1.

120 6 0
                                    

Araw-araw, may huling order ng kape mula sa parehong customer na paulit-ulit tinitimpla ni Luna. One tall barista coffee, two pumps white mocha, no water, with breve. Ito ang timpla ng kape na gustung-gusto ng lalaki'ng propesor na madalas maglagi sa coffee shop kung saan siya nagtatrabaho.

Minsan, kahit bakante ang ibang barista ay sinasadya pa nito na pumila sa linya kung nasa'n si Luna para masigurado'ng ito ang gagawa ng kape niya. Ayaw ni Sol ng iba, palagi niya'ng sinasambit sa sarili na iba ang lasa ng kape kapag hindi ito ang nagtimpla.

Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit. Noon pa man, madalas na siya'ng maglagi sa coffee shop kung saan ito nag-ta-trabaho—kahit hindi pa ito empleyado. Hilig niya'ng maging kuryoso sa mga taong labas-pasok mula rito habang umiinom ng kape na noon ay ordinaryo lamang para sa panlasa niya.

Pero simula nang dumating ang bago'ng barista rito at noong unang beses niya'ng matikman ang timpla nito, palihim niya'ng sinilip ang name tag sa apron na suot nito para hindi niya makalimutan na ito lang ang pagkakatiwalaan niya'ng gumawa ng kape para sa kanya.

"Luna," bulong niya habang mahinang binabasa ang name tag. "Buwan..." dagdag niya pa nang maalala ang kahulugan ng pangalan nito.

Simula noon, naging paborito na niya ang kape mula sa nag-i-isang buwan.

At ganito na niya pinipiling simulan ang mga araw niya—sa paboritong kape niya sa umaga at ang paboritong tanawin.

SleeplessWhere stories live. Discover now