Ngumuso ako. Sige na nga. Kaya ko 'to.

Nagtipa ako ng mensahe sa kanya.

Ako:
Hi.
Puwede ka bang makausap?

Tinago ko kaagad iyon sa bulsa ng palda ko dahil kinakabahan ako sa magiging reply niya. Dumiretso uli ako sa trabaho ko pagkatapos ng klase ko ngayong araw. Sinilip ko pa ang telepono ko habang nagsusuot ng uniform kung may reply na siya. Pinikit ko pa nang mariin ang mata bago tiningnan ang reply nito.

Yael:
When?

Ako:
Kailan ka available?

Yael:
Tomorrow night. I have loads of work to do.

Ako:
Okay, sige. Salamat!

Hindi na siya nag-reply pagkatapos. Hindi ako sanay dahil madalas niya akong kulitin kapag hindi ako nakakapag-reply. Ipinilig ko na lamang ang ulo.

Kinabukasan ay nakipagkita ako kay Yael. May vacant naman ako kaya sinabi ko sa kanya na libre ako ngayon nang tanungin niya ako. Dapat ay gabi raw kaso wala na raw siya gagawin kaya pumayag ako. Sa mall niya naisipan na magkita kami. Hinintay ko siya sa waiting area dahil nauna ako. Naka-uniform pa ako. Maya maya ay tinawagan niya kung nasaan daw ako. Ngumiti ako sa kanya nang magkasalubong ang mga mata namin. Suot niya ay maroon na long sleeve at itim na slacks na binagayan ng kanyang puting sneakers. Hapit ang braso nito sa suot. Bakit parang biglang lumaki ang muscles nito? Ang mature niya tingnan dahil naka-brush pa ang buhok nito. Mas lalong pumukaw ang atensyon ko sa hikaw niya sa tenga na ngayon ko lang nakita.

"Hi," bati ko sa kanya.

Tumango lang siya sa akin. Imbes na bumati pabalik ay nagtanong lang. "Kumain ka na?"

"Oo. Nag-lunch na ako kanina," sagot ko.

"Great. We'll just eat desert then."

"Huh? 'Wag na..." Umiling ako pero hinatak naman niya ang kamay ko kaya wala akong nagawa. Nakuryente ako sa lapit namin sa isa't-isa. Gusto kong sulitin dahil na-miss ko siya nang sobra.

Sa ice cream shop kami pumasok.

"Vanilla?" Tanong niya.

"Oo. Ako na magbayad."

"Don't offend me, Bea. Kahit kailan ba ay pinagbayad kita?"

Lumunok ako nang mariin bago sumagot. "Hindi."

Ang cold niya! Nag-e-expect naman ako, pero ngayon na kaharap ko siya ay parang gusto ko na lang umalis.

Nang makuha na ang order namin ay bumaling ako sa kanya.

"Why did you want to meet me?"

Binasa ko ang labi ko. "Gusto kong mag-sorry. Alam ko mali ako kasi hindi ko nasabi sa'yo ang nangyari. Madami lang ako iniisip no'n. Sorry."

Sandaling katahimikan ang bumalot sa akin. Nakatitig lang siya sa akin na tila kinakabisa ang mukha ko.

"Okay." Basag niya sa katahimikan.

"Galit ka pa ba?"

"No," sagot niya.

"Ah... Kamusta ka na pala? Galing kang work?" Sunod sunod kong tanong. Hindi ko alam ba't ako sobrang kinakabahan?

"I'm fine... Busy with some tasks."

"Kaya mo 'yon. Ikaw pa ba?"

"Thanks." Tinipa ng kanyang daliri ang mesa. Ang awkward naman!

Bumuntong hininga ako. "Sorry sa abala."

"It's fine. I told you I've got nothing to do now."

"Buti naman. Salamat pa rin sa time mo."

Faithfully Kept  (FK Series #4)Where stories live. Discover now