18.

6 0 0
                                    

Hinawakan ni Sol ang kamay ni Luna habang ang isa ay ginagamit niya sa pag-ma-maneho. Hindi siya makapaniwala'ng katabi niya ang buwan ngayon, at ihahatid niya ito sa apartment kung saan ito tumutuloy.

Pinalitan na rin nito ang pangalan niya sa cellphone at inalis ang salitang 'Sir'. He's just Sol to her again, without the formalities.

"Sol..." tawag nito sa atensyon niya. His name sounded like a beautiful melody when she's the one saying it. "P'wede ko ba'ng itanong kung bakit mo gusto ang... buwan?" nag-da-dalawang isip nito'ng pagpapatuloy.

"Dahil hindi nagpapanggap ang buwan," marahan niya'ng sagot. "The moon is always honest with its phases. Ipinapakita niya ang proseso kung paano binubuo ang sarili, hindi siya nagpapanggap na buo para maging kahuma-humaling..." paliwanag niya pa.

"Hindi ako katulad ng liwanag mo, Sol," rinig niya'ng sabi nito na may halong pag-a-alinlangan.

"Hindi sabay ang pag-ikot ng buwan at araw," paalala niya. "Palaging may espasyo para huminga."

Nang huminto sila sa isang stop light, hinarap niya ang buwan at tinitigan ito.

"Hindi mo ako kailangan sabayan, Luna..." paninigurado niya at marahang hinaplos ang kamay nito na hawak pa rin niya. "Yakapin mo ako kapag handa ka na."

Ayaw niya'ng madaliin ang pagtuklas sa kabuuan ng buwan. Gusto niya ito'ng kilalanin sa maingat na paraan, gusto niya'ng makita ang lahat ng bersyon nito—buo man o hindi pa.

"Kahit dilim pa ang yumakap sa 'yo?" tanong nito at walang pag-da-dalawang isip siya'ng tumango.

"Tatanggapin ko, Luna."

He planted a gentle kiss on her forehead and she gave him a smile. Hindi na nila parehong iniisip ang limitasyon. Dahil ngayong gabi, pareho nila'ng pinili na tawirin iyon.

"Luna!" Ysh came running towards her for a hug. "Saan ka nagpunta kahapon! I was worried! At sinundan ka ni Sol!" sunud-sunod nito'ng sabi.

"I'm okay," she assured Ysh, before pulling her to a corner. "Nahanap ako ni Sol. Tapos sabi niya... gusto niya ako."

"What!?" napasinghap ito. "Oh my god! Sabi sa 'yo! Hindi lang kape, pati 'yong nag-ti-timpla talaga!"

"Bakit kaya?" nagtatakang tanong niya kahit sinagot naman ni Sol ang parehong tanong na iyon kagabi.

"Ano'ng bakit?" kunot-noong tanong ni Ysh, hindi nagustuhan ang narinig. "You're not hard to like, Luna."

"Baka kasi madamay lang siya sa lungkot ko..."

"Hindi naman palaging masaya, pero mo 'yon? Iba 'pag may kasama, it eases some of the hurt," paliwanag nito.

"Kaya siguro magaan ang pakiramdam ko kapag nand'yan siya..."

"Gano'n nga 'yon kapag panatag ka sa tao," sabi pa ng kaibigan bago humalukipkip sa harap niya. "Alam mo, bago mo tuluyang bigyan ng chance si Sol, tanggapin mo muna sa sarili mo na kamahal-mahal ka rin."

Bumuntong-hininga ito at nagpatuloy.

"Hindi ko sinasabing kailangan mo'ng maging buo para mahalin ka," paglilinaw pa nito. "Pero kung galit ka sa nanay at tatay mo, suklian mo ang pag-iwan nila sa 'yo ng saya."

"Gusto ko'ng ipakita na kaya ko at masaya ako kahit wala sila," determinado niya'ng sabi.

"As you should. Hindi dahil gumaganti ka, pero dahil 'yon ang deserve mo," paalala ni Ysh. "You deserve to be happy, Luna. 'Yong happy na hindi mo kailangan paghirapan. And I want that for you, so much."

"P'wede naman maging masaya, 'di ba?" tanong niya rito.

"Oo, pero proseso ang pagtanggap at pagiging masaya. Ang pagmamahal..." Ysh even gave her a gentle squeeze on her shoulder, before she hugged her again. "H'wag mo'ng madaliin, pero 'wag mo ring takbuhan."

And Luna took that to heart. Hindi na siya tatakbo, lalo na kung palayo sa kaligayahan na gusto siya'ng yakapin.

* *

"Sol," sambit ni Luna sa tabi niya. "I want to be happy."

Nandito na naman ang araw sa coffee shop, kahit dis-oras nang gabi, para samahan siya. Kumakain sila ngayon ng midnight snack—na binayaran ni Sol para hindi na makaltas sa sweldo niya.

"Paano ba kita mapapasaya? I have ideas on the things we can do, places we could go where you can rest..." he enumerated. "But what do you want, Luna? Tell me and we'll do that first."

"You," she quickly answered without even blinking, then she blushed. "P'wede ba ako'ng maging masaya... sa 'yo?"

Sol wiped his lips with a tissue after taking a bite from his slice of caramel cake. Ngumiti siya kay Luna nang tumitig siya sa mga mata nito'ng nangungusap.

"I want you to be happy," he started with a gentle tone. "Pero hindi ko maipapangako na palagi tayo'ng masaya, Luna," pag-amin pa nito.

Luna appreciates his honesty. She understands that there's no perfect universe, and she's not expecting him to give her one. Gusto lang niya maging masaya, kahit hindi araw-araw.

"Pero kung sa pananatili, kaya ko'ng ipangako na hindi ako aalis..."

"Ayaw ko ng mga nangangako, Sol," iling niya. "Ilang beses na ako'ng nasaktan sa mga pangako na ilang ulit sinabi ng mga tao'ng hindi naiintindihan ang bigat ng salitang pangako..."

"Naiintindihan ko ang bigat, Luna," sigurado nito'ng sabi. He's not even backing down despite her several attempts to save him. Na p'wede pa itong umalis, p'wede pa itong umatras. Habang may bait pa si Luna na unawain kung bakit.

"Kaya ko ipinapangako, dahil alam kong kaya kong ibigay. Kaya kong gawin, para sa 'yo..."

At pinili niya'ng maniwala kay Sol.

Ganito pala ang pakiramdam kapag ipinagkakatiwala na niya sa iba ang mga bagay na akala niya, kaya niya'ng dalhin mag-isa.

Tulad ng puso.

SleeplessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon