CHAPTER 7

32 0 0
                                    


"Thanks for the tip, Timothy, right?"



Nakaalis na 'yong guest namin nila Rica at Sora. Hindi man sila nagbigay ng ladies drinks sa 'min, binigyan naman nila kami ng tip. Binilang ko agad kung magkano ang ibinigay sa 'kin ni Timothy. Napangiti ako nang mabilang lahat dahil 15k lang naman ang ibinigay niyang tip sa 'kin. Hindi ko alam kung magkano kila Rica at Sora hindi na rin kasi ako nagtanong pa.



Pagkalabas namin ng vip room hindi na ako pumunta pa sa bartender area dahil wala naman dapat akong picturan dahil wala naman akong ladies drinks.



Alam kong kanina pa naghihintay sa 'kin 'yong guest na tinutukoy ni Mama Fe. Ayoko sana siyang puntahan kaso alam kong magagalit sa 'kin si Boss kapag hindi ako nagpakita sa guest ko. Ayoko talagang magpakita sa kanya dahil naiinis ako at hindi ko alam kung bakit. May galit akong nararamdaman sa kanya ngunit hindi ko alam kung saan to nagsimula.



Bumalik si Lucas dito sa bar. Hindi ko inasahang siya ang tinutukoy ni Mama Fe na guest ko. Napamura pa ako nang makita ko siyang naghihintay nga sa 'kin sa waiting area. Walang nagbago sa itsura niya kahit ngayon ko lang siya ulit nakita. Nakapamulsa niyang tinitingnan ang mga kasamahan kong nakaupo sa tapat niya habang hinihintay ako. Nakita ko rin sila nag bulong-bulongan na mukhang pinag-usapan si Lucas. Na-amazed pa nga si Yuri nang makita sa malapitan si Lucas. Hindi nila alam na ako ang hinihintay ni Lucas kaya kung maka ngiti sila sa kanya ay wagas.



"Puntahan mo na kaya baka maagaw pa ng iba," bulong sa 'kin ni Rica.



Inirapan ko siya at bumalik ang tingin kay Lucas. Ilang segundo lang ay nagtagpo ang paningin namin ni Lucas kaya napangiti siya at napaiwas naman ako. Kinakabahan na baka puntahan niya ako rito sa kinatatayuan ko.



At hindi nga ako nagkamali, naglakad na nga siya papalapit sa 'kin at hindi na ako makagalaw dito sa kinatatayuan ko. Nanginginig ang tuhod ko nang nakalapit na nga siya sa 'kin. Ang ama ng batang nasa tiyan ko ay nasa harapan ko na ngayon. Nakatingin sa 'kin ang lahat ng mga kasamahan ko dito sa bar including Mama Fe and Jaidah. Hindi ko alam kung anong iniisip nila pero mukha naman silang masaya dahil nga nasa harapan ko na si Lucas.



"Kimmy, can I take you to the vip room?" Tanong niya na may ngiti parin sa kanyang labi. Masaya ata siyang makita ulit ako.



Wala na akong nagawa at sumama na sa kanya dito sa vip room. Kinakabahan parin ako dahil hindi ko alam ano ang gagawin ko, kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa batang nasa tiyan ko o hindi. Bago siya umupo ay kinausap niya muna ang waiter namin at kung hindi ako nagkakamali ay mag-ooder na naman siya ng alak.



Hindi ko alam paano sasabihin sa kanya na bawal akong uminom ng alak.



"How are you, Kimmy?" Mahinahong tanong niya habang hinihintay niya ang mga alak.

CANDLE LIGHTWhere stories live. Discover now