19.

15 0 0
                                    

Sol was helping Caelum proofread his new editorial at his unit, while drinking beer with his best friend.

"Cae, may tanong ako," panimula niya pagkatapos masalo ng kaibigan ang ibinato niya'ng canned beer. They already lost count on how many beers they've drank but they're still at it, because they both have a long night.

"O?" maikling tanong ni Caelum habang binabasa ang spiel nito para sa newscast mamayang umaga.

"Sabi mo no'ng nakaraan, si Ate Jamie ang nagsabi sa 'yo na estudyante ko ang buwan," pagpapatuloy ni Sol. "Pero sabi niya sa 'kin, ikaw ang nagsabi sa kanya."

"Gago? Ba't naman ako mag-si-sinungaling sa 'yo?" kunot-noong tanong nito nang inalis ang salamin na suot at inangat ang tingin sa kanya.

"I figured."

"It seems like your sister is snooping around again," komento pa ng kaibigan niya. "Hindi ba siya busy sa dami ng negosyo niyo? Where does she find the time to look into your affairs?"

"Mukha nga," tatangu-tangong sang-ayon niya. "I better talk to her."

"You should," Caelum prodded before raising a brow. "Teka, kayo na ba ng buwan? Kailan mo 'ko ipapakila?" tanong pa nito.

"Hindi pa," iling niya, bago sinimsim ang beer na hawak. "We're taking things slow. Kapag handa na siya, you'll meet her."

After his best friend left in the morning, he couldn't help but knock on his sister's unit. Mukhang gising na ito dahil tumatagos ang bukas na ilaw sa maliit na puwang sa ilalim ng pinto nito.

"Ate Jamie..."

"Good morning din sa 'yo, Sol," she quipped—with a plate on her hand, after she unlocked her door. "Breakfast?"

"Sure," Sol nodded. Dire-diretso siya'ng pumasok sa unit ng ate niya at tumuloy sa dining area nito.

His sister gave him a plate of his own before putting pancakes and butter over it. Ayaw niya nang matamis kaya hindi siya inalok nito ng maple syrup.

"So..." His sister started. "Napapadalas ka yata rito?"

"Bawal?" tanong niya bago humiwa sa pancake at tinikman ito. "You're getting good at cooking."

"Thanks," she smiled before a long beat of silence engulfed the two of them.

"Bakit ka nga nandito?" tanong ulit nito. Sol put his fork and bread knife down before facing his sister.

"Why are you having the moon looked into?" he asked her directly.

"Hindi siya. Ikaw," sagot nito, hindi na itinaggi ang ginagawa.

"Me?"

"Because I have always wondered, Sol..."

She gracefully wiped her mouth with the table napkin before putting it back over her lap.

"... about your sudden fascination with the moon," she continued with an accusing look. "Alam mo, 'di ba?"

"Na?" Sol couldn't follow his sister.

"Kapatid siya ni Terra," sabi nito, na para bang natatangahan sa kanya at sa pag-ta-tanga-tangahan niya. "Tatanungin ulit kita, Sol. Alam mo, 'di ba?"

"Yes," he admitted blankly and his sister impatiently raised her tone for his nonchalance.

"My god, Sol!" disappointed nito'ng pakawala. "Ano'ng plano mo sa kawawang buwan!?"

"Mahalin," seryoso niya'ng sagot, pero halata'ng hindi naniniwala ang ate niya.

"Sigurado ka?" tanong pa nito, nag-ha-hamon sa tono na para bang nag-si-sinungaling lang siya sa sinabi. "Sol, magkapatid sila! At inalok mo ng kasal si Terra!"

"Hindi lang naman kay Terra iikot ang mundo," diin niya.

"Kahit na! Bakit si Luna pa!?"

"Bakit hindi?" balik niya rito, nag-pintig ang tainga dahil sa narinig na para bang mali siya nang pagpili.

"Ang tali-talino mo'ng tao, Sol! Bakit hindi mo makita kung ano ang mali!?" dikdik ng kapatid niya. Lumalamig na ang pagkain pero pareho na sila'ng hindi interesado sa almusal.

"Dahil wala namang mali!" pakikipag-talo niya.

"Bakit? Ano ba'ng pinapatunayan mo?"

"Wala, Ate!" galit niya'ng pakawala bago napapikit habang kinakalma ang sarili. Ayaw niya'ng sigawan ang kapatid. At the end of the day, he knows his sister is just coming from love. "Hindi ko sinasadya, okay?"

"Nakita ko lang si Tito Mon sa coffee shop no'ng araw na hinahanap niya si Luna," pagpapatuloy niya sa mas marahan na boses. "I figured that she's the one he's searching for."

He took a deep breath again, not wanting to take it all out on his sister.

Ayaw niya rin naman ang komplikado'ng sitwasyon nila ng buwan pero totoo ang nararamdaman niya para rito, at hindi na niya alam kung paano pa lalayo.

"Gusto ko na si Luna bago pa bumalik sina Terra. Gusto ko na ang buwan bago ko pa nalaman na magkapatid sila," tapat niya'ng pag-amin. "And what do you want, Ate? Pigilan ko?"

"Oo!" she fought back, galit pa rin sa kanya. "I want you to stop chasing the moon, Sol! Magulo 'yan!"

"Ngayon pa? Ngayon pa na gusto niya'ng sa 'kin siya sumaya?" balik niya bago determinado'ng tinignan ang ate niya.

Gusto niya'ng malaman nito na hindi siya aatras, hanggang hindi sinasabi ng buwan.

"I don't think so, Ate."

Sol didn't finish his breakfast. Bago pa siya paalisin ng ate niya, tumalikod na siya at lumabas mula sa unit nito. He's done having this conversation with her. If his sister couldn't understand his heart, he won't make her.

Siguro, kaya nga bihira magtagpo ang araw at buwan ay dahil iniisip ng sansinukob na p'wede lamang sila'ng umikot kung saan sila inilagay.

At minsan, nag-re-rebelde sila'ng dalawa para bumuo ng sarili nila'ng misteryo.

"You have a new girl, I see," basa ni Sol sa mensahe ni Terra nang akala niya ay si Luna ang nag-text sa kanya. Isang araw pa lang sila'ng hindi nagkikita pero nangungulila na agad siya rito.

"It's none of your business, Terra," reply niya.

"Well, whoever she is, I'll get you back from her," she declared.

"Sa akin ka naman talaga, Sol."

"No one can change the fact that you wanted me to wear your ring. Na hinintay mo ako sa altar."

"Na gusto mo akong pakasalan."

Sunud-sunod ang mensahe nito at galit niya itong sinagot. Nauubos na ang pasensya niya, at hindi na niya ito hahayaan pang makalapit sa kanya.

"Hindi na," diretsong sagot niya rito. "Stop parading that marriage proposal when all you did was to shit on it. Tapos na tayo."

Then he blocked her number.

SleeplessWhere stories live. Discover now