17.

7 0 0
                                    

Hinila siya ni Ysh sa isang tabi bago siya dumiretso sa locker area nila ng mga staff. Nakasuot pa ang kaibigan niya ng hair net at apron pero parang hindi na makapaghintay ang sasabihin nito.

"Luna, may naghahanap sa 'yo kanina," sabi ni Ysh bago ito bumungisngis. "Hindi si Sol ha? Baka ma-excite ka!"

"Gaga," tawa niya bago napailing. "Sino raw, Ysh?"

"Matanda na. I'm guessing that he's around 50s? Hindi nagpakilala pero nag-iwan number sa papel. Tumawag ka raw kapag handa ka nang makipagkita o kung may kailangan ka," kuwento nito habang ibinibigay sa kanya ang papel mula sa bulsa ng apron. "Oh, ito. Sabi niya, kilala mo raw siya."

"Totoo pala'ng nakabalik na siya..." wala sa sarili niya'ng sabi bago seryosong humarap sa kaibigan. "Wala na ako'ng kailangan sa kanya, Ysh. Sa susunod, paalisin mo agad."

"Sino ba 'yon?" kuryosong tanong nito. "Mukhang mayaman!"

"Tatay ko," pilit niya'ng ngiti bago kinuha ang papel na may numero nito. Pinagmasdan niya ang mga mata ng kaibigan na may pag-a-alala, ngunit umiling lamang siya rito. "Okay lang ako, Ysh."

Sandali siya'ng nagpaalam sa kaibigan para magpahangin sa labas. Gusto sana siya'ng sundan nito pero marami sila'ng customers ngayong hapon kaya ito muna ang sumalo sa simula ng shift niya.

She was actually thankful to be alone, not because she doesn't want to tell Ysh. Ang totoo ay ayaw niya lang balikan ang pagka-ulila niya. At ang dahilan kung bakit, na kahit pareho namang buhay ang mga magulang niya ay hindi siya nakuha'ng panindigan.

Para siya'ng gamit na pinagsawaan. Na dahil hindi na masaya ang mga magulang ay basta-basta na lamang siya'ng itinapon sa lola niya.

Walang halaga, walang nag-ma-may-ari.

"Bakit ka nagpunta sa trabaho ko kanina?" matapang na tanong niya sa ama nang sagutin nito ang tawag.

Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang isang piraso ng maliit na papel kung nasaan ang numero nito.

"Wala ako'ng kailangan sa 'yo. Hindi rin kita gustong makita," may poot niya'ng duktong.

"Lucille..." malambing na tawag nito sa kanya. Napapikit siya nang marinig ang pangalan na iyon.

She hates her full name. She hates how it makes her feel that she used to belong in a family, before she was abandoned.

"I don't go by that name anymore!" giit niya. "Lucille Nadya Zamora is long gone when she was abandoned! Isinusuka ko lahat ng bagay na mayro'n ako na nanggaling sa inyo ng nanay ko! I want to erase you... in my name, in my life... pero ako mismo, bunga niyo!"

Sa galit niya, hindi niya namalayan na naupo na siya sa sahig at nakayukong umiiyak.

"Gusto kong... gusto kong isuko pati ang sarili ko," pag-amin niya habang humihikbi. "Gusto kong abandonahin ang sarili ko, kagaya ng ginawa niyo. Pero bakit ako ang mag-du-dusa? Kaya lumaban ako, dahil kayo... masaya. Bakit ako, hindi? Dapat ako rin, 'di ba? Masaya. Pero umaasa na lang ako na... na baka balang araw, may awa rin ang langit. Na p'wede rin ako'ng sumaya... 'yong makasariling saya... tulad ng itinuro nang pag-iwan niyo sa akin..."

"Lucille, ilang beses ako'ng humingi ng tawad sa 'yo..."

"Nagpadala ka ng sobre-sobreng pera. And you think that makes it okay?" mahinang tanong niya habang nagpupunas ng luha. "Hindi ko 'yon ginalaw. Wala ako'ng utang na loob sa 'yo."

"Kulang ba?" diretsong tanong nito na para bang nanunuya.

"If you think there will be enough money for me to call you my dad... bakit hindi ka na lang bumili ng anak mo?" mapait niya'ng tanong. "Dahil hinding-hindi mo ako mabibili."

SleeplessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora