3.

107 4 0
                                    

Matamlay na nakatayo si Luna sa likod ng register habang kumukuha ng ilang orders. Bahagya siya'ng siniko ng best friend at ka-trabaho niya'ng si Ysh dahil kanina pa nito napapansin ang panghihina at pamumutla niya.

"Hindi ka pa rin okay," bulong nito.

"Parang lalagnatin yata ako..." sagot niya.

"Kanina ka pa mainit," sabi pa nito nang hawakan ang noo niya. "Umuwi ka na, I'll cover for your duty."

"Sigurado ka?" tanong niya at walang pag-da-dalawang-isip na tumango si Ysh. "Thank you. Life saver ka talaga!" nakangiting pahabol niya pa rito.

Agad na kinuha ni Luna ang mga gamit sa locker area nila ng mga staff at nagpaalam sa mga ka-trabaho na mauuna nang umuwi. Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam niya kaya hindi niya masyadong magampanan ang mga kailangan niya'ng gawin sa trabaho. At gustuhin man niya'ng mag-undertime, nahihiya siya'ng magpasalo sa ibang kasama dahil alam niya'ng pagod din ang mga ito.

Mabuti na lang at nand'yan para sa kanya si Ysh. Nakilala niya ito sa trabaho at naging malapit agad ang loob nila dahil sa kabutihan nito. Kaya alam niya'ng hindi niya kailangang mahiya kapag ito ang nagsabi na ayos lang dahil mauunawaan siya nito.

Dahil si Ysh lang ang tanging nakakakilala nang lubos sa kanya at isa sa kakaunting tao na mapagkakatiwalaan niya.

* *

Pumasok si Sol sa maliit na coffee shop pagkatapos siya'ng batiin ng guwardiya'ng nakatayo sa labas ng pinto nito. Pamilyar na siya sa mga staff dito kaya ngumiti siya sa ilang nakasalubong bago dumiretso sa harap ng register kung saan madalas matatagpuan ang buwan.

Kabisado na ng mga paa niya ang direksyon na dapat nito'ng tahakin pero agad na kumunot ang noo niya nang iba ang makita'ng tao sa likod ng register. Pamilyar ang babae dahil madalas ito'ng kausap ng buwan pero gusto niya'ng sabihin dito na hindi ito ang hinahanap niya.

Ilang minuto rin niya'ng sinipat ang likod ng babae, nag-ba-baka sakali na nando'n ang buwan at baka abala lang sa pag-ti-timpla ng ibang kape. Kung oo ay maghihintay naman siya, pero wala siya'ng nasilayan kahit anino man lang nito.

"One tall barista coffee, two pumps white mocha, no water, with breve," dire-diretsong sabi niya bago muling nilingon ang paligid, umaasa pa rin na masulyapan ang paboritong tanawin.

Pero naibigay na niya ang bayad, at dumating na ang kape, naging mailap pa rin ang buwan.

Tahimik na lang tuloy niya'ng sinimsim ang mainit na kape at napailing habang naglalakad palabas ng coffee shop. Iniisip niya pa rin kung ano ang nangyari sa buwan.

Gusto niya'ng itanong kung nasa'n ito.

Gusto niya'ng sabihin dito na iba ang lasa ng kape niya ngayong umaga dahil hindi ito ang nag-timpla para sa kanya.

SleeplessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon