"Ang taas naman ng pangalan niya, Anak! Tinulad mo pa talaga sa 'yo. Ano bang palayaw niya?" tanong naman ni Mama.



"Aiah po, Ma!" 



Napangiti kaming tatlo habang nakatingin kay Aiah. Tama nga si Charlotte, matangos ang ilong ni Aiah at pang mayaman ang kutis niya.. Nagmana sa kanyang Ama na si Lucas.



Bukas pa kami makakalabas dito sa Hospital kung kaya ay umuwi muna sila Mama at Charlotte upang mahanda ang kwarto ko at ang matutulugan ni Aiah. Timing lang din dahil kakarating lang ni Jaidah dito sa Hospital at nagdala siya ng mga prutas.



"Pasensiya ka na at ngayon lang ako nakapunta, Bri. Sobrang busy kasi sa club at naglinis din kasi ako ng apartment natin baka saka-sakaling maisipan mong bumalik doon," paliwanag niya habang nagbabalat ng orange para sa 'kin.



"Ano ka ba, okay lang 'yon, Jai. Nandito naman sila Mama at Charlotte at sila ang nag-alaga sa 'kin habang pinapanganak ko si Aiah,"



"A-Aiah? 'Yan ba ang pangalan ni baby?"



"Oo, Jai! Aiahnna Louis,"



"Napakaganda namang pangalan! Pwede ko ba siyang makita, Bri?"



Tumango lamang ako tsaka siya tumayo at pumaroon kung saan si Baby Aiah. Habang nandoon si Jaidah ay kinain ko na muna itong orange na binalatan niya.



Ilang sandali lang ay may kumatok dito sa kwarto ngunit hindi ko pa naman kayang tumayo ay nagsabi nalang ako na bukas naman ang pinto at pwede silang pumasok dito sa loob. Nang makapasok na nga ang mga ito ay laking gulat ko nang makita ko sila Mama Fe na kasama si Mr. Chua at ang girlfriend nito.


Nahiya ako sa itsura ko dahil alam kong sobrang haggard pa ng mukha ko at pinag-pawisan pa ang katawan ko. Nakangiting nakatingin sa 'kin sila Mama Fe at si Mr. Chua, ngunit itong girlfriend niya ay nakakibit-balikat lang at panay irap sa 'kin at dito sa paligid. 



Akala ko pa naman break na sila, tsk!



"Kamusta ka, Kimmy?" Lumapit si Mama Fe sa 'kin at kaagad na hinawakan ang kamay ko at naupo sa tabi ko, "Mabuti naman at nairaos mo ang Anak mo, syempre sa tulong ng ating Panginoon," ngumiti siya at niyakap ako.



"Okay na po ako, Ma! Mabuti nalang din dahil hindi ako pinahirapan ng Anak ko," ngumiti rin ako at napatingin kay Mr. Chua na mukhang gusto rin akong yakapin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CANDLE LIGHTWhere stories live. Discover now