Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

Fallen Part 1: Exordium Chapter 1 and 2

461K 5.4K 1.2K
                                    

Fallen

(by sunako_nakahara)

Sabi nila 1% daw ng nakikita, nakakasalamuha o nakakasalubong mo sa bawat araw ay mga hindi mo akalain na hindi katulad mo, na kakaiba sila sa'yo o sa atin.

Masama man o mabuti, you really don't know.

Pero alam mo ang maganda doon?

Because of them, things you don't expect happen.

For things that you treat as dreams are in fact harsh realities.

And one ordinary life can become an extraordinary one.

Like mine.

And it sucks.

Really sucks.



In the arms of the angel
Fly away from here
From this dark cold hotel room
And the endlessness that you fear
-Angel (Sarah Mclachlan)



[Content warning: ang kwentong ito ay may halong tema at context patungkol sa suicide at depression.]


Part 1: Exordium

Chapter 1



Tik! Tak! Tik! Tak!

Nakahiga lang ako sa kama ko at pinapakinggan ang kaisa-isang tunog sa paligid ko.

Tik! Tak! Tik! Tak!

Oras...

Pakiramdam ko, hindi gumagalaw ang oras ko, ang panahon ko... kahit na ang paligid ko ay patuloy sa pag-ikot—

—simula nang mamatay siya.

Dalawang taon na rin pala ang lumipas. Hindi ko akalain na makakatagal ako ng ganun. Nagpakatatag ako dahil yun ang sabi niya, kahit na hindi ko na kaya... kahit na ako na lang mag-isa, pero tao lang ako...

May hangganan ang lahat, at tingin ko ito na ang akin.

Minulat ko ang mga mata ko. Ang mga mata ko—para sa akin, sumpa sila. Isang sumpang dahilan kung bakit ako nag-iisa.

Wala na ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Ang aking ama.

Siya ang pinakamabuting tao para sa akin. Siya at ang lola ko ang tumulong sa akin noon para mabuhay pa. Pero parehas na silang wala. Nauna ang lola ko, tanda ko, 12 years old ako noong iniwan niya kami. Nawala siya sa amin ni Papa dahil sa isang kakaibang sakit. Sakit na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano.

Simula noon, si Papa at ako na lang ang naiwan sa isa't isa. Tinutulungan ko si Papa sa trabaho niya hangga't makakaya ko, pero nanatili akong low-profile. Hindi ako nagpapakita sa mga tao at kung nakikita nila ako, isa lang ang masasabi nila.

Weird.

Weird ako sa paningin ng bwisit na mga taong 'yan. Pero hindi ko naman sila masisisi kasi sa totoo lang, weird talaga ako. Pero ayos lang yun sa akin. Basta nasa tabi ko si Papa, ayos lang sa akin ang panghuhusga nila. Basta pinagtatanggol ako ni Papa.

Pero...

Wala na siya...

Wala na ang Papa ko. At dahil yun sa isang taong hindi ko mapapatawad...

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon