Chapter 18: Songs of the Winds

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatawa siya ng mahina at inayos ang salamin niya. Malaking tao si Luke pero napakamahinhin at napakabait niya, he's the one I can call a gentle giant.

"Ito lang ang litrato na meron ako, sa tuwing pumupunta kami sa Market Place at kumukuha ng litrato palagi nilang pinag-aagawan kaya ngayon, kinuha ko yung isa," pagpapaliwanag niya "Lean, kasama ka na sa pamilyang ito. Aaminin ko, dati hindi kami sigurado sayo dahil nagmula ka sa hindi kilalang lugar. Pero ngayon, wala na kaming pakialam kung saan ka nanggaling o kung sino ka"

Napangiti ako, sa tuwing tinitingnan ko ang litrato naalala ko kung gaano ako kaswerte sa kanila. Pero natakot din ako, ayokong may masamang mangyari sa kanila kapag dumating ang araw. 

Luke, kayo ang rason kung bakit nagpapalakas ako.

--

Nang dumating kami sa bahay, naligo agad ako. Habang naliligo, pinakalma ko ang isip at dibdib ko. Pinikit ko ang mga mata ko habang nararamdaman ang pagpatak ng mainit na tubig sa mukha ko. Kailangan kong klaruhin ang isip ko, I need to stay sane.

Habang naliligo, pinaglalaruan ko ang mga butil ng tubig na lumalabas mula sa shower. I'm still amazed by how advance Vindora is. Ang sabi sa akin nina Tracy ang Human Realm ay maganda, maraming malalaking building na hindi katulad dito sa Vindora at may malalaking kahon na sinasakyan ng mga tao para makalipat ng lugar nang hindi naglalakad. Dito sa Vindora may mga lumilipad na karwahe pero mas pinipiling maglakad ng mga Fiarae.

Pinaglaruan ko ulit ang tubig at inihugis ito bilang bulaklak, balahibo ng ibon, libro. Nalusaw ito at tinitigan ko ang mga palad ko, deserve ko ba ang ability na 'to? Bakit 'to napunta sa akin? Flame or Shane or any other of my friends were more worth it. 

The power to control things, to change things in the real world is something really amazing. Sa ngayon, nakakapagpagalaw palang ako ng mga pisikal na bagay, mga bagay na walang buhay at minsan, if I try really, really hard until my nose bleeds, I can inflict the pain of being slapped by someone. 

Darating ang araw na kaya kong kontrolin ang mga nakapaligid sa akin, I can destroy something if I want to, I can create something if I want to, I can manipulate minds and emotions if I want to. Pero sa matagal na panahon pa iyon, I have so much to learn at hindi pa handa ang pisikal na katawan ko para sa mga bagay na iyan. It will destroy my physical body and I will die.

Lumabas na ako mula sa cr at binalot ang katawan ko ng tuwalya. It's always refreshing after a bath, Nang lumabas ako sa cr, naglakad ako papunta sa aparador na nasa kabilang dulo ng kwarto. Nangangalahati palang ako biglang bumukas ang pinto.

"Lean aalis--"

Nanigas ako at humigpit ang hawak sa tuwalya ko. Nagkatinginan kami, hindi parin nagreregister ang nangyayari. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, biglang namula ang tenga niya at nanlaki ang mga mata niya. Nang matauhan ako, kinumpas ko ang kamay ko at padabog na isinara ang pintuan sa mukha niya.

Bumagsak ako sa sahig, A-ano ang nangyari? Hindi ko ba na-lock yung pinto? P-paano?

"FLAAAMMMEEE!"

--

Nagbihis ako at bumaba, nagkatinginan kami ni Flame na nakaupo sa sofa. Binalik niya ang tingin niya sa libro kaya pinagpatuloy ko ang pagbaba ko sa hagdan, pumunta ako kena Shane at Tracy na nasa kusina.

"Anong meron?" tanong ko sa kanila. Abala sila sa pag-aayos ng damit at buhok, lumingon sila sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ikaw? bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong ni Shane sa akin. Kumunot naman ang noo ko, napansin ko na pati mga lalaki nakaporma kahit nasa dorm lang kami.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon