Prologue

46 0 0
                                    

"How could you do this to me, Marcus?"



Para akong pinagbuhusan nang mainit na tubig nang makita ko si Marcus na may kasamang ibang babae dito sa loob ng mall.



"Bri, let me explain!" hinawakan niya ang braso ko habang nakahawak ang babaeng kasama niya sa mismong kaliwang kamay niya, "Babe, let me explain, please," dugtong pa niya.



At talagang may gana pa siyang mag explain ngayong kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya 'ko niloko.



"What on earth would you like to explain to me, Marcus? That she is not your other girlfriend? That she is just a friend of yours?!" I shrugged, umasta akong hindi nasaktan sa nakita ko upang hindi niya makitang nanghihina ako. Ayokong pagsamantalahin niya ang kahinaan ko which is him.



But the reality is, nasasaktan ako ngayon sa nakikita ko. Hindi ko maisip na magagawa sa 'kin ni Marcus 'to dahil alam kong mahal na mahal namin ang isa't-isa.



"Okay fine, you want to know the reason why I cheated on you?" he smirk, "Brianna, ayoko ang isang babaeng nagtatrabaho sa isang bar, napakarumi mong babae, alam mo ba 'yon? Kung sa simula pa lang alam ko ng sa bar ka nagtatrabaho sana hindi nalang kita nilagawan. At ngayon aasta kang kasalanan ko pa dahil mayroon na akong iba? Tsk!" He said that loudly, halos narinig lahat ng mga tao dito sa mall.



I slapped him.



Narinig ko lahat ng mga sibulong-bulongan na mga tao sa paligid namin, para akong pinagtakluban ng langit at lupa sa hiya na ginawa sa 'kin ni Marcus.



What happened to him? Sa pagkakatanda ko maayos naman kami noong nakaraang linggo, pero bakit ngayon naging bastos na siya sa 'kin? This is not him! Hindi niya kayang pagsabihan ako ng mga masasakit na salita. 



"Matagal mo ng alam na sa bar ako nagtatrabaho pero bakit ngayon nandidiri ka na sa 'kin? Alam mo ang totoo, Marcus. Hindi lahat nang nagtatrabaho sa bar ay maruming tao,"



Umiwas siya ng tingin sa 'kin, "Brianna, lets break up!" 'yan ang huling sinabi niya bago sila umalis kasama ang bago niyang babae.




Wala akong nagawa kung hindi ang umalis nalang din dito at umuwi sa bahay. Patuloy parin ang agos ng mga luha ko kahit pa nasa loob na ako ng bus. At habang umaandar na ang bus ay nakatingin lamang ako sa bintana upang hindi mahalata ng ilang mga pasahero na umiiyak ako. Ngunit nakita ko ulit si Marcus sa tabi ng kalsada at hinalikan niya sa noo ang bago niyang babae, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulhol na ako sa pag-iyak. Yumuko ako kahit alam kong ang lakas na ng boses ko.




Patuloy parin ako sa pag-iyak hanggang sa may nag-abot sa 'kin na isang panyo, kinuha ko 'to at agad na pinunas sa mukha ko. Ilang minuto na ang lumipas ngunit patuloy parin ang pag-agos ng luha ko, ngunit ngayon ko lang na-realized na hindi ko alam kung kaninong panyo 'tong hinahawakan ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko upang hanapin ang taong nagbigay sa 'kin nito, ngunit hindi ko na siya naabutan dahil kakababa niya lang dito sa bus. 




Alam kong siya 'yong taong 'yon, hindi ko nakita ang buong mukha niya dahil nakasumbrero siya. Pero nakakasigurado akong siya 'yon dahil sa suot niyang sapatos na kanina ko pa nakikita sa gilid ko habang nakayuko ako.



Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya at hindi ko rin alam kung paano ko maibabalik sa kanya ang panyong 'to.




CANDLE LIGHTWhere stories live. Discover now