5.

25 0 0
                                    

Hindi maganda ang simula ng umaga ni Sol nang makita niya'ng wala na naman ang buwan. Nasimangutan niya pa tuloy ang pareho'ng barista na kapalit ni Luna kapag wala ito.

Iba na naman tuloy ang lasa ng kape niya, pero nahihiya siya'ng maghanap o magtanong kaya tiniis na lang niya ang mainit na inumin at nagpatuloy sa araw niya.

Nang sumapit ang dapithapon, nag-abot sina Ysh at Luna para magpalitan ng shift. Pauwi na si Ysh at si Luna naman ang papalit sa kanya sa bago nila'ng schedule.

"Ano ba ang inilalagay mo sa kape 'pag ikaw ang gumagawa? Pareho naman tayo ng timpla pero lagi ako'ng sinisimangutan ng prof mo'ng customer," reklamo ni Ysh habang inaalis suot na kulay berde'ng apron.

"Baka naman masama lang ang gising," tawa ni Luna.

"Siya ang sasamain sa akin!" banta ni Ysh. "Akala mo, palagi siya'ng lugi kapag ako ang kumukuha ng order niya. Kaya bumalik ka na lang sa graveyard shift para nag-a-abot kayo sa umaga!" suhestiyon pa nito pagkatapos umirap.

"Ano ka ba... wala akong kinalaman d'yan," iling niya bago itinaas ang buhok at ibinalot ito sa hair net para walang sumabit sa pagkain o inumin na ginagawa nila sa coffee shop. "Baka may pinagdadaanan lang 'yong tao."

"Ang sabihin mo, baka na-mi-miss ka lang."

"Ikaw talaga, Ysh. Tumigil ka na nga," saway niya rito bago ito nanunuksong tumawa 'tsaka siya iniwan sa trabaho.

Mabagal ang gabi ni Luna ngayong simula pa lamang ng semestre. Halos mga estudyante na nag-a-aral ang bumubuhay sa coffee shop kung saan siya nag-ta-trabaho maski dis-oras na ng gabi, kaya nakakapanibago rin sa tuwing hindi napupuno ang mga mesa at upuan.

Wala pa naman masyadong ginagawa sa mga eskwelahan dahil kakasimula pa lang ng mga klase. Pero alam niya'ng manunumbalik din ang sigla ng gabi, na magiging abala rin siya sa dilim at hindi niya mararamdaman ang pag-i-isa na nais niya'ng lunuring muli.

Pati na ang pangungulila niya sa araw. Alam niya'ng maaaring hindi na sila magkita nito dahil matagal pa siya'ng naka-assign sa afternoon duty kung saan umuuwi na siya nang hatinggabi at nakakatulog sa pagod, nang hindi nasisilayan ang liwanag ng umaga.

* *

Mula sa bintana ng kwarto ay pinagmasdan ni Sol ang madilim na kalangitan. Itim na itim ito pero may ilang maliliit na kislap dala ng mga bituin. Ilang araw na ring ganito, may kinang ngunit walang anino ng buwan.

Kaya nang muli siya'ng bumalik sa coffee shop kinabukasan, hindi na rin niya natiis at tinanong na ang guwardiya kung nasa'n ito. Sinagot naman siya at sinabi'ng nagkasakit ang buwan, at ngayong nakabalik na ito ay pang-hapon na ang oras ng shift.

Naisip na lang niya'ng mag-iwan ng sulat sa isang piraso ng tissue para rito. Hindi na siya nakakuha ng papel mula sa bag dahil sa pagmamadali.

Kumusta ka, buwan? Narinig ko na nagkasakit ka raw. Maayos na siguro ang pakiramdam mo dahil nakabalik ka na sa trabaho. Sana hindi mo masyadong pinapagod ang sarili mo. Mag-i-ingat ka palagi. - Sol

SleeplessWhere stories live. Discover now