Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 25 and 26

59.3K 1.1K 205
  • Dedicated kay Elah Macaraig
                                    

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus

(The Weirdo, the Prince and the Angel)

Chapter 25

"Alyx!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Isang nag-aalalang Iel at isa pang anghel ang nakita ko, anghel ng jerk na ito. Speaking of jerk, doon ko lang naalala ang posisyon namin. Bigla akong napaayos ng tayo at napatingin sa mga anghel. Nakita kong lumapit agad ang anghel kay Demelclair.

"Sa palagay mo, ano yung ginawa mong yun?" narinig ko na naman ang intensity ng boses ni Iel.

"Mamaya mo na ako sermunan, ang importante walang nasaktan." Napatingin ako sa muntikan nang bumangga sa amin. Nakasalampak ang kotse niya sa may basurahan at biglang lumabas yung driver ng kotse.

"Miss! May nasaktan ba sa inyo ng boyfriend mo? Nawalan kasi ng preno ang kotse ko. Wala namang dugo... bakit walang malay itong boyfriend mo? Diyos ko! Nabangga ko ba siya?!"

Huh? Ano raw?

"Ho? Hindi ko po siya boy—"

"Naku, kailangan natin siyang madala sa ospital!" Tumango ako tapos binuhat na niya si Demelclair. Pero bago pa siya makalakad ay tumigil siya. "Hindi pwede ang kotse ko. Paano 'yan?"

BEEP!

May biglang tumigil na taxi sa may harapan namin, at bumaba din ang driver nito. "Anong nangyari dito?"

"Wala ng panahon para d'yan! Pasakayin mo na ang mag-boyfriend na ito at dalhin mo sa ospital."

At sa bilis ng mga pangyayari, nakita ko na lang ang sarili ko na nakasakay sa taxi at nasa lap ko ang ulo ni Demelclair.

"Kayo na ho ang bahala sa dalawang ito. Eto na po ang bayad sa taxi," tapos bumaling siya sa akin, "Miss, anong pangalan ng boyfriend mo? Hahabol ako sa may ospital para mabayaran ko lahat ng damage. Wag kang mag-alala, hindi ko kayo tatakbuhan...tatawag lang ako ng mag-aayos ng nangyari dito."

"Alastair—" Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na JL or John Leopold. Pero naalala ko bigla yung mukha niya nung nabanggit ko ang pangalan niya. Mukhang ayaw niyang malaman ng iba ang ibig sabihin ng JL niya. "Alastair JL Demelclair po."

At nakita ko nalang na nanlaki ang mga mata niya, "D-DEMELCLAIR?" Tumango ako. "Apo ba siya ni Froilan Madrigal-Demelclair?" Tumango ako ulit. Nakita ko na lang na kinabahan yung lalaki.

"Wag po kayong mag-alala, wala naman pong damage, mabait naman po ang Lolo ni De—uhmm... ni Al. Yeah. Uhmm, maiintindihan naman po niya ang lahat."

Tumaas ang balahibo ko! Hindi ko akalain na tatawagin ko ang jerk na ito sa pangalan niya!

"Salamat." Tapos bumaling ulit siya sa driver. "Sige, kayo na po ang bahala." Sinarado na niya ang pinto at umandar na ang taxi.

"Ang swerte naman ng boyfriend mo sa'yo. Sabi nung lalaki kanina, iniligtas mo raw siya," sabi sa akin nung driver nang makalayo-layo na kami.

"Nagkataon lang po yun." Ewan ko ba kung bakit hindi ko kino-correct ang assumption na mag-boyfriend kami ng hinayupak na jerk na ito.

Hindi na muli nagsalita yung driver, kaya naman napaling ang tingin ko sa jerk na nasa lap ko. Dahil na rin nakabukas ang ilaw ng taxi, nakikita ko na naka-formal clothes pala si Demelclair. Bakit kaya siya naglalakad na parang wala sa sarili kanina?

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pindutin ang pisngi niya. Wala pa rin naman siyang malay, kaya bumulong ako sa kanya, "Ang laki na ng utang mo sa akin, Demelclair. Pasalamat ka, hindi ako maniningil. Pero oras na guluhin mo ulit ang buhay ko—" bigla kong itinaas ang isa kong tuhod at naramdaman kong napangibit siya "—makakatikim ka na talaga sa akin."

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Mhabs Quizon, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Mhabs Quizon
@sunako_nakahara
Alyx owns a pair of eyes that can see things not normally seen by oth...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 59 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @sunako_nakahara.
FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon