Chapter 34 - Poison Passion

Magsimula sa umpisa
                                    

Natahimik ang dalawang head guardian. Kahit ako ay hindi na nakapag- salita. Valentine has proved me once more that his love for me is inevitable.

Naghintay kami sa sagot nila. Kitang-kita kong natatabunan ng matamlay na ekpresyon ang kanilang mga mukha. I knew there was a reason, but I didn't understand why they preferred not to speak about it. 

Nang wala kaming makuha kundi puro buntong hininga at titig, I decided to say something too. "Dahil ba ito sa blood lines? Magugulo ang lines ng parehong uri? Dahil hindi pwedeng maging parehong guardian at wizard ang sinuman? Natatakot kayo na maaaring magbunga ang love namin para sa isa't isa? Akala ko ba sabi ni Diamond, lahat na ay pwede? Dahil wala namang dahilan para tuldukan ng katapusan ang dalawang nagmamahalan? Sana lang hindi unfair. Dati naman bawal ang Gemlack at Soverthell pero nagawan ng paraan. Bakit kami wala? Wala bang pagkakataong pwedeng ipagkaloob rin sa'min?"

Val tightened his grip on my hand. "See? You can't answer. Isumbong niyo kami, wala naman kaming magagawa." Nanlaki pa lalo ang mata ng dalawa.

"Magkamatayan na pero pasensya, nothing in this world can ever break us. Not you, not someone, no one." 

Nanlaki pa lalo ang mga mata ng dalawa. Samantala, hinila na ako ni Val paalis sa kastilyo, leaving them dumbfounded. We didn't know what was yet to come, pero isa lang ang sigurado namin ni Val, paninindigan namin ito hanggang huli.

Lumayo kami roon at pumunta na lang muna sa paborito naming tagpuan—sa Golden Pavilion. Tahimik lang kaming dalawa, nakaupo at pinagmamasdan ang paligid. Walang nagsasalita, natatakot na maaaring lalong pabigatin ang lungkot sa sitwasyon.

"Aalis na kami bukas," panimula niya sa pagitan ng aming katahimikan.

Mabilis na pumasok ang iba't ibang mga kaisipan sa akin. Paano kung sa kanilang quest ay may gawin sina Kierre sa kaniya?

"Hey, are you okay?" Mas lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nakapatong ang kaniyang baba sa aking balikat.

Umiling naman ako. I was not okay. "Natatakot ako. Paano kung paghiwalayin nila tayo at gawing paraan 'yang quest ninyo?" 

He ignited his gaze, worried. "I won't let that happen. Ayoko na ngang pumunta. I want to stay. Kung kinakailangang magtago ako bukas magtatago ako, huwag lang ako makasama."

I lightly punched his chest. "'Yan ang huwag mong gagawin. Basta ipangako mo lang na babalik ka nang ganito, na ikaw pa rin si Valentine ko."

"Only yours." He tipped my chin and kissed my nose. "I love you."

May narinig kaming tumikhim kaya halos tumalon ang puso ko palabas. Ang hologram ni Kierre ay lumitaw sa fountain sa tapat ng aming kinauupuan.

"Kakausapin kita, Val . . . nang mas maayos," aniya.

"She'll come with me," tugon ni Val.

"No. Just you."

Nag-alangan si Val at rumagasa na naman ang takot sa sistema ko.

"Kung may gagawin kayo sa 'kin na magiging dahilan para maghiwalay kami, no thanks. I've already said my side. I'm serious," agap ni Val.

I saw Kierre sigh with apprehension. "We'll just talk together with your fellow guardians. This is about the guardians' quest. You're delaying the meeting. Go to the Prime Kingdom this instance!"

"Sige na, Val. Babalik na lang muna ako sa kastilyo," pagsingit ko.

"You sure?" Val asked then I nodded as an answer. "Okay. Babalik ako." He pressed his hands on my cheeks at hinalikan ako sa mga labi sa harap ni Kierre. Kahit hologram soul lamang ni Kierre ito ay namula pa rin ako nang todo. Hinintay ko munang makalayo si Val bago ako napagpasyahang maglakad na pabalik sa kastilyo.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon