CHAPTER FIVE

86 34 4
                                    

"Start writing, no matter what. The water does not flow until the faucet is turned on."

- Louis L’Amour



Inabot ng ilang oras ang byahe nila papunta sa Barrio San Jóse kung nasaan ang Red Zone.

Tumawid ang bus na sinasakyan nila sa kabi-kabilaang check bago nila narating ang bayan.

Kabi-kabilaan din ang labas pasok ng mga truck na ang lulan ay mga sundalo at kung hindi naman ay mga pasyente o mga sibilyan.

Huminto ang bus sa isang malawak na lupain na tila pinatag na lupain na ngayon ay pinagtatayuan ng mga military medical tent. Daan-daang tent ang naroon at sa bawat tent ay may nakalagay na flag, flag ng mga nasabing bansa na kagaya nila.

Isa-isa silang bumaba ng bus, ang suot niyang bota ay bumaon sa putik. Rinig niya ang anggal ng iba sa mga kasamahan at rinig din niya ang pag-saway dito ni Doktora Hilario.

Bumuntong hininga siya, Buti hindi si Raffy ang narito ngayon dahil baka mag-histerikal ito pag-nakita nito na putek ang daan. Napangiti siya dahil totoo ang sinabi ng kakambal nito na baka kalalapag pa lang ng eroplano ay uwi agad ito.

Lumapit sa kanila ang isang lalaking sundalo na sa tingin niya ay isa nasa medical team din dahil may puting Banda ito sa kanang braso at may pulang cross ang nakalagay doon.

"Are you the medical team from the Philippines?" Tanong nito.

"Yes, we are just arrived." Sagot naman ni Doktora Hilario.

"Good follow me, your bags will be place in your tent." Saad nito at lumakad na .

Sinundan nila ito, malawak talaga ang sakop ng lupain na iyon. kaliwa't kanan din ang mga truck ng sundalo ang mga nag-nagbanantay sa lugar.

Dumaan sila muli sa isa pang enspeksyon. Bago nila narating ang tent kung saan ginagamot ang mga sugatan.

Pumasok sila sa isang malaking tent.
"Your hand please." Utos ng isang babaeng tingin niya ay nurse.
Halos buhusan nito ng alcohol ang mga kamay nila.

Doon din ay tumambad sa kanila ang mga pasyente, tingin niya ay nasa trenta mahigit at lahat iyon ay mga bata.

Nahabag siya ng makita ang mga ito.
"They were held as hostage when they are rescue some of them didn't make it." Nilingon niya ang nag-salita.

Isang babaeng doctor, nakasuot ito ng maroon na polo na nakatupi ang manggas, inalis nito ang gloves na suot.

"I'm Olivia Ponce, I'm the one who's in charge with theses patient." Pakilala nito. Nilaghad niya ang kamay dito.

"I'm Madeline Suarez, I am also a doctor from the Philippines." Pakilala niya. Saglit nitong nitingnan ang kamay niya bago binalik ang tingin sa kaniya. Napahiya siya ng hindi nito tanggapin ang pakikipag-kamay niya.

"You will be divided to two, some of you will be assigned in the other tent you will be attended the wounded soldiers, and the other was here. You will be assigned to the children and women." Halata sa boses nito ang pagod.

Kinausap ulet sila ni Doktora Hilario at Sila nila Claire, Alvin at iba pay ay sa mga bata na-assigned.

Pagka-alis ng iba nilang kasama ay sinumulan nilang i-familiarized ang mga gagawin. She also attend the needs of these children.

Mga isang oras mahigit ang ginuhol nila doon bago sila pabalikin sa tent nila. Binigyan sila ng isang araw na pahinga ng isang doktor dahil kararating lang daw nila at tiyak na pagod at gutom na sila.

Nang makabalik sila sa tent kung saan sila tutuloy sa loob ng isang buwan ay kahit papaano ay naginhawaan siya ng makita iyon.

Sa loob ng isang tent ay may foldable bed, apat ang naroon meron ding saksakan ng charger isang ilaw at may electric fan din.

This is enough saad niya sa sarili this is considered luxury na kung ihahalintulad ito sa mga tinulugan niya nung nasa mga medical mission siya sa Pilipinas.

Si Claire at yung dalawa pang nurse ang kasama niya sa loob ng tent. Maya pa ay lumapit ang isang sundalong babae at ibibigay sa kanila ang pagkain nila pati ilang kumot, unan, toothbrush at kung ano-ano pang hygiene kit.

Pag-labas ng tent ay naka-hilira Doon ang toilet pati portable shower room.

After kumain ay naisipan din niyang mag-lilinis muna ng katawan. Gusto niyang maging presko bago matulog dahil kinabukasan ay sasabak na sila sa medical mission.

Kinabukasan ay sinumulan na nila ang kanilang trabaho doon din ay nakilala niya ang iba pang doctor, ang ilang dito ay galing China at Ecuador.

Isa-isa niyang sinuri at ginamot ang mga pasyente na naroon. Humingi din siya sa isang Colombian na nurse kapag hindi niya maintindihan ang sinasabi at idinadaing ng mga pasyente.

Kinahapunan ay nakita niyang nag-mamadali ang ibang doktor na lumabas ng tent.

Naguguluhun man ay sumunod siya sa mga ito.

Isang truck ang dumating bumaba doon ang ilang sundalo at isa-isang binaba ang mga lulan nun.

Nakita din niya na halos bata ang mga iyon.
"My God." Nasambit niya.
"Those kids are hostages by those monster."
Nilingon niya ang nag-salita, si Doktora Olivia ito. Sinundan niya ng tingin ng sinalubong nito ang mga sundalo at kinausap.

Huminga siya ng malalim at sinimulang suruin ang mga bata. According to Doc Olivia ang mga batang iyon ay ginawang hostages ng mga rebelde para hindi sila paputukan ng mga sundalo.

Mga batang iyon ay ginagawang human shield ng mga rebelde.

Isang batang lalaki ang pumukaw sa atensyon niya, mga pitong taon gulang ang tantya niya. Gunit-gunit ang damit nito at wala itong sapin sa paa.

Nakatayo lang ito walang imik na nakatingin sa mga batang pumapalahaw ng iyak. Nilapitan niya ang bata at hinawakan ang balikat nito.

Inosenteng tumingala sa kaniya ang bata, hindi niya maiwasan ang mahabag habang tinititigan ang inosenteng nitong mga mata. Namuo ang luha sa kaniyang mga mata.

"You are safe now." Nanikip ang lalamunan niya hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniya ang gusto lang niyang gawin ay yakapin ang batang iyon.

Umupo siya para mag-pantay ang kanilang tingin. Kumurap-kurap ito at lumingon sa truck na pinang-gakingan nito.

Tinaas nito ang kamay at itinuro ang truck.

Nalilitong pinaglipat-lipat niya ang tingin dito at sa truck.

Tumayo siya tiningnan ang truck, Mula doon ay tumayo ang isang babae sa tantiya niya ay nasa bente na ang edad, gunit-gunit din ang damit nito.

The little boy still pointing on the girl. Binalingan niya ang bata at kinausap ito.
"Do you know her? Do you want me to check on her?"
Halatang hindi nito naintindihan ang mga sinabi niya. Kita sa mata nito ang kalituhan.
Tumango-tango nalang ito.

"Stay here." Wika niya tsaka nilapitan ang babae.

Pero Bago pa man siya maka-lapit ay imiyak ito at hinawakan ang leeg na para bang may inaalis ito doon, ang iyak nito ay histerikal.

Pag-tapos ay naramdaman niya ang mga kamay ng bata na hinihila ang damit niya.

He's saying something habang umiiling-iling.

Doon ay nakita niya ang pag-tatakbuhan ng mga tao sa paligid.

Hacia abajo!”
Sunod-sunod na sigaw ng mga nandoon .
"Hay una bomba baja!"

Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng mga ito ang nasa utak niya ay nasa panganip siya at ang batang ngayon ay naka-kapit pa din sa damit niya.

Ang tanging nasa utak niya ng mga oras na'yun ay protektahan ang batang lalaki.

Kumakabog ng malakas ang kaniyang dibdib at tsaka mabilis na niyakap ang bata.

It's like a slow motion.

Isang malakas na pag-sabog ang Umalingaw-ngaw kasabay ng hiyawan at pag-kakagulo sa Red Zone.







Word count: 1258
Another raw chapter.
Madaming errors
🍀

The Loser Club Series 2: Mandy Suarez Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ