Chapter 4

305 6 0
                                    

CHAPTER FOUR

MABILIS na lumipas ang tatlong araw. Unti-unti na ring nasanay si Dana sa presensiya ng dalawang bisita. Wala namang problema sa mga ito. They tried not to be a nuisance as possible. Para nga ring wala siyang kasama sa bahay dahil sa umaga ay hindi naman gaanong naglalagi ang dalawa sa cottage.
Hindi naman niya pinakikialaman kung saan nagpupunta ang mga ito.
Madalas silang magkuwentuhan pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Si Bayani ang makuwento. Ikinukuwento nito ang mga nakatutuwang karanasan nito sa field.

DUMATING si Rita mula sa bayan nang hapong iyon. Halinhinan ang dalawa sa pagpunta sa bayan. Narinig ni Dana na masinsinang nag-uusap ang mga ito. Lalabas sana siya ng kuwarto nang makitang yakap-yakap ni Bayani ang babae. Napaurong siya at nagbalik sa kanyang kuwarto.
May kutob na nga siya na higit pa sa magkatrabaho at magkaibigan ang turingan ng dalawa. May dumaang kirot sa kanyang puso.
Nang bigla siyang natigilan. Bakit nasasaktan siya? Baliw! usig niya sa sarili. Natawa siya nang mahina.
Mayamaya ay narinig ni Dana ang pagrebolusyon ng motorsiklo at ang papalayong ugong niyon. Nang inakala niyang malayo na iyon ay saka siya lumabas. Hindi nakalatag ang sofa-bed. Lumabas siya sa veranda. Wala roon si Rita.
Sinikap niyang mag-concentrate sa pagsusulat habang nakaantabay sa pagdating ng dalawa. Nalibang siya sa pagsusulat. Nang muli niyang tingnan ang relo, pasado alas-dos na ng umaga. Tumayo siya at sumilip sa pinto. Wala pa rin sina Bayani at Rita. Magkasama pa rin ang dalawa sa mga oras na iyon.
Mabigat ang loob na nagbalik si Dana sa kanyang kuwarto. Ini-off na niya ang computer at nahiga na. Matagal bago siya nakatulog.

MAG-AALAS-TRES na ng madaling-araw nang makabalik si Bayani. Inihatid niya si Rita sa Tuguegarao.
Buong akala niya ay gising pa si Dana. Bukas pa ang ilaw sa kuwarto nito. Pero nang silipin niya ay tulog na tulog na ito sa kama.
Napailing siya. For a city girl, wala itong kaingat-ingat. Mapagtiwala. Ni hindi nito nai-lock ang mga pinto, kahit ang pinto ng kuwarto.
Naalis na ang kumot ni Dana sa katawan. Ternong shorts at spaghetti-strapped blouse na yari sa satin ang suot nito. Napatingin si Bayani sa mga legs ng babae na naka-expose. Napalunok siya. He had never seen her wearing shorts before. Laging naka-jeans ito. Ngayon lang niya nakitang napakaganda pala ng legs ng babae. Mahahaba at bilugan. Napakakinis at maputi. Maging ang tiyan nito na bahagyang nakalitaw sa maikling blusa ay napakaputi. Pero ang mga braso ng babae na nae-expose sa araw ay maitim na.
Matagal na napatitig si Bayani kay Dana na himbing na himbing. Pagkatapos ay lumapit siya sa kama. Marahan niyang hinila ang kumot at kinumutan ito bago maingat na lumabas ng kuwarto at isinara ang pinto.

NAGULAT si Dana nang pagbangon niya kinabukasan ay makitang himbing na himbing si Bayani sa sofa. Hindi na niya namalayang umuwi ito kaninang madaling-araw. Agad na hinanap ng mga mata niya si Rita. Pero wala roon ang babae. Lumabas siya. Wala rin.
Dumeretso na siya sa kusina at naghanda ng almusal. Kapag nagluluto ang dalawa ay isinasahog naman siya. Kaya para makabawi, kapag siya naman ang nagluluto ay sinasapat na niya para sa tatlong tao.
Himbing na himbing pa rin si Bayani. Maliit lang ang sofa, kaya nakalawit ang mga paa nito sa arm rest. Siya ang nahihirapan sa ayos nito.
Natukso si Dana na pagmasdang mabuti ang mukha ni Bayani. Nakahubad-baro ito. Pero suot pa rin ang pantalon. And she was surprised because she liked what she saw. Lumalambot ang dating ng mukha nito kapag natutulog. At guwapo rin naman pala ang lalaki.
Ang balbas at bigote nito ang nagbibigay sa lalaki ng rugged look. Kahit tulog ay nag-aalsahan pa rin ang mga muscle nito sa braso at dibdib.
Sa mga nobela niya, almost all her heroes were like him. Strong, muscular, ruthless. But personally, she preferred someone tame and softer. Hindi niya gusto ang lalaking parang gubat ang mukha. Kahit sabihin pang bagay iyon kay Bayani at neat naman ang pagkaka-trim ng balbas at bigote nito. Mas gusto pa rin niya ang clean-type. Iyong lalaking parang laging bagong paligo. Hindi iyong kahit kaliligo pa lang ay parang gusto mong takpan ang ilong mo kapag nakakasalubong. Not that Bayani smelled bad. At least, wala naman itong amoy na hindi kanais-nais.
Nang kumilos ito mula sa pagkakahiga ay mabilis na tumalikod si Dana. Pumasok siya sa kuwarto para magpalit ng damit-pampaligo.
Maglulunoy siya sa dagat. She missed her early morning swim sa nakaraang tatlong araw. Laging nauuna roon sina Bayani at Rita. She didn't want to intrude.
Napangiti siya nang tingnan ang kanyang swimming outfit—itim na T-shirt at cycling shorts. Ang mga iyon ang isinusuot niya para hindi na siya kailangang mag-bra pa. Magaan na panlangoy ang nylon cycling shorts.
Kahit na malayo sa ibang kabahayan ay hindi nangangahas si Dana na magsuot ng bathing suit. Baryo ang lugar na iyon. Sa TV, pelikula, at magazine lang nakakakita ang mga tagaroon ng mga babaeng naka-bikini. Ayaw niyang mapaiba sa mga tagaroon.
She was a strong swimmer. Nag-aral siyang lumangoy sa YMCA. Tuwing bakasyon noon ay ine-enrol siya ng kanyang ina sa kung ano-anong lesson—swimming, ballet, singing. Pinag-aral pa siyang mag-piano, hoping na may hidden talent siya. Pero pagdating sa musika ay sintunado pati pandinig niya.
At ngayon na araw-araw siyang naliligo sa dagat, pakiwari ni Dana ay puwede na siyang ilaban sa Olympics. Araw-araw ay sinusubukan niya kung hanggang saan ang kaya niyang languyin.

NAGISING na rin si Bayani. Nangalay ang leeg at likod niya sa pagkakahiga sa sofa. Pagod na pagod siya nang dumating kaninang madaling-araw, kaya pagsayad ng likod niya sa sofa, kahit maliit iyon, ay agad siyang nakatulog.
Nang makapagmumog at makapaghilamos ay dumeretso siya sa kusina. Nakita niya ang pagkain sa mesa. Para sa tatlo iyon at hindi pa nababawasan. Hinanap niya si Dana. Nakita niya itong palusong sa dagat.
Napatingin siya sa dagat. Lumalaki na ang mga alon. Pero parang hindi iyon alintana ng babae na patuloy sa paglusong sa tubig.

NAPATINGIN si Dana sa dagat. Maingay iyon ngayon at magalaw. Higit na malalaki ang alon. Bagaman medyo madilim pa sa dako roon, mainit naman ang singaw. Huminga siya nang malalim. Natatakot din naman siyang lumusong sa tubig kapag ganoon kalalaki ang alon. Alam niyang delikado. Nagpasya siyang gumawi sa mas mababaw.
Pero isang malaking alon ang dumating. At bago pa siya nakatakbo ay nilamon na siya ng alon. Natangay siya. Hinila siya pailalim sa tubig.

MABILIS na napatakbo si Bayani para tulungan si Dana nang makita niyang lamunin ito ng malaking alon. Bago lumusong sa tubig ay mabilis niyang hinubad ang pantalon.

GUSTONG mag-panic ni Dana. Pero alam niyang kapag pinairal niya ang takot ay lalo siyang malalagay sa panganib.
Sinikap niyang lumutang paitaas. Parang sasabog na ang kanyang baga nang sa wakas ay nagawa niyang lumutang sa tubig. Habol ang hininga na napatingin siya sa pampang. Malayo na siya. Sinikap niyang lumangoy papunta roon. Mahirap dahil malakas ang alon. Kapag tinatangay siya niyon, nagpapaanod na lang siya.
Kinabahan si Dana nang bigla niyang maramdaman ang paninigas ng kanyang mga paa.
Napasigaw siya para humingi ng tulong. Sinikap niyang labanan ang pamumulikat pero unti-unti na siyang lumulubog.
Nang walang ano-ano ay may humawak sa kanyang baba at hinila siya paitaas.
"You're a fool!" galit na galit na sabi ni Bayani. "Nakikita mo nang lumalaki ang alon, sumugod ka pa rin sa tubig."
Gustong magprotesta ni Dana. Pero nagsimulang manginig ang kanyang buong katawan. Noon niya na-realize kung gaano siya kalapit kay Kamatayan. "God!" usal niya. Hindi niya mapigilan ang luhang mabilis na nag-unahan na pumatak sa magkabila niyang pisngi.
Niyakap siya ni Bayani nang nasa pampang na sila. "Sshh... It's all right. Ligtas ka na..."
Mahigpit na yumakap siya rito. "It's all right," paulit-ulit na assurance nito. He was kissing away the tears on her face.
Kinabig niya ang ulo nito at mariing hinalikan sa mga labi.
She wanted to feel that she was really alive.
HE WAS glad that she's alive.
Nakaupo sila sa buhanginan. Kandong-kandong pa rin niya si Dana.
Hindi na importante kung sino na ang humahalik sa kanino. They were kissing each other ardently. They were both trembling. With shock. With needs.

ABALA ang kamay ng binata sa likod ni Dana. Nalilis ang kanyang T-shirt. Dumako ang kamay nito sa tiyan niya. Pagkatapos ay naglandas iyon paitaas. He was now cupping her breast. He molded it in his palm, and then gently massaged it.
Bilang tugon, she pressed her body closer to his. Unti-unti siyang inihiga ni Bayani sa buhanginan, partially covering her body with his body. Magkalapat pa rin ang kanilang mga labi.
Nang marinig nila ang hiyawan sa di-kalayuan. Daig pa nila ang binuhusan ng malamig na tubig.
Mabilis na hinila pababa ni Bayani ang T-shirt ni Dana. Pagkatapos ay napamura ito; tumayo papunta sa kinaroroonan ng hinubad na pantalon. He never tried to hide his arousal.
Iniiwas ni Dana ang mga mata. Pinanginginigan pa rin siya ng mga tuhod. Sinikap niyang tumayo at tumakbo pabalik sa bahay.

Braganza (Bayani) - Maureen ApiladoWhere stories live. Discover now