6.

29 0 0
                                    

Nagtatakang bumaling si Luna sa kaibigan nang ibaba ni Ysh ang isang piraso ng tissue sa harap niya. Ngumuso pa ito para ituro iyon kaya kinuha naman niya. May nakasulat pala rito at para iyon sa kanya.

Kumusta ka, buwan? Narinig ko na nagkasakit ka raw. Maayos na siguro ang pakiramdam mo dahil nakabalik ka na sa trabaho. Sana hindi mo masyadong pinapagod ang sarili mo. Mag-i-ingat ka palagi. - Sol

Ngumiti siya sa nabasa at maingat na itinago ang tissue sa bag. Nanunukso naman siya'ng pinanuod ni Ysh at nahihiya lang siya'ng umiwas ng tingin.

"Nilinis ko 'yong table niya tapos nakita ko 'yang iniwan niya'ng note," paliwanag ni Ysh kahit hindi niya pa itinatanong kung paano nito nakuha ang tissue.

"Ah, kaya pala," maikli niya'ng sagot, kunwaring hindi na-apektuhan sa simpleng sulat. "Babalik na pala ako sa graveyard shift, Ysh. Nagpalipat ako sa boss natin kaya galing ako sa opisina niya sa taas," pag-i-iba niya nang usapan pero ngumisi lang ang kaibigan.

"Because of this guy, 'no?" sabi pa nito na parang iyon lang ang p'wede niya'ng maging dahilan. "Alam mo, may sparks kayo!" excited pa nitong komento.

"Hindi!" mabilis niya'ng tanggi dahil iyon naman ang totoo. Hindi siya babalik sa dating shift para lang dito. "Nag-enroll ako kahapon. Late enrollee."

"Pinayagan ka na ba'ng mag-shift sa program na gusto mo?" tanong ni Ysh na sa wakas ay lumihis na sa usapan nila tungkol sa araw. "Literature talaga ang gusto mo, 'di ba?"

"Oo, natagalan nga lang ang process pero makakabalik na ako sa school bukas," ngiti niya, masaya sa naging resulta ng ilang linggo'ng paglalakad ng mga dokumento para makalipat sa gusto na kurso.

Kahit gipit si Luna sa maliit na kinikita sa coffee shop ay ayaw niya pa ring itigil ang pag-a-aral. Ang edukasyon na lang ang nakikita niya'ng magsasalba sa kanya para makahanap nang mas maayos na trabaho at mabigyan ang sarili nang mas maayos na buhay.

Gusto niya'ng makapagtapos, kahit iniwan na siya ng mga tao'ng dapat ay sumusuporta sa pangarap niya. Para sa sarili.

"Finally!" masayang sabi ni Ysh. "Pero alam mo, ilang minuto bago ka bumaba, 'tsaka umalis ang baby mo. Sayang, hindi kayo nag-abot."

"Baby ka d'yan!" hampas niya sa braso ng kaibigan, nahihiya na baka may makarinig sa kanila. "He's just a customer to me, Ysh."

"I know you like him! Kabisado na kita."

"I'm not going to answer that," iwas niya. "Kasi wala naman dapat sabihin."

"Hindi naman ako nagtatanong," nang-a-asar na balik nito bago kumindat sa kanya. "Because I already know your answer to that, kahit itanggi mo pa."


SleeplessWhere stories live. Discover now