alastair

JOHN LEOPOLD

Demelclair."

Naramdaman kong nagulat siya, at bago pa siya magsalita, umalis na ako.

At narinig ko na lang na nagsalita yung mga taong iniwan ko.

"HOY! AL! NATULALA KA NA DYAN!"

John Leopold pala huh.

Nagsisimula pa lang ang laban natin, Alastair John Leopold Demelclair! 

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon