Kabanata 7

28 5 0
                                    

"Sorry." Napatingin siya sa akin.

"Why would you be sorry when she disrespected you?" Galit nitong untag.

"Alam ko, pero nakakahiya kasi narinig mo pa 'yon. Hindi naman totoo 'yon, eh! Mga inggit lang 'yon sila sa akin kasi masyado akong maganda."

Bumaba ang tingin niya sa akin saka hinawakan ang magkabilang balikat. "I know. You don't have to explain."

"Kahit na. Dapat hindi mo narinig 'yon, eh."

Mahina siyang tumawa saka kinurot ang ilong ko. "Aray!" Reklamo ko pa.

"Stop thinking about that. Let's eat."

Sa Yellow Cab namin napiling kumain. Ayun libre niya uli. Syempre, hindi na ako tumanggi dahil sagot naman niya lahat. Pagkatapos ay sinabi niyang mag-bi-birthday na raw si Yna.

"Akala ko ka-edad ko lang?"

"Akala ko rin."

"Sira ka. Hindi mo alam edad ng kapatid mo."

"Yeah, I even forget my age sometimes."

"Tanda mo na kasi."

"Hey, I'm just twenty three."

Humalakhak ako. "Bleh! Tanda mo na!" Pang-aasar ko pa sa kanya. Narinig ko rin ang pagtawa niya.

Nauna akong maglakad kaya hinabol niya ako.

"Yna will have a debut next week. Punta ka."

"Huh? Bakit? Hindi naman kami close."

"Punta ka na. Sige na." Nagpa-cute pa talaga!

Ngumiti siya nang malawak nang tumango ako. "May magagawa pa ba ako?"

"Great!" Natutuwang sambit niya.

"Bili na lang pala tayo regalo," sabi ko.

"Yeah, I'm planning to buy gifts for her too. What do you think I should give her?"

"Ano ba gusto niya?"

"She likes books," sagot niya.

"Edi iyon na lang. Ikaw sa libro. Ako cosmetics na lang siguro. Nagsusuot naman siya ng make-up, ano?"

"I think so."

Naghanap kami ng mga libro para kay Yna. Tatlong libro ang binili niya, samantalang akin ay isang lipstick mula sa local brand. Hindi naman ganon ka-mahal kaya ayos lang gumastos. Nakakahiya naman kasi kung wala akong dala.

"May gusto ka pa gawin?" Tanong niya.

"Arcade tayo!" Aya ko sa kanya saka hinatak ang braso niya. Nasa Time zone kami, at napansing madaming tao. Pumili kami sa tokens pagkatapos ay naghintay na wala ng naglalaro ng sa basketball.

"Pataasan score." Panghahamon ko pa.

"Easy." Pagyayabang niya pa.

"Yabang."

"Huwag mo kasi akong hinahamon."

Naghulog na kami ng token pareho. Nangawit na ang kamay ko nang mag-stage two na. 80 ang score ko, samantalang sa kanya ay 115 na. Ba't nga ba ako naghamon? Obvious naman panalo niya.

Nakangisi siya sa akin nang matapos.

"Well. Hindi man lang ako pinagpawisan."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Yabang!"

"Because you're digging your own grave, woman."

"Dami mong alam." Pagsusungit ko.

"Shouldn't I have a prize for winning?"

Faithfully Kept  (FK Series #4)Where stories live. Discover now