Chapter 7

322 5 0
                                    

CHAPTER SEVEN

NAHIHIRAPAN si Dana sa pag-e-execute ng love scene sa ginagawa niyang nobela. Parang paulit-ulit na lang iyon sa mga naisulat na niya. Iyon ang isa sa mahirap na bahagi sa pagsusulat ng romance novels. Ang paghahanap ng tamang salita para hindi naman lumabas na malaswa ang love scenes, and, on the other hand, could arouse the romantic feelings of her readers, for them to want to feel love and fall in love.
Muli niyang ni-review ang mga romantic scene sa mga na-publish na niyang nobela. At napansin niyang may mga exact word nga siyang ilang beses na niyang nagamit.
Nang biglang dumating si Bayani. Gusto niyang itago ang kanyang mga libro pero nakita na ng lalaki ang mga iyon.
Napatingin ito sa mga pocketbook na nasa ibabaw ng center table. "Akala ko ba'y wala kang dalang libro na sinulat mo?" sabi nito.
"Hindi ko alam na nadala ko pala. Nakita ko kanina sa kahon nang maghalungkat ako," pagdadahilan niya, hindi tumitingin sa lalaki. Humihiram ito ng librong sinulat niya pero sinabi niyang wala siyang dala. She didn't want him to read her books.
Naupo si Bayani sa tabi niya at kinuha ang isang pocketbook. Gusto niyang agawin iyon. "Ariane Luna? Bakit ibang pangalan ang ginamit mo? What's wrong with Dana Martin?"
"Wala. Gusto ko lang ang pangalang 'Ariane' at 'Luna' ang apelyido ng nanay ko."
"Pahiram ng mga ito, ha?" Dumampot pa ito ng tatlo.
"H-huwag na. They're not your reading materials," atubiling sabi niya. Nahihiya siyang mabasa nito ang mga isinulat niya. Pakiramdam ni Dana, kapag nabasa nito ang gawa niya, masisilip ni Bayani ang isang bahagi ng kanyang pagkatao. Pero hindi ba't kaya nga siya nagsusulat ay para mabasa ng ibang tao?
"How did you know my reading materials?" balik-tanong nito.
"Don't you prefer Robert Ludlum, Fredrick Forsyth?"
"Masyadong makapal ang mga iyon. Saka medyo mahina ako sa English. Mas gusto ko pa nga ang magbasa ng komiks kaysa English pocketbook."
Gustong bawiin ni Dana ang mga libro niya kung hindi lang lalabas na katawa-tawa siya.
Dala ang kanyang mga pocketbook ay nagpunta si Bayani sa duyan na nasa lilim ng punong-akasya. Humiga roon ang lalaki at nagsimulang magbasa. Nagbalik na lang siya sa harap ng computer.
Tulad ng dati, ipinuwesto niya ang computer table sa tabi ng bintana. Nakapaharap siya sa labas niyon.
Tuwing mag-aangat siya ng mukha ay nakikita niya si Bayani sa duyan na engrossed na engrossed sa pagbabasa. She was distracted. Hindi siya makapag-concentrate. Gusto niya itong paalisin sa line of vision niya.
Then she gave up. Hindi niya mabigyan ng magandang execution ang kanyang love scene. Parang may kulang. Flat ang dating.
Kailangan niyang mag-unwind. She'll take a swim. Probably pagkatapos niyang maligo ay ma-freshen up ang isip niya; makapag-iisip siya ng maganda-ganda.
Kinuha niya ang paboritong pampaligo. Nakita niya ang dala-dala rin niyang one-piece bathing suit. Kapag ganoong pahapon na ay bibihira ang naliligaw sa parteng iyon ng dagat. Isinuot niya ang bathing suit. Pinatungan iyon ng maikling silk robe na may naka-embroidered na pula sa likod. Pasalubong iyon sa kanya ng isang kaibigan galing Hong Kong.
Samantala, napaangat si Bayani mula sa pagbabasa nang makita siyang papunta sa dagat. Tumayo ito at sinundan siya. Buong paghangang napatitig ito sa legs niya. She has a very nice pair of legs. He fought the urge to wolf whistle.
Huminga naman ng malalim si Dana. Magmula nang muntik na siyang malunod ay hindi pa siya nagagawi sa dagat. Ngayon lang uli. Lumingon siya, napakunot-noo nang makitang sumunod si Bayani.
Lumapit ito. "Sige na. Maligo ka na. Babantayan kita."
Somehow, his presence makes her feel safe. Hinubad niya ang kanyang roba at patakbong nag-dive sa tubig.
Napaawang naman ang mga labi ng binata. Alam nito na maganda ang katawan niya. Pero hindi nito alam na ganoon kaganda. Walang panama ang katawan ni Rosanna Roces o ni Priscilla Almeda. Hindi korteng gitara kundi parang hourglass ang pigura niya.
He fought the urge to join her. Pinanood na lang siya nito na pabalik-balik na lumalangoy sa tubig.

DAHIL sa naging karanasan sa tubig ay naging maingat na si Dana. Lumalangoy siya paayon sa dalampasigan. Doon sa hanggang kayang tukurin ng mga paa niya ang tubig. Nang mapagod sa paglalangoy ay naglunoy na muna siya sa tubig. Saka lang siya umahon nang makaramdam ng ginaw.
Nang makita ni Bayani na paahon na siya ay tumayo na rin ito. Kinuha ang kanyang roba at tinulungan siyang maisuot iyon. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata.
"Tayo na. Giniginaw ka na," kaswal na sabi ng lalaki.
Pagkatapos ng insidenteng iyon sa buhanginan ay hindi na ito nag-take advantage sa kanya. Sa halip ay dumistansiya pa ito.
Kabaligtaran naman ng nararamdaman niya. After that kiss they shared, lalong nagising ang awareness niya rito na sinisikap niyang pigilin. Nakakasakit din ng ego ang malamang wala kang appeal sa isang lalaki.

PAGKATAPOS ng hapunan ay wala pa rin sa mood si Dana. Nagpahangin siya sa labas habang nagpapababa ng kinain. Nasa veranda rin si Bayani. Tulad ng dati, ito ay naka-shorts at T-shirt na puti.
Napangiti siya. Wala siyang nakikitang ibang kulay ng T-shirt nito kundi puro puti. At wala yata itong ibang damit kundi T-shirt at ang maong pants at sweatshirt na itim na nakikita niyang nakasampay sa labas kapag nilalabhan.
"Hindi ka ba lalabas?" tanong niya.
Umiling ito.
"Ano ba talaga ang hinihintay mo? Magtatatlong linggo ka na rito," patuloy niya.
"Tired of my company already?" biro nito.
Hindi siya sumagot. He was a big distraction. Mula nang dumating ito ay hindi siya makapag-concentrate sa pagsusulat.
"Pasensiya ka na," nakakaunawa namang sabi ni Bayani. "Alam kong kaya ka narito ay para mapag-isa; pero hindi na magtatagal ay aalis na ako."
"Tapos na ang misyon mo?"
"Hindi pa pero malapit na."
"Matatapos na? Bakit wala man lang akong nakikitang action?" Nasa tinig niya ang pagkadismaya. All the while she thought she could used it as material sa isa sa mga susulatin niya balang-araw.
"Anong action ang hinahanap mo? Iyong mga ala-James Bond?" natatawang tanong ng binata. "Sa mga pelikula at spy stories lang 'yon."
"Ganoon ba?" matamlay na sabi niya. "Buong akala ko pa naman ay may barilang mangyayari."
"You're not bloodthirsty, are you?" naiiling na sabi nito.
"I thought magkakaroon ng komprontasyon kahit paano between the good and the evil."
Napahalakhak ito. Napailing.
She loved the way he laughed. Parang ngumingiti pati ang mga mata nito at lumilitaw ang mapuputing mga ngipin. Mapula ang gilagid nito. If only he'll shave off his beard and mustache para makita niyang mabuti ang mukha nito.
"Hey, bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?" nangingiting tanong nito.
Napahiya siya. She wasn't aware na titig na titig na pala siya sa lalaki. Tumawa siya nang mahina para pagtakpan ang pagkapahiya. "Iniisip ko lang kung ano ang hitsura mo kapag naalis ang balbas at bigote mo," sabi niya.
Umarko ang isang kilay nito. "Akala ko ba, mas gusto ng mga babae ang mga lalaking may balbas at bigote? Like Juan Miguel?"
Naintindihan naman kaagad niya ang tinutukoy nito. "Juan Miguel" ang pangalan ng hero sa isa sa mga nobela niya. "I see, nabasa mo na pala 'yon. Don't put too much on it. Imagination lang 'yon ng writer," matabang na sagot niya.
"How about those love scenes?"
Bumilis ang pintig ng puso ni Dana. They were treading a dangerous topic. Sinikap niyang pagaanin ang usapang iyon. "Like what you said, sa mga kuwento lang 'yon nangyayari. Not in real life."
"Ow?" Nasa mukha at tinig ni Bayani ang disappointment. "You mean, hindi totoo ang mga love scene na 'yon sa bathtub at sa kitchen counter?"
"Who would like to make love in the bathtub?" inis na sagot niya. "Bukod sa malamig na, matigas pa ang sahig."
"I see. So personally, you still prefer the comfort of the warm bed? Mas gusto ko rin iyon." May pilyong ngiti sa mga mata nito habang titig na titig sa kanya.
"Hindi pinag-uusapan ang personal preferences ko. We write to tickle the imagination of the readers," katwiran niya.
"And you succeeded," sabi nito na bahagyang lumapit sa kanya. "Alam mo ba na after reading that stuff, I kept imagining..."
His right arm lightly brush against hers.
Lumayo si Dana. "Hey, why are we having this ridiculous conversation?" putol niya sa sinasabi nito at humalukipkip.
"We're discussing your book."
"No. We're not." Naiinis na siya sa nakaiilang na usapang iyon. Muli ay lumayo siya; tumayo sa kabilang railings ng veranda at tumanaw sa labas.
Bilog na bilog ang buwan. Napakaganda ng tanawin sa labas. Nababalutan ng malamlam na liwanag ang buong paligid. Nangingislap ang dagat sa di-kalayuan. Banayad ang hampas ng alon sa dalampasigan.
Huminga siya nang malalim. Pinuno ng hangin ang dibdib. It was so peaceful. Para bang ang lapit-lapit niya sa kalikasan.
Nagulat siya nang mamalayang nasa likuran na niya si Bayani. Itinuon nito ang mga kamay sa pasimano ng railings; sa magkabilang gilid niya. At nakulong siya.
Hindi siya hinahawakan nito. Pero nararamdaman niya ang init na nagmumula rito, his warm breath fanning her nape. She stood still para iwasang magdikit ang kanilang mga katawan.
"You know what? They can be beautiful..." anas nito sa may tainga niya.
"A-anong..." Inis na hinarap niya si Bayani. Hinayaan naman siya nitong humarap pero hindi inaalis ang pagkakadiin ng mga kamay sa pasimano. Nakakulong pa rin siya sa pagitan ng mga braso nito. "...i-ibig mong sabihin?" Para siyang nahihirapang huminga.
Dahil naaasiwa ka sa sitwasyon, anang isip niya.
"Love can be very beautiful like the way you wrote." Inangat nito ang isang kamay. Magaan na hinaplos ng palad nito ang pisngi niya. "Napakaganda mong sumulat ng kuwento ng pag-ibig, Dana. Very sweet and romantic. After reading your book, I want to fall in love again. I love the way you wrote those love scenes, especially the one on the bathtub. It was so erotic yet... in good taste. Just reading it made me want to love you." Yumuko ito at kinintalan siya ng halik sa mga labi.
Daig pa niya ang itinulos sa kinatatayuan. Maging sa paghinga ay nahihirapan siya. And God, she actually felt what she wrote in her stories. Pinangangalugan siya ng mga tuhod. Parang bigla siyang inuhaw.
"I want to know if you ever experienced what actually you have written," patuloy na bulong nito. Then he kissed her earlobe.
Napahingal siya. She tried to gain her sanity. He was seducing her tulad ng mga bidang lalaki niya sa pocketbook. Tinangka niya itong itulak pero hindi man lang niya ito matinag.
His tongue was at the inner side of her ear now. She should be disgusted. He was actually doing what she had written, and like the heroine in her story, she hesitantly caressed his muscled chest.
Inipon niya ang lahat ng kanyang lakas. "N-no!" protesta niya sabay tulak dito.
Pero sa halip na bitiwan siya'y lalong humigpit ang kamay nito sa kanyang baywang. Ang isa pa'y dumako sa likod ng ulo niya, pasabunot na hinawakan ang kanyang buhok. Nang tangkain niyang kumilos ay nasaktan lang siya.
He swooped down and kissed her hard on the lips. Ni hindi niya nagawang itikom ang mga labi. He slipped his tongue inside her mouth as if he wanted to taste every crevice in it.
He really knew how to kiss. Namalayan na lang ni Dana ang sarili na tinutugon ang mga halik ni Bayani. Gumapang ang mga labi nito, pinaulanan ng pinong halik ang kanyang buong mukha. Her eyes, the tip of her nose, the lobe of her ears, her jaw. No part of her face was left untouch.
And she thought she would feel disgusted by his beard and mustache, but instead she was tickled by them.
Dumako ang mga labi nito sa kanyang leeg. She arched her neck to give him more access on her throat. His hands were both busy on her body. One of his hands was inside her blouse now. Natanggal nito ang kawit ng suot niyang bra at ngayon ay malaya na nitong kinukubkob ng palad ang kanyang dibdib. He took the hard tip between his thumb and forefinger, then gently rolled it.
Halos malagutan ng hininga si Dana. Kinabig niya ang ulo ng lalaki at siya na mismo ang humalik sa mga labi nito.
Nang buhatin siya ni Bayani para dalhin sa kuwarto ay hindi na niya nagawang tumutol.

Braganza (Bayani) - Maureen ApiladoWhere stories live. Discover now