Kabanata 3

22 5 0
                                    

"Ano?" Tanong ko pa. Narinig ko naman iyong sinabi niya, pero bakit niya sinabi 'yon? Napaiwas tuloy ako ng tingin.

"Nothing. How do you know that guy?"

"Ah, si Bryan. Kaklase ko. Actually, isang subject lang naman."

"Stay away from him," seryosong sambit niya.

"Oo. Iyon nga ang ginagawa ko, pero hindi niya ako tinitigilan, eh."

"That fucker..." nangiggigil niyang hayag. "Nakapag-aral pa siya, huh."

Nagtataka ko siyang tiningnan. "Bakit? Pa'no mo siya nakilala?"

"He also harassed my younger sister. He got expelled in school. I thought he moved to the States."

"May kapatid ka pala."

"Yes, the same age as you."

"Talaga? Dito rin ba nag-aaral?"

"No." Bumuga siya ng usok sa sigarilyo saka lumingon sa akin. "UP."

Tumango tango ako. "Panganay ka ba?"

"Yes. Dalawa lang kami ng kapatid ko."

"Talaga? Pareho pala tayo. Ako rin panganay, eh. Kaya kailangan ko talagang mag-trabaho."

"What about your parents? Don't they work?"

"Wala na ang Papa ko, tapos iyong Mama hindi ko rin alam kung nasaan na. Basta, ayun, kinailangan kong magtrabaho. Baka nga masesante ako ngayon dahil dito."

"What do you mean?"

"No'ng pinagtanggol mo ako nakaraan, pinagalitan kasi ako ng Manager namin. Eh, naulit na naman ngayon, kaya baka talagang matanggal ako."

"What? And why is it your fault?"

Huminga ako nang malalim. "Wala eh, ganoon talaga." Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

"If you don't have work, I can offer you one."

"Naku, huwag na! Para kang baliw. Okay lang ako. Nakakahiya na sa'yo. Pinagtatanggol mo na nga ako, eh."

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Because you look like you always need help."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo o kahit kanino. Kaya ko mag-isa."

"Pero nababastos ka."

"Alam ko. Sanay na ako roon, Yael. Huwag kang mag-alaala. Mukha lang akong mahina, pero kaya ko silang patumbahin." Nag-joke pa ako. Mukha kasing seryoso masyado si Yael. Akala mo mananapak na naman.

"Not funny." Nailang ako sa nga titig niya. Para akong nilulusaw.

"Oh, shet! Balik na ako. Nasobrahan ang pakikipag-usap sa'yo. Hindi ko napansin oras." Pag-iiba ko ng usapan.

"I'll wait for you outside," aniya.

"Bakit?"

"Hatid kita uli pauwi."

"Huh? Huwag na!" Kontra ko pa.

"Don't oppose me. That's final." Nauna siyang maglakad papalayo. Napapailing na lang ako sa kanya.

"Ano na naman 'yon, Bea?" Untag ng manager namin. "Simula nang pumasok ka, sunod sunod na iyong gulo sa bar. Nakakahiya sa ibang customers!"

"Sorry, Madam. Hindi ko naman kasalanan eh."

"Kaya nga Ma'am. Kasalanan iyan ng mga gagong 'yon. Hindi niya kasalanan na masyado siyang maganda." Pagtatanggol ni Angelica sa akin.

"Sa susunod talaga na mangyari 'to, hindi ka na puwedeng mag-trabaho rito."

Faithfully Kept  (FK Series #4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang