Simula

73 6 0
                                    

"Kumain na ba si John?" Tanong ko kay Clea nang dumating ako galing lakad ko. Naghanap na kasi ako ng trabaho. Lumalaki na si John, at ganoon din ang mga gastusin. Kaya kailangan ko pang magsipag lalo. Ayos naman ang trabaho ko bilang mananahi rito na shop na pinundar namin ng kaibigan ko, pero hindi na kasi sumasapat. Kailangan ko pang magpadala para sa kapatid ko.

Napatingin ako kay Clea. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Siya na halos ang naging tatay ni John. Dito ako sa Batangas tumira pagkatapos ng nangyari sa Manila. Ayaw ko na ring alalahanin kaya pinili kong dito na muna manirahan nang payapa.

"Oo, kanina pa," sagot niya. Pinatay niya ang TV saka dumiretso sa kusina. "Kumain ka na ba?" Narinig kong tanong niya pa bago ako pumasok sa kwarto.

"Oo. Kumain din ako sa malapit na karenderya." Pagkapasok ko sa kwarto ay sinilip ko si John na nanonood sa iPad ni Clea. Nang makita niya ako ay lumawak ang ngiti nito.

Kaagad akong niyakap nito.

"Mama," sambit nito.

"I love you, baby." Niyakap ko rin siya nang mahigpit. "Nood ka lang diyan."

Tumango siya. Mag-a-apat na taon na si John. Malapit na rin kasi ang birthday nito. Pagkalabas ko bumungad sa akin si Clea na may dalang kape.

"Gabi na, kape pa rin?"

"Coffee is life."

Natawa naman ako at umupo. Minasahe ko ang paa ko. Nag-heels kasi ako kanina. Nagkapaltos pa ako. Kainis. Umupo rin si Clea sa harap ko.

"Ano plano mo sa birthday ni John?"

"Simple lang. Magpapaluto ako kila Manang Weng. Gusto ko nga ng spider theme, eh. Nahihilig na sa kakapanood ng spider man."

"Tutulungan kita sa gastusin, don't worry."

"Huwag na! Ano ka ba! Makakahanap din naman ako ng trabaho. Sobra sobra na tulong mo."

"Parang others, ah?" Tumingin siya sa akin saka nilapag ang tasa. "Para ko na ring anak si John."

Ngumiti naman ako saka niyakap ko. "Salamat talaga, Clea. 'Di ko talaga alam gagawin kung wala ka."

"Baliw!" Bumitaw ito sa yakap ko. "Wag mo ng isipin 'yon, okay. Tsaka, love ko kayo pareho ni John."

"Kahit na. Sobrang laki ng tulong mo."

"Hindi mo naman kailangan magpasalamat lagi. Kaibigan mo ako. Palagi akong nandito sa'yo."

Sa totoo lang, hindi ko talaga kakayanin kung ako lang mag-isa. No'ng nagbubuntis ako, siya kasama ko sa check-ups ko hanggang sa manganak ako rito.

Naging magkaklase kami no'ng college. Mayaman kung tutuusin si Clea. Katulad ko pareho rin kaming narito para tumakas at lumugar sa tahimik.

Kinabukasan ay maaga akong nagising sa paghahanap ng trabaho. Sa restaurant ako mag-a-apply bilang waitress. Hindi rin kasi ako nakatapos ng pag-aaral. Second year college ako nang mabuntis ako. Sa una mahirap kasi hindi ko matanggap dahil madami pa akong plano, pero kalaunan ay tinanggap ko at hinding hindi ko pagsisisihan. Si John ang pinaka-malaking regalo natanggap ko sa buong buhay ko.

Naglalakad pauwi nang magutom ako. Sinilip ko ang relo ko. Tanghali na pala. Sabi ng nakausap ko kanina do'n sa Japanese restaurant na pinag-applayan ko ay tatawagan na lang daw ako. Hindi ko tuloy sigurado kung makakapasok ako.

"Ano ulam n'yo diyan, ate Flora?" tanong ko. Suki na kasi ako rito.

"May tortang talong, adobong manok, apritada tapos sinigang na bangus," sagot niya saka binuksan iyong mga kaldero para makita ko.

Faithfully Kept  (FK Series #4)Where stories live. Discover now