CHAPTER 3

19 0 0
                                    


"Just stay at my condo until the rain will stop." 



Dahil sa lakas ng ulan ay hindi na nga ako nakauwi ng apartment. Ngunit mabuti nalang at nakatawag ako kaagad kay Jaidah, naintindihan din naman niya kung bakit hindi ako makauwi ngayong gabi.



"Sa master bedroom kana matulog at doon na ako sa isang kwarto," sabi ni Lucas habang bit-bit ang kanyang unan. Favorite niya siguro 'yan!



"'Wag na! Dito nalang ako sa living room. Nakakahiya naman sa 'yo!" 



"If I said you'll be sleeping in the master bedroom, you will sleep there. Pinatuloy kita dito kasi umuulan at ayokong patulugin ka lang diyan sa couch." He seriously said that. Hindi na rin ako makatanggi dahil baka magalit pa sa 'kin, siya na nga 'tong nagmagandang loob tatanggihan ko pa ba?



Pumasok kaagad ako sa masters bedroom na sinasabi niya. Naku, kung gaano kaganda ang living room niya mas maganda dito. Kung gaano rin kabango ang living room niya, mas mabango dito. Ano kayang perfume ang ginamit niya? Nakaka-curious naman!



Makalipas ang ilang oras ay hindi parin ako dinalaw ng antok. Napatingin nalang ako sa cellphone at nagulat nang makita kung anong oras na. Alas 2 na nang madaling araw, at hindi parin nga tumila ang ulan. Sobrang tahimik nang paligid, at pakiramdam ko ay nakatulog na ng mahimbing si Lucas. Unti-unti akong lumabas dito sa loob ng kwarto upang uminom ng tubig, ngunit nagulat ako nang makita si Lucas na nasa couch at tila may hinahawakang baso? Paunti-unti akong lumapit sa kanya at laking gulat ko ulit nang makita siyang umiinom ng alak habang umiiyak.



"L-lucas? O-okay ka lang ba?" natataranta kong tanong. Napaupo ako sa tabi niya.



"You're still awake,"  nakita kong pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang kanyang kamay, "Sorry, did I disturb you?"



"H-hindi.. Uhm., hindi kasi ako makatulog kaya lumabas ako upang iinom sana ng tubig," tumingin ako sa kanyang harap, at mukha atang kanina pa siya umiinom dahil maraming bote ng beer na akong nakita dito sa mesa, "Lasing ka na ata, Lucas!" nag-alalang sabi ko.



"Hindi pa ako lasing, Kimmy! I always drink in the evening so that I can sleep well. I have insomnia, hindi ako makatulog kapag hindi ako makainom ng alak." 



"Eh, makakasama naman niyan ng kalusugan," sabi ko.



"Naging masama ba ang kalusugan mo? Knowing na gabi-gabi ka rin umiinom," natigilan ako sa tanong niya. May point siya kaya hindi na ako nakasagot pa.



Natahimik kaming dalawa at tila pagpatak lamang ng ulan ang aming naririnig. Patuloy parin siya sa pag-inom ng alak habang ako naman ay nakatingin lamang sa kanya. Tsaka ko na-realized na ang gwapo niya pala, sobrang gwapo niya! Tsaka ko din na-realized na ang bait niya, kasi kung ibang tao na 'tong kasama ko for sure, may masamang gawin 'to sa 'kin. Nasa puder niya ako at kung gustuhin man niyang gawan ako ng masama gagawin niya dahil kaming dalawa lamang ang nandito.

CANDLE LIGHTWhere stories live. Discover now