Two

3 0 0
                                    

Ilang araw na simula nung araw na ininterview kami. Normal lang naman na interview yung naganap. Parang yung sa mga job-interview lang ang mga questions kaya mabilis lang akong natapos.

Wala namang ibang nangyari after ng interview. Bumalik na sa normal ang lahat, isang araw lang ang naiba, ayun yung day nung interview pero after non ay wala ng bago.

May pasok ulit ngayon kaya maaga akong nagising at nag-ayos. Pagkatapos ko mag-asikaso ay nagpaalam na rin ako kay mama at kay ate bago umalis, pumasok na kasi si papa sa trabaho niya kaya naman di ko na siya naabutan. Mas maaga ako umalis ngayon kesa sa usual na oras ng alis ko kasi kailangan ko pang magreview, may sunod-sunod kasi kaming quiz kaya naman kailangan ko talagang mag-aral.

Ako ang top ng klase at ako rin ang class president. Hindi ko nga ineexpect na ako ang iboboto nila, eh. Parang mga ewan kasi tong mga kaibigan ko, sila ang pasimuno ng pag nominate sa akin. Nakisali naman mga kaklase ko, kaya wala akong naging choice kundi maging pinuno na lang ng klase.

So far, maayos naman ang experience ko dahil nacocontrol ko naman sila nang maayos at nakikinig naman sila sa akin kahit papaano. Wala pa naman akong instances na umiyak sa harap para lang tumahimik sila, kaya kahit papaano ay magaan pa ang dibdib ko.

Nang makarating ako sa school ay hindi pa nakabukas ang mga gate kaya naman pumila muna ako sa mga estudyante rin na nakapila na naghihintay buksan ang gate.

Napalingon ako nang maramdaman ko ang kakaibang feeling na may nakatitig sayo. Nilibot ko yung tingin ko at wala naman akong nakitang nakatingin sa akin o nakatitig. Ano kaya yun?

Weird pero inalis ko na lang din sa isip ko dahil sakto namang bumukas na ang gate kaya naman dumiretso na ako sa room namin. Wala pang tao sa room at ako ang pinakauna. Ineexpect ko na naman siya dahil maaga pa naman talaga at maya maya pa sila usually na nagdadatingan. Kung wala lang quiz ngayon ay baka paalis pa lang din ako sa bahay.

Nilabas ko na yung reviewer ko na ginawa ko kagabi, gumawa talaga kasi ako para may magamit na rin ako sa paparating na periodical exam. Tahimik akong nagbabasa nang mapatingin ako sa pinto. Nandoon ang isang babae na nasa early 20s, kumakatok siya habang nakangiti.

"Hello, anong section 'to?" Sabi niya habang nakangiti pa ring nakatingin sa akin.

"Section S-A po" Sagot ko naman habang nakaupong nakatingin sa kanya. Ngayon ko pa lang napansin ang itsura niya, mukha siyang anghel na bumaba sa lupa kasi ang ganda ganda niya talaga.

"Ikaw ba ang president?" Pumasok na siya ng room at dahan-dahan lang siyang naglalakad sa harap habang nililibot ang tingin.

"Opo." Sagot ko naman habang sinusundan siya ng tingin.

"Ang linis ng room niyo, magaling ka siguro mamuno." Tumingin siya sa akin at ngumiti nang napakaganda. Ang ganda niya! 

"Ay, hindi naman po. Ang afternoon class po ang naglinis niyan before po sila umalis, sila po ang magaling." Ngumiti ako sa kanya pabalik habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya habang nakatayong nakatingin sa labas ng bintana ng room na nakatapat naman sa kalsada sa tapat ng school namin.

"Maria po" Bakit ako kinakabahan? Ang dami niyang tanong masyado, kinakabahan ako na walang dahilan.

"Hi, Maria. I'm Theia, it's nice to meet you in person." in person? What does she mean in person? Does she know me? Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kaya naman ilang segundo akong natahimik.

"Uhm, yeah. It's nice to meet you too--" Di ko pa natatapos yung sasabihin ko ay nagulat kaming dalawa ni Theia sa kumatok sa pinto na isang lalaking naka-plain black polo and black pants na may eyeglasses pang nakasabit sa collar ng polo niya.

"We're looking for you downstairs, what are you doing here et pourquoi tu lui parles?" (hinahanap ka na namin sa baba, anong ginagawa mo rito at bakit mo siya kinakausap?) Ano raw yon? wala akong maintindihan sa sinabi niya sa dulo! Pero the way na magsalita siya ay nakakatakot dahil seryosong seryoso siya habang bahagya pang nakataas ang kilay. 

"Rien, je veux juste le voir en personne et je pense que c'est lui que nous recherchons. Let's go." (wala lang, gusto ko lang siya makita ng personal at sa tingin ko siya yung hinahanap natin, tara na) Isa pa to, nagsasalita naman sila ng english, bakit hindi na lang sabihin sa english? Come on, people!

"Tu ne dois pas y aller sans permission, Theia. Nous serons détruits par ce que tu fais." (hindi ka dapat pumunta ng walang pahintulot, Theia. Masisira tayo sa ginagawa mo.) Medyo pagalit na ang pagsasalita nung lalaki kaya naman napatingin ako sa kanya nang masama rin, pinapagalitan niya ba si theia? Inaano ba siya? 

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil nagsasalitan sila ng mga words na wala akong idea kung anong language ba! Gusto ko lang naman mag-review eh, ano bang ginawa ko nung past life ko para maganto ako?

"Je sais je sais. Je veux juste être seul avec elle un instant, je viens d'arriver et maintenant regarde-toi, tu es là aussi, nous n'en sommes même pas encore à la partie loisirs" (I know, I know. I just want to be alone with her for a moment, I just got here and now look at you, you're here too, we're not even in the hobbies part yet) Kahit isang word sa sinabi niya ay wala akong naintindihan. Litong-lito na buong pagkatao ko sa nakikita ko ngayong nag-aaway na dalawang tao gamit ang foreign language. 

Tumingin ako kay Theia at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin kaya nginitian ko na lang din siya para naman di siya ganong kalungkot kasi pinagalitan siya nung lalaking to. Tumingin naman ako sa lalaki at sinamaan siya ng tingin, nakatingin din siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. What the heck?

Tinaasan ko rin siya ng kilay para ipakita sa kanyang di ako magpapatinag sa kanya. 

"elle se bat" (she's fighting back) Sabi nung lalaki kaya naman napakunot ako ng noo. Ano raw?

Natawa naman si Theia kaya napatingin ako sa kanya, anong nakakatawa eh kanina-kanina lang ay parang nag-aaway sila? "Je te l'ai dit, c'est elle" (I told you, it's her) Sabi naman ni Theia habang naglalakad papalapit sa akin at tinapik ang balikat ko. 

"See you later, Maria." Tinapik niya ulit ako nang isa pang beses bago naglakad papalapit sa pinto kung saan nakatayo yung lalaki at sabay na silang lumabas ng room at naglakad papalayo. 

See you later? Makikita ko pa ulit siya?

Naalis lang ang pag-iisip ko about kila Theia nang magsimula ng pagsipasukan yung mga kaklase ko. Pinagpatuloy ko na lang yung pagrereview ko kasi maya-maya ay magsisimula na kami magtest.

The story of this girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن