CHAPTER 13

20 0 0
                                    

Lumipas ang anim buwan ay hindi na nagpakita pa sa 'kin si Lucas. Wala narin akong balita sa kanya. Hindi narin kasi ako nagtatrabaho sa bar kaya hindi ko na ulit nakikita si Mr. Chua. Ayaw narin kasi ni Mama Fe na ipagpapatuloy ko pa ang pagtatrabaho doon dahil buntis ako baka raw lilipat ang mga guests ko sa ibang babae kapag nalaman nilang buntis ako. Kahit si Mr. Chua ay wala paring kaalam-alam sa kalagayan ko kahit pa na pamangkin niya sng ama ng batang 'to.



Sa loob ng anim buwan ay nandito lamang ako sa apartment at pinagplanuhan ko na rin ang umuwi sa 'min dahil nagtataka na 'yong Nanay ko kung bakit sa loob ng anim buwan ay hindi ako nagpakita sa kanila. At kahit sila mismo ng kapatid ko ay wala ring kaalam-alam sa kalagayan ko. Ewan ko, natatakot kasi ako na baka hindi nila matanggap ang batang 'to. 



Kasi ang totoo, hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap ang batang ito. Ngunit kinakailangan kong tanggapin dahil kahit anong gawin ko ay anak ko parin 'to at galing mismo sa sinapupunan ko.



"May balita ka na ba kay Lucas, Bri?" tanong sa 'kin ni Jaidah habang nakahiga kami ngayon dito sa kama.



"Wala na, eh! Mabuti narin 'yon, alam naman nating pareho na ikinasal na 'yun doon sa fiance niya," tumingala ako sa kisame.



"Paano 'yang anak niyo? Ikaw ang mag-isang bubuhay niyan? Pwede ka naman sigurong humingi ng supporta galing sa kanya, diba?" 



"Hindi ako manggugulo sa kanila dahil alam kong hindi pa alam ng asawa niya ang tungkol sa anak namin. Basta ang importante, alam niyang may anak kami at hindi ko siya pinagbabawalang makita at makilala niya ang batang 'to!" Sabi ko.




Alam ko namang may karapatan si Lucas na makilala ang anak niya. Hindi ganoon kalaki ang galit ko sa kanya upang pagbawalan siyang makita at makilala ang anak niya. Nasa sa kanya na 'yun kung gugustuhin niyang sumupporta sa bata. Alam kong mahirap buhayin mag-isa 'to ngunit, may tiwala ako sa sarili kong kaya ko. At syempre alam kong gagabayan ako ng mga taong nakapaligid sa 'kin lalong-lalo na ang Diyos na hindi ako pinabayaan kahit kailan.






"Buntis ka?" Bungad kaagad sa 'kin ni Mama nang makita niya ako dito sa labas ng bahay namin.



"Ate? B-buntis ka?" Hindi makapaniwalang tanong sa 'kin ni Charlotte, kapatid ko. May namumuong luha sa mga mata ko ngunit pinipigilan kong bumagsak ito dahil ayokong makita nila akong umiiyak.




Nakayuko lamang ako habang may bit-bit na malaking bag. Mga damit ko lang ang laman nitong bag na dala ko dahil dito muna ako sa bahay mananatili hanggang manganak ako.




"Pumasok muna tayo, Ma, Ate!" Sabi ni Charlotte tsaka kinuha ang bag na dala ko.

CANDLE LIGHTWhere stories live. Discover now