4.

25 0 0
                                    

Pagkatapos ng trabaho, dumiretso si Ysh sa maliit na apartment ni Luna para bumisita. Nilalagnat pa rin siya pero uminom na siya ng gamot bago matulog kaya bumubuti na ang pakiramdam niya kahit papaano.

Alam ni Luna na kailangan niya'ng gumaling agad, dahil ganito kapag salat ka, puhunan mo ang kalusugan mo at lugi ka sa pagkakasakit. Sayang ang mga araw na mawawala sa 'yo sa trabaho, sayang ang bawat sentimo na maaari pang kitain.

"Luna, natatandaan mo 'yong madalas na last customer mo? 'Yong professor yata 'yon?" tanong ni Ysh sa kanya habang inaayos nito sa hapag ang mga pagkain na dala.

"Oo. Araw-araw siyang nasa coffee shop. Paano ko naman makakalimutan?" sagot niya. "Bakit mo nabanggit?" tanong niya pa pagkatapos ibaba ang dalawang baso at plato.

"Mukhang hinahanap ka kanina," sambit nito habang may pilyang ngiti na naglalaro sa mga labi.

"Paano mo nasabi? Hindi nga niya ako kinakausap. Basta ibibigay lang ang order ng kape 'tsaka pangalan, tapos aalis na."

"Solomon ang pangalan, 'di ba? Ang gwapo pero parang masyadong makaluma," tawa pa nito. "Anyway, 'yon lang naman ang kuwento ko. Sa tingin ko lang kasi, hinahanap ka niya dahil lingon nang lingon. Pero hindi naman nagtanong, umalis na lang din siya agad."

"Baka naman ilusyon mo lang 'yon, Ysh. I think he's just there for his morning coffee," kibit-balikat niya'ng tanggi.

"Or maybe for you?" balik ng kaibigan habang may nanunuksong himig sa boses. Tinawanan niya lang ito at inaya nang kumain ng tanghalian.

* *

Ngumiti si Sol nang muling masilayan ang buwan mula sa pwesto niya. Nakabalik ka na pala, sambit niya sa sarili.

Bilang regular na customer, kabisado na nito ang timpla ng kape na gusto niya. Hindi na niya kailangang sabihin at hindi iyon magbabago—hanggang ito ang gumagawa, mananatili ang timpla na hinahanap niya tuwing umaga.

"Here's your order, Sir Solomon," nakangiting sabi ni Luna nang ibigay ang kape sa isa sa mga regulars nila. Nagpasalamat naman ang propesor at nag-iwan ng tip bago umalis.

Kahit na sinasabi ni Ysh na makaluma ang pangalan nito, maganda iyon para kay Luna dahil ang kahulugan nito ay 'araw'—kabaliktaran ng sa kanya.

At sa sandaling pagkawala niya sa trabaho, aaminin niya'ng hinanap niya rin ang liwanag na madalas sumasalubong sa mga umaga niya—ang huling customer sa pagtatapos ng bawat shift.

Nakasanayan niya lang din siguro ang presensya ng liwanag. Kaya kahit hindi siya kilala nito, may mga gabi'ng hinihiling niya na sana ay masilayan pa rin ang araw, kahit alam niya'ng hindi posible.

Lalo pa ngayong inilipat na ang shift niya, mula sa graveyard ay tuwing hapon na ang schedule niya. Umikot na ang oras nila ng mga staff at si Ysh na ang kapalit niya sa dating nakagawian na oras ng trabaho.

Muli, hihinto ang pagtatapo ng araw at buwan.

SleeplessWhere stories live. Discover now