20.

27 0 0
                                    

She leaned her head on Sol's shoulder as they both watched the stars from the back of his car. Ngayon lang niya nagustuhan ang katahimikan ng gabi, dahil hindi na siya nilulunod ng kanyang pag-i-isa.

"Luna..." sambit ni Sol sa pangalan niya. "Sa palagay mo ba, posible na tumakas ang araw at buwan sa langit?"

"Hindi," iling niya habang pinaglalaruan ang mga daliri nito'ng nasa pagitan ng kanya. "Inilagay sila ro'n dahil may purpose sila."

"Paano kung ang purpose ng araw ay alagaan ang buwan? Paano kung gusto niya... sabay sila'ng magtago?" mahinang tanong nito. She looked up at him and he saw his tired eyes.

"Hindi p'wede, Sol. Kailangan ng mundo ang araw," sagot niya rito at sinalubong lang siya ng seryosong mga mata nito.

"Paano kung mas kailangan ng araw ang buwan?" tanong nito, mukhang malalim ang iniisip. "Paano kung gusto niya... sabay sila'ng magtago?"

"Mas kailangan ng buwan ang araw," marahan niya'ng sabi habang hinahaplos ang buhok nito'ng humaharang sa mga mata. "Sa araw kumukuha ng liwanag ang buwan, 'di ba?"

Nagtagal ang titig ni Sol sa kanya, pero hindi na ito sumagot.

"Bakit mo ba naitanong?"

"Tinatawag na kasi ako ng mundo, pero ayoko nang bumalik, Luna..."

"Solar eclipse," ngiti niya kay Sol habang ibinababa ang kamay sa pisngi nito. "Pumapagitna ang buwan sa mundo, para yakapin ang araw."

Tumango si Sol sa sinabi niya, sumang-ayon. Tinagpo nito ang mga mata niya bago pinagdikit ang mga noo nila.

"Yakapin mo ako, Luna," pakiusap nito. "Mag-rebelde tayo." That night, she hugged the sun for the first time.

Pakiramdam ni Luna, kaya niya'ng mag-rebelde... basta ito ang kasama niya.

* *

Sol was quiet when he felt the moon hugging him. Niyakap siya ng buwan ngunit hindi dilim ang sumalubong sa kanya, kung hindi ang totoong liwanag na mayro'n ito.

Ang ganda. Napakaganda ng buwan.

At maswerte ang mga tao'ng nakakalapit dito. Kaya maswerte siya, dahil siya ang pinili nito'ng yakapin ngayong gabi.

"Luna, sa tingin mo ba... kasama tayo sa quota?" tanong ni Sol isang araw, habang pareho sila'ng nagbabasa ng libro'ng paborito nila.

Nasa ibang coffee shop sila ngayon, malayo sa siyudad kung saan nag-ta-trabaho si Luna, malayo kung saan propesor si Sol. Walang nakakakilala sa kanila, pero may pamilyaridad pa rin, dahil magkasama sila.

"Ayoko namang sumali sa quota na sinasabi rito sa libro," iling ni Luna nang ibaba ang binabasa. "Pero masaya ako. Sa 'yo."

Kinuha ni Sol ang kamay nito'ng nakapatong sa mesa at marahan iyong hinaplos.

"Gusto ko na makilala ka nang kalawakan ko, Luna."

"Hindi pa pwede. Estudyante mo ako," paalala nito sa kanya. Pareho naman sila'ng nasa tamang edad pero bawal pa rin iyon, dahil nasa isang unibersidad sila.

"May panahon para sa atin, Sol," masuyong sabi pa ng buwan. "Para makilala ako ng ginagalawan mong kalawakan."

She even gave his hand a soft squeeze—an assurance.

"Kontento ako sa ganito. Sa tahimik. 'Yong tayo lang munang dalawa..."

"Gusto ko lang iparamdam sa 'yo na handa ako'ng makilala ka ng lahat," pahayag niya. "Na hindi kita tinatago."

SleeplessWhere stories live. Discover now