CHAPTER 1

51 0 0
                                    

"Brianna, balita ko naghiwalay na daw kayo ni Marcus?"



Bungad sa 'kin ni Jaidah pagpasok ko dito sa loob ng bar.



"Oo, may bago na kasi siya kaya siya nakipaghiwalay," walang ganang sagot ko.



"Aba! Akala mo naman kung sinong gwapo upang lokohin ang isang katulad mo," umiling siya, "hindi niya ba alam na ang raming gustong maging bahagi ng buhay mo? Napakaswerte nga niya dahil siya ang pinili mo," dugtong pa niya.





Napangiti ako sa sinabi niya, alam na alam ni Jaidah ang tungkol sa buhay ko. Sino ba naman ang hindi updated sa buhay ko, eh siya nga tong parating kasama ko dito sa bar pati narin sa pag-uwi dahil iisang bubong lang 'yong tinitirhan namin.





"Hayaan mo na, mabuti narin siguro 'yun upang wala na akong iintindihin pa. Ayoko na munang magkaroon ng boyfriend nakakasakit lang 'yon ng damdamin," sabi ko tsaka nagpakawala ng malalim na hininga.







Ilang minuto na lang at mag-uumpisa na ang trabaho ko. Naalala ko tuloy ang sinabi sa 'kin ni Marcus, kaya siya nakipaghiwalay sa 'kin dahil ayaw niya sa mga babaeng nagtatrabaho sa bar. Like hello, simula palang alam niya nang sa bar na ako nagtatrabaho, eh bakit niya 'ko niligawan kung ayaw niya sa isang babaeng katulad ko?





Teka nga, hanggang ngayon hindi ko parin nakikita ulit 'yung taong nagbigay sa 'kin ng panyo noong ako'y umiiyak sa loob ng bus. Sino kaya 'yon?



Tapos na akong magbihis at mag-ayos ng sarili, oras na upang lumabas at maghintay ng guest.



Mahigit kalahating oras din bago may pumasok na isang guest dito sa loob kaya agad kaming tumayo at binati ang guest na 'yon.





Isang matandang guest ang pumasok dito sa loob. Pagkatapos namin siyang e-welcome ay agad na siyang namili ng babae upang mai-table niya. Todo iwas ako sa mata ng matandang guest na ito dahil ayokong ako ang piliin niya, ngunit sa kasamaang palad ay itinuro niya 'ko, wala na akong magawa kundi ang bumuntong hininga nalang.





Nandito kami sa 2nd floor ng bar kung saan nandito ang mga vip room. Nauna akong pumasok sa loob habang nakikipag-usap pa ang matandang guest na ito sa waiter namin.



"Hey, what do you want to drink?" tanong niya sa 'kin nang makaupo siya dito sa tabi ko.



"Tequila," walang ganang sagot ko, "tsaka samahan mo narin ng mga pagkain, nagugutom kasi ako kanina pa ako hindi kumakain, eh!" maamong mukha ang pinakita ko sa kanya.





"Oh sure! By the way, my name is Richard," pagpakilala niya, pangalan palang ang tanda na, "You're Kimmy, right?" pahabol nito.



Tumango ako at hindi na nagsalita. Kimmy ang pangalan ko dito sa loob ng bar, gusto kasi ng manager namin na hindi kami gagamit ng totoo naming pangalan.





Dumating ang alak tsaka ang pagkaing in-order ng guest na 'to, kaya nag umpisa na akong kumain habang siya naman ay uminom na ng alak. Habang kumakain ako ay nag request siya sa 'kin na kung pwedeng kumanta ako pagkatapos kong kumain.



Hindi sa pagmamayabang ngunit marunong talaga akong kumanta dahil nagmana ako sa Nanay ko na isang singer din sa Japan noon. Kaya siguro maraming mga guests ang gusto mai-table ako dahil alam nilang may talent ako. Ang ilan nga ay pabalik-balik nalang dahil gusto nila ng comfort mula sa boses ko.





Come What May by: Air Supply



Ne-request ng guest ko ang kantang 'yan, tumayo ako at kaagad pumaroon sa harap upang kantahin ang kantang napili niya.



CANDLE LIGHTWhere stories live. Discover now