Chapter 5

282 5 0
                                    

CHAPTER FIVE

HINDI lang kay Bayani hiyang-hiya si Dana, mas lalo sa kanyang sarili. Kapag naiisip niya ang nangyari sa beach ay parang gusto niyang magtago na lang habang-buhay sa kanyang kuwarto.
She clung to him as if her very breath was dependent on him. She almost made love with him right there on the beach. Mabuti na lang at narinig niya ang tawanang iyon. Hindi nga lang niya sigurado kung nakita sila ng mga ito o hindi. Kahit pribado ang bahaging iyon ng beach ay malaya pa rin ang mga tao na magdaan doon.
Kalahating araw nang hindi lumabas ng kuwarto si Dana. Pero hindi naman siya nagsusulat. She was too tensed and agitated. Matagal siyang nakahiga sa kama at nakatitig lang sa kisame.
Paano siya muling haharap kay Bayani? How she wished he would just fade away.
Hindi siya puwedeng magkulong sa kuwarto buong araw. Nagugutom na siya. Gusto na rin niyang gumamit ng banyo. Napilitan si Dana na lumabas ng kuwarto. The sooner she faced him and got it over with, the better. Huminga siya nang malalim, bago lumabas ng kuwarto.
Nasa veranda si Bayani. Nakatalikod ito at nakatanaw sa dagat. As usual, nakaputing T-shirt ito na fit sa katawan at pantalong maong na halos yumakap sa mga hita nito.
You can only describe him as sexy. Wide shoulders, narrow hips, and... nice butt. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi hangaan ang lalaki. He looked so virile, so strong.
Lumingon si Bayani nang marinig ang mga yabag niyang papalapit. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong agad nito.
Tumango si Dana. "Salamat sa pagliligtas mo sa akin kanina." Iniiwasan niyang mapatingin sa mga mata nito. "T-tungkol sa nangyari..." She felt awkward. Naramdaman niya ang pag-akyat ng init sa kanyang mukha at pagkalat niyon sa buo niyang katawan.
"Huwag mo nang isipin 'yon," pabale-walang sabi nito. "We were both shocked. And people acted strangely after a very horrifying experience. Kumakapit tayo sa pinakamalapit na tao o bagay na puwede nating kapitan."
Nakahinga nang maluwag si Dana. Pinagaan nito ang mga pangyayari.
"Mabuti pa, kumain na tayo. Kanina pa ako nagugutom," paanyaya ni Bayani at lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa balikat. Muntik na siyang mapalundag sa gulat. Parang napapasong mabilis na lumayo siya.
Napatitig ito sa kanya.
Nauna na siyang pumasok sa kusina.

ILANG sandali pa ay magkaharap na sina Dana at Bayani sa tanghalian. "Nasaan nga pala si Rita?" naitanong niya.
"Inihatid ko sa Tuguegarao kagabi. Naospital ang mister niya."
Nabigla siya. "M-may asawa si Rita?"
"Oo. Sumakit daw ang tiyan. Appendicitis daw, sabi ng doktor. Isinakay nga kaninang umagang-umaga sa helicopter papuntang Maynila para doon operahan."
Napailing si Dana. "Mabuti't pumayag ang asawa ni Rita na magpulis siya at sumama sa mga delikadong misyon."
"Hindi naman delikado ang misyon namin. Nagmamanman lang kami. Kapag sapat na ang nalalaman namin, saka kami gumagawa ng operation plan. Hindi naman kami sumusugod na kaming dalawa lang. Although may mga pagkakataon na kung minsan ay hindi naiiwasan iyon. Nagkakaroon ng abortive mission. But we never fight combat to combat. Hanggang kaya naming umiwas, umiiwas kami," pahayag ni Bayani.
"You make it sound so easy," dismayadong sabi niya.
"No. Hindi naman ganoon kadali ang lahat. Nariyan lang palagi ang panganib. Kaya nga iniingatan namin ang mga cover namin. Pinipili namin ang mga taong puwede naming pagkatiwalaan."
Lihim na nasiyahan si Dana. At least they trusted her.
"Mabuti't hindi seloso ang asawa ni Rita," nasabi niya. Nabasa kasi niya sa driver's license ni Bayani na single pa ito kaya niya iyon naitanong.
Umiling ang lalaki. "Naiintindihan niya. Bahagi 'yon ng trabaho namin. Besides, malaki ang tiwala niya sa aming dalawa ni Rita. Alam niyang kahit na magkatabi kaming matulog, I won't touch her wife."
Napaangat ang isa niyang kilay. Maganda at sexy si Rita, unless... May pagdududang napatingin siya sa kaharap.
"Bago kung saan-saan mapunta ang takbo ng isip mo, gusto kong malaman mo na mali ka ng iniisip." Bago pa makapagsalita si Dana ay kinuha ni Bayani ang kanyang kamay, at dinala sa nakaumbok nitong harapan. "Hayan ang ebidensiya. I still ache for you!"
"Bastos!" Galit na hinila niya ang kamay. Para siyang hinalabos na hipon sa sobrang pamumula.
"Gusto ko lang malaman mo na hindi ako bakla. Rita is a very beautiful woman pero malaki ang paggalang ko sa kanya at sa mister niya. Malaki ang tiwala sa amin ni Colonel Camacho. At oras na pinakialaman ko si Rita, lagot ako sa kanya. Siya kasi ang superior namin."
Napaawang ang mga labi ni Dana.
Nagpatuloy ang binata sa pagkukuwento. "Biyudo na si Coronel Camacho nang makilala niya si Rita na kapapasok pa lang sa police force. Whirlwind ang courtship nila. After a month mula nang nagkakilala sila ay nagpakasal na sila. Labinlimang taon na silang kasal."
"Fifteen years? Bakit, ilang taon na ba si Rita?" kunot-noong tanong niya. Tingin niya ay nasa late twenties pa lang ito.
Natawa si Bayani sa tanong niya. "Hindi ka makapaniwala, ano? Mas bata siyang tingnan kaysa tunay niyang edad. Thirty five na siya. Iyong anak nga niya, kapag magkasama sila ay napagkakamalang kapatid lang niyang bunso."
"Wow. Sabihin mo naman sa kanya, i-share niya sa akin ang beauty secret niya," biro ni Dana. "Kailan ba ang balik niya?"
"Hindi ko alam. Baka matagalan bago makabalik 'yon," sabi nito.
"How about your girlfriend?" kaswal na tanong niya.
"Are you fishing for something?" natatawang balik-tanong ng lalaki. "Wala pa akong girfriend kung 'yon ang gusto mong malaman."
Tumaas ang isang kilay ni Dana. Halatang hindi naniniwala.
"I'm not committed to anyone kung 'yan ang gusto mong malaman. Although I admit, marami akong naging flings. Sa klase ng trabaho ko, walang puwang ang isang seryosong relasyon. Lagi akong nadedestino sa kung saan-saang lupalop ng bansa..."
"You must be good," sabi ni Dana.
"Yes," walang-gatol na sagot nito. "At may kakambal na suwerte rin siguro. Bibihira sa mga operation na pinangunahan ko ang nasisilat."
Lihim siyang napaismid. May kayabangan talaga ang lalaking ito.
"How about you? Hindi ba nag-aalala ang boyfriend mo na mag-isa ka lang dito?" Ito naman ang nagtanong sa kanya.
"No. May tiwala 'yon sa akin," ani Dana. She almost forgot about Egay. Isa itong seaman. Two years na silang magkarelasyon. Ayon sa huling sulat nito sa kanya, nagbabalak na ito tungkol sa paglagay nila sa tahimik.
Hindi pa niya iyon sinasang-ayunan. Nag-iisip siyang mabuti. Mahirap ang long-distance love affair. Siyam na buwan sa loob ng isang taon ay nasa dagat ito. Ngayon na mag-boyfriend pa lang sila ay nahihirapan na siya; how much more kapag nakasal na sila? Kapag nag-asawa na siya, she would want her husband to be always at her side.
Mayamaya ay narinig nilang may tumatawag mula sa ibaba.
"May tao," sabi ni Dana. Tumayo na siya at lumabas. Nakita niya ang matandang naglalako sa kanya ng mga gulay. "Kayo pala, Aling Leonor. Ano ho ba ang tinda ninyo?" tanong niya.
"Ipapakbet," sagot nito. Napatingin ito sa gawing likuran niya. "M-may kasama ka pala," sabi nito.
Lumingon siya. Hindi niya alam na sumunod si Bayani.
At bago pa si Dana nakapagsalita ay inunahan na siya nito. "Ako ho ang asawa ni Dana," pakilala nito sabay akbay sa kanya.
Napaawang ang mga labi niya. Anyong magpoprotesta siya pero bahagyang dumiin ang kamay ni Bayani sa kanyang balikat.
"Mahal, kuha tayo ng ipapakbet at ako ang magluluto." Ito na ang pumili ng mga gulay at ito na rin ang nagbayad.
Nang makaalis ang matanda ay galit na hinarap ni Dana ang lalaki. "Bakit mo sinabing mag-asawa tayo? Alam mo bang si Aling Leonor ang dakilang reporter dito sa baryo?"
"Alam ko. Ginawa ko iyon para sa 'yo. Ano na lang ang iisipin ng mga tao kapag nalaman nilang dadalawa lang tayo rito?" katwiran naman ni Bayani.
"Paano kapag umalis ka na?" may pag-aalalang tanong niya.
"Bakit? Balak mo bang dito na tumira habang panahon?"
"No. But I was planning to stay here as long as I can. But you made that impossible for me now. Pag-alis mo, mapipilitan na rin akong umalis."
"Di sabihin mo sa kanila na nagbalik na ako sa trabaho. Sa Saudi halimbawa," sagot ng binata.
Hindi na nakipagtalo si Dana. Sa isang banda, mas mabuti na nga rin na ang alam ng mga tao ay mag-asawa sila. Maiiwasan ang tsismis.

NANG sumunod na mga araw ay tahimik naman ang sitwasyon sa pagitan nila. Laging nagkukulong si Dana sa kanyang kuwarto at gumagawa ng nobela. Wala siyang pakialam kung ano ang ginagawa ni Bayani sa labas.
Samantala, may pagkainip na tinapunan ng binata ng tingin ang saradong pinto ng kuwarto. Pasado alas-dos na naman pero hindi pa lumalabas si Dana para magtanghalian. Hindi ito nakatiis. Kinatok nito si Dana.
Abala siya sa ginagawa. Nasa climax stage na ang kanyang isinusulat. Muli itong kumatok sabay tawag sa kanyang pangalan. Inis na tumayo siya para pagbuksan ito. "Bakit ba?"
"Kumain ka muna. Hapon na."
"My God!" Inis na ibinalibag niya pasara ang pinto, pagkatapos ay muling binuksan. "Next time, huwag mo akong iistorbohin kapag may ginagawa ako." Muli rin niya iyong isinara. Pagkatapos ay hinarap ang ginagawa pero nawala na ang kanyang konsentrasyon. Inis siyang lumabas at nagpunta sa kusina. Kumuha ng sterilized milk at crackers, at iyon ang kanyang kinain.
"Bakit 'yan ang kinakain mo? May niluto akong pagkain," sabi ni Bayani.
Hindi niya pinansin ang alok ng lalaki. Sa halip ay hinarap niya ito. "Don't ever do that again. Kapag nasa kuwarto ako, huwag mo akong iistorbohin. Nawawala ang konsentrasyon ko sa pagsusulat. Kusa akong lalabas kapag nagutom ako," pagtataray niya.
"Ikaw na nga ang inaalala na baka magka-ulcer ka na sa ginagawa mong pagkain nang wala sa oras," sabi nito na galit na rin.
"Thanks for the concern but I don't need it."
"Okay, ikaw ang bahala. Sorry kung naabala kita."
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ay hindi na siya gaanong pinakikialaman ni Bayani. Nagluluto lang ito ng para sa kanilang dalawa. Kapag nagutom siya ay lalabas na lang siya para kumain.

Braganza (Bayani) - Maureen ApiladoWhere stories live. Discover now