12.

11 0 0
                                    

Nagpakawala nang malalim na hininga si Sol nang hindi na sumagot ang buwan sa huli niya'ng mensahe. He was probably in his happy bubble for a little too long, kaya hindi niya naisip na baka nabigla ito sa pagiging diretso niya.

Iyon naman ang totoo—bumabalik siya para sa kape, at para sa buwan na nag-ti-timpla nito. At nagpapasalamat siya dahil ipinasilip na nito ang parte nang kung sino siya.

Hindi man niya nasabi pero lumiliwanag ito sa dilim, at lalo lang siya'ng humahanga sa tapang nito. Kaya ngayong nagtatago na naman ito sa kanya at sa dilim ng langit, muli siya'ng nalungkot.

"Bakit parang makata ka na naman sa mga tweets mo ha, Sol?" tanong ng panganay na kapatid niya nang tawagan siya nito.

"Pakialam mo ba, Ate Jaime?" iritableng balik niya rito dahil alam niya'ng mang-a-asar lang ito.

"Kanino ka umiibig?" tawa pa nito.

"Shut up!" saway niya. "Bakit ako na naman ang trip mo? Nasa'n ang best friend mo? Sumama ka nga ro'n para hindi ako ang inaasar mo!"

"She's with her husband. Kanina ko pa nga hinihintay."

"Then don't bother me."

"Hindi mo ba ako na-mi-miss, Sol?" kunwaring malungkot pa nitong tanong sa kabilang linya.

"Ate, my unit is just beside yours," paalala niya. "Ang arte mo talaga."

Narinig niya ang muling pagtawa nito.

"Ipakilala mo ako sa buwan ha?"

"Mailap siya," seryoso niya'ng sambit.

"Baka nasilaw sa'yo?" komento nito habang nanunukso. "Pun intended 'yan ha?" dagdag pa ng ate niya dahil sa kahulugan ng pangalan niya.

"Joke's on you, Ate. Her name means moon," he explained.

"Eh 'di hindi nga joke kasi mas lalong naging totoo," punto pa ng ate niya.

"Baka kaya mailap dahil kaya nga bumababa ang araw, para hayaan ang buwan na makahinga sa dilim," duktong pa nito.

"But solar eclipse happens," he replied. "Every once in a while, the moon and the sun meet."

"O, tapos?"

"Binibigyan ng langit ng pagkakataon ang buwan at araw na magtagpo. Para magmahal, at para masaksihan ng mundo na totoo ang pag-ibig. Kahit gaano kailap, kahirap, o katagal..."

"I sometimes forget how deep you are as a person," sabi pa ng ate niya nang sumeryoso ito. "I hope the moon wouldn't hurt you like what the world did."

Matalino ang ate niya, kaya nito'ng sumabay sa kanya at sa paglalaro ng mga salita. Tulad ngayon, nang banggitin nito ang dati niya'ng mundo, na kahulugan din ng pangalan nito—si Terra.

"Don't get hurt, Sol," paalala pa nito bago sila nagpaalam sa isa't isa at ibinaba ang tawag.

Tama ang kapatid niya. Kailangan huminga ng buwan, at kailangan niya ito'ng bigyan ng espasyo sa kanyang pagtatago.

Pero ano ba ang dapat niya'ng gawin, kung lumalabo na ang linya na sinabi niya'ng hindi tatawirin?

"Ms. Zamora, nasa trabaho ka ba ngayon?" tanong niya nang lakas-loob niya'ng ipinadala ang mensahe. Alas dos na nang umaga pero gising pa rin siya, na alam niya'ng pagdudusahan niya sa trabaho.

"Opo. Bakit, Sir?" reply nito.

"Dadaan sana ako para sa kape dahil hindi ako makatulog. Pero ayoko ng timpla ng iba," paliwanag niya rito.

"Eh 'di lalo ka namang hindi nakatulog sa kape."

"Kinakalma ako ng kape mo," dahilan niya.

"Sige. Igagawa na kita. Para pagdating mo, okay na," sabi pa nito nang muli siyang sagutin.

"Hindi ako magtatagal. Ayoko'ng makaabala."

"Okay lang, patay na oras naman. Wala masyadong tao, hindi pa exam week kaya matumal din ang customers," reply ulit nito na may kasunod pang mensahe.

"May ipapahiram pala ako sa'yo na libro. Tsaka ibabalik ko rin sana 'yong ipinahiram mo sa akin. May kopya naman ako."

"Sige, kunin ko na rin. Salamat, Ms. Zamora."

"Hihintayin kita dito," dagdag nito. "Sir Zobel," habol pa ng buwan sa huli nito'ng mensahe para sa kanya.

Napailing siya bago sumakay ng sasakyan. Nahihibang na siguro siya ngayong ba-byahe siya nang dis-oras para sa kape.

Pero alam niya'ng hindi lang iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog.

At mas lalo siya'ng hindi dadalawin ng antok kung hahayaan niya'ng maghintay ang buwan.

SleeplessWhere stories live. Discover now