Kabanata 11

32 4 0
                                    

Hindi ako nakatulog nang maayos kinagabihan tapos maaga pa ako nagising para mag-asikaso para kay Benny dahil maaga raw sila ngayon. Nag-luto na lang ako sinangag saka itlog para sa almusal. Nagtimpla rin ako ng gatas para sa aming dalawa.

"Kamusta school?" Tanong ko habang tahimik kaming kumakain.

"Okay lang," sagot niya.

"Ako na maghatid sa'yo para hindi maabala si Tita."

Tumango na lang siya saka nagpatuloy kumain.

Nagligpit lang ako saglit pagkatapos ay naligo na rin. Mabilis naman ang byahe nang ihatid ko si Benny sa school niya.

Pagkabalik ko ay nagpatuloy akong maglinis. Nag-text ako kay Chezka kagabi kung kailan siya puwede ko siya makausap. Na-cancel din naman iyong pinag-usapan naman dahil may photo shoot daw siya. Noong nakaraan ko lang nalaman na model siya. Halata rin naman sa pigura at ganda niya. Hanggang ngayon palaisipan pa rin ang ginawa ni Yael sa kanya. Alam kong may mas malalim na dahilan ng galit niya kung bakit gusto niyang saktan nang ganoon si Yael.

Hindi naman lingid sa kaalaman kong madaming babae si Yael. Pero simula nang maging close kami ay hindi ko na siya nakikitaang sumama sa ibang babae.

Hindi ko alam...

Natatakot ako sa damdamin ko...

Kaya nang nag-reply si Chezka ay madali rin akong kumilos para kitain siya. Napagpasyahan niyang kitain ako sa malapit na coffee shop.

Nauna akong dumating kaya hinintay ko siya. Mga ilang minuto lang din ay dumating na siya. Naka-flowery dress siya na lagpas sa tuhod at maliit na bag na nakasabit sa kanang balikat niya.

Nahanap niya ang aking mga mata kaya saka ako nginitian.

"Did you order na?"

Umiling ako.

"Go. Order first."

"Hindi na."

"No. It's on me, don't worry so choose whatever you want to."

Tumango na lang ako saka pinili iyong pinaka mura. Nag-hot latte na lang ako.

"How is it going with Yael?" Tanong niya pagkatapos niyang mag-order at magbayad.

Tumikhim ako. Pinagsaklop ko ang mga daliri ko. "Okay lang. Ano kasi, Chezka may sasabihin ako tungkol sa deal natin."

"What is it?"

"Gusto ko nang mag-back out. Hindi ko na kasi kayang lokohin si at saktan si Yael. Nahihirapan na rin ako."

"What the hell are you saying?"

"Chezka. Ayoko na talaga. Hindi ko kaya..."

"No. Why would you say that? What's happening?"

"Napagtanto kong hindi niya deserve 'yon. Mabuti siyang tao, Chezka. Ibabalik ko na lang 'yung pera."

"No. I know people like you would still want money. Just do what you are asked to do."

"Ayoko. Nakokonsenya na ako, Chezka."

"Your job is to hurt Yael. Why can't you do it? Don't tell me, you're falling for Yael? He's going to hurt you. I already warned you from the begginning that he toys with women. I thought you're better than this!"

"Gusto ko siya, Chezka. Gustong gusto ko siya..."

"What? I clearly told you not to fall for him!"

"Hindi ko naman mapipili 'yung puso ko..."

Faithfully Kept  (FK Series #4)Where stories live. Discover now