CHAPTER 5

27 0 0
                                    

"Kimmy, you're pregnant!"




Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Feeling ko para akong pinagtakluban ng langit at lupa dahil sa narinig ko. Hindi ko alam anong magiging reaction ko sa mga nalaman ko.




Tang-ina! Hindi pwede 'to! Hindi! Hindi!




"Kimmy, nagdadalang-tao ka!" paulit na sinabi sa 'kin ni Nurse Kei. 



Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, bumagsak lahat ng mga luha ko at nanginginig ako. Hindi ko naramdamang hinawakan na pala ako ni Jaidah sa kamay dahil sa sobrang manhid ng pakiramdam ko ngayon. 




"H-hindi.. Hindi pwede... M-mali 'yang test mo!! Uulitin mo please, hindi ako buntis!" I was in panic mode. 



"Jai, hindi ako buntis! Hindi pwede, Jai!!!!" Pinilit kong tumayo kahit masakit pa ang ulo ko.



"Kimmy, relax ka muna, makakasama 'yan sa bata!" Pinapakalma ako ni Mama Fe habang inalalayan ako sa 'king pagtayo. 



"Ma, sure ka ba sa mga sinasabi mo?! Paano ako kakalma sa nalaman ko? Hindi.. Ma, hindi dapat ito ang nangyayari sa 'kin, Ma! Marami pa akong dapat gawin, Ma.. Hindi pa nakapag tapos si Charlotte sa college, may sakit pa si Mama. Jai, alam mong marami pa akong dapat gawin sa buhay ko...," napaupo ulit ako sa kama at tinakpan ang mukha ko.




Paano ko 'to sasabihin kay Mama? Ano na ang mangyayari sa 'kin? Lahat ng mga pinaghirapan ko mamawala dahil dito!



"Bri, matulog ka muna. Mamaya na tayo mag-usap, pahinga ka muna!" kalmadong sabi ni Jaidah. 



Sinunod ko siya at natulog nalang ako. 





Kinabukasan nagising ako na nasa gilid ko pala si Jaidah, naka-nap sa may kama. Hindi ko alam na dito rin pala siya nagpalipas ng gabi at sinamahan ako. Hindi ko muna siya ginising at hinayaan ko nalang muna siyang matulog, alam kong napagod siya dahil sa 'kin. Ang laking abala ng ginawa ko kay Jaidah, lalong-lalo na ngayon. 


Unti-unti kong inangat ang katawan ko upang maka-upo ngunit nasagi ng siko ko si Jaidah dahilan upang magising ko siya. 



Unti-unti niyang inangat ang ulo niya at tinignan ako, "Kanina ka pa ba gising, Bri?" 

CANDLE LIGHTWhere stories live. Discover now