CHAPTER 16

13 0 0
                                    

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!"



Napasigaw ako sa sakit. Araw na ng kapanganakan ko, at sinigaw ko na lahat upang makalabas na si baby sa tiyan ko. Hindi ko na alam, sobrang sakit na ng aking lalamunan kakasigaw mapalabas ko lang si baby ng madalian. 



"Sige pa, isigaw mo pa, Brianna!" 



"Uhmmmmmmmmmm! Ahhhhhhhhhhhh!!!" Hinahabol ko na ang hininga ko dahil sa sobrang tagal ni baby'ng lumabas. 



"Malapit na, Brianna! E-Eri mulang 'yan at lalabas na si baby!" 



Ilang sandali ay naramdaman kong nakalabas na si baby sa tiyan ko, at sobrang sarap sa pakiramdam nang mailabas ko lahat ng aking lakas. 



"Ang lusog ng anak mo, Brianna!" sabi ni Doc nang makita ko siyang bit-bit ang anak ko. Napaiyak ako nang makita ang baby ko, "Anong ipapangalan mo sa kanya?" pahabol na tanong ni Doc.




"Aiahnna Louis, Doc!" Napangiti ako nang sinabi ko ang buong pangalan ng anak ko.



"Aiahnna Louis? Napakagandang pangalan! Brianna, ito na ang anak mo!" Sabi ni Doc sabay abot sa 'kin ng baby ko. 



Tumulo ang luha ko nang mahawakan ko ang Anak ko. I never expected this to happen in my life so soon. Sobrang saya ng puso ko ngayon. Ang mga luha ko ay nagpatuloy parin sa pag-agos. Hindi ko maipaliwanag kong anong saya ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang proud ako sa sarili ko dahil nairaos ko si baby nang hindi nahihirapan. 



"I love you, Aiahnna Louis!'' bulong ko sa Anak ko.



Ilang sandali ay pumasok na nga sila Mama at Charlotte dito sa loob, at nang makita nilang bit-bit ko sa Aiah ay agad silang napalapit sa 'kin.



"Ito na ba ang Apo ko?" Maluha-luhang tanong ni Mama. Agad niya namang kinuha ang Anak ko sa 'kin at siya na mismo ang nakahawak nito.



"Ate, sobrang ganda niya! Ang tangos ng ilong at mukhang pangmayaman ang kutis," sabat naman ni Charlotte habang hinawakan niya sa kamay si Aiah, "Ano nga pala ang pangalan ng pamangkin ko, Ate?" dugtong pa nito.



"Aiahnna Louis," nakangiti kong sagot.



"Aiahnna? So, parang Brianna? Tapos ang Louis ay parang Leigh? Wow! Galing mo namang mag-isip ng pangalan, Ate!" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CANDLE LIGHTWhere stories live. Discover now