CHAPTER 6

26 0 0
                                    


"Sasabihin mo ba sa Mama mo ang tungkol sa 'yo?" Tanong ni Mama Fe sa 'kin.



Nakauwi na kami ng apartment at kasama ko parin sila Mama Fe at Jaidah. Hanggang ngayon ay silang dalawa lang ang umalalay sa 'kin dahil silang dalawa lang maliban kila Boss at Nurse Kei ang nakakaalam sa sitwasyon ko. Ayoko munang may makaalam na ibang tao dahil alam kong pagchi-chismissan ako. Pati narin sa trabaho hangga't sa hindi pa alam ng lahat ay mananatili itong sekreto.



"Hindi pa siguro, Ma. Ayoko munang mag-alala si Mama sa 'kin, may sakit siya at ayokong dadagan pa ang iniisip niya," sagot ko.



"Eh, sa ama ng batang 'yan? Ipapaalam mo ba?"



Sabay kaming nagkatinginan ni Jaidah nang itanong ni Mama Fe ang tungkol kay Lucas. Umiling ako at nag-iisip dahil hindi ko alam anong isasagot ko.



"'Wag na muna nating pag-usapan 'yan, Ma. Mas mabuting magpahinga na muna si Brianna ngayon." Si Jaidah ang sumagot.




Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis si Mama Fe. Gusto ko man siyang sagutin ngunit nagdadalawang-isip pa ako dahil kahit ako mismo ay hindi alam anong gagawin. 



"So, anong plano mo ngayon?" Alam kung itatanong parin ni Jaidah ang tungkol diyan. Bago ko siya sinagot ay pumasok muna ako sa kwarto at nagbihis. Pagkalabas ko ay nakahanda na ang aming hapunan. Nagluto siya ng paborito kong Spicy Chicken Adobo. Sa aming dalawa siya ang may alam sa kusina at ako naman ay sa paglilinis ng buong bahay. Marunong at masarap magluto si Jaidah kaya kahit nasa petsa de peligro na kami ay kahit papaano may makakain parin kami. Nauna siyang umupo sa dinning table samantalang ako ay kumuha muna nag tubig sa ref upang uminom, kanina pa kasi ako nauuhaw 'yong tipong hindi naman ako dehydrated pero parang ganoon ang nararamdaman ko ngayon.


Pagkatapos kong uminom ng tubig ay bigla akong napahawak nalang sa ulo ko dahil nahihilo ako. Mabuti nalang din kaagad akong napahawak sa may ref dahil kung hindi ay matutumba at matutumba ako.



"Okay ka lang, Bri? Napatayo agad si Jaidah at lumapit sa 'kin nang makita niya akong may iniindang karamdaman.



"Nahihilo ako, Jai!" Hinawakan ni Jaidah ang kamay ko upang alalayan akong maglakad papunta sa may couch. I saw her face, sobrang nag-alala siya sa 'kin.



"Ang lamig ng kamay mo, Bri."



Nagulat siya nang bigla akong napatayo at dumiretso sa faucet. Sinuka ko lahat ng mga kinain ko at kaagad ko rin namang binasa ng tubig ang buong mukha ko pagkatapos. "Ang putla-putla mo, Bri! Teka lang, tawagan ko muna si Mama Fe dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'yo!" Ramdam ko sa tono ng boses ni Jaidah ang pag-alala. Gustuhin ko mang pigilan siya ngunit walang ibang tutulong sa 'kin ngayon kundi siya at si Mama Fe lang. Ayoko rin namang magpabaya sa sarili ko dahil walang ibang inaasahan ang pamilya ko kung hindi ako lang.

CANDLE LIGHTWhere stories live. Discover now