Kabanata 15

27 4 0
                                    

Sa paglipas ng araw at mga oras ay iniisip ko kung paano ko gagawin ang pinapaggawa ni Chezka sa akin. Hindi ako bato para hindi makunsensya at hindi rin ako ganoon kasama para hindi maisip ang magiging epekto nito kay Yael lalo na sa akin. Hinilamos ko ang sarili ko gamit ang sariling palad. Ilang gabi na akong walang tulog kakaisip sa kanya at sa punyetang misyon ko na saktan si Yael. Kung bakit ba ako nasa ganitong sitwasyon ay hindi ko rin alam. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay, guminhawa ang buhay naming magkapatid. Makapagtapos ako ng pag-aaral, maging isang sikat na fashion designer sa bansa at mapabaling ang designs ko sa mga runaway shows sa ibang bansa, at magkaroon ng isang maganda at malaking bahay. Iyon lang naman ang gusto ko.

Nakatulala pa rin ako sa kawalan habang nag-di-discuss ang prof namin. Halos dalawang linggo na lang ang nabibilang sa akin. Pagkatapos ay aalis na ako rito. Mas maganda ang mga opportunidad dito sa Manila, pero mas gugustuhin ko na lang na lisanin ang Lugar na 'to at magpakalayo layo mula kay Yael, dahil hindi niya rin deserve ang makita pa ako pagkatapos ng gagawin ko sa kanya.

Nasa cafeteria na kami ni Clea. Ilang beses akong bumuntong hininga at paglaruan ang pagkain.

"May problema ka?" Napahinto ako sa pagiikot ng tinidor sa carbonarang nasa harap ko. Ang sarap tingnan pero wala talaga akong gana.

"Kapag may nagawa ako para sa pera, magagalit ka sa akin?"

"Depende kung ano ang sitwasyon mo. If it's something petty that you did because of money, then I'd really get mad because there could be some options that you could do, but I know you, you'll do anything for your loved ones even if it costs you everything."

Napangiti naman ako sa tinuran ni Clea. Isipin ko na lang si Chezka at ang best friend niya na ganoon ang naranasan dahil kay Yael. Pero... hindi naman ganoon si Yael base sa pagkakilala ko. Nakakabaliw isipin. Ano ba talaga ang nangyari? Gusto ko rin malaman ang totoo.

Nahihirapan din naman ako. Kay Yael ko lang pinakita ang ibang parte ng sarili ko. Alam niya ang tungkol sa nangyari noon sa akin, pero hindi niya ako hinusagahan. Parati siyang nandiyan kahit hindi ko naman kailangan ng tulong niya. Parang alam niya na agad, na para bang may radar siya kapag nasa panganib ako. Sa kanya lang ako sobrang naging kumportable sa isang lalaki. Kaya kong ngumiti, magbiro, ipakita ang buong ako ng walang halong pagpapanggap. Kay Yael ko lang nagawa iyon dahil pinagkakatiwalaan ko siya. Siguro nga masyado pang maaga pero nararamdaman ko namang totoo ang pinakita niya sa akin.

"Salamat, Clea. Alam kong hindi mo ako ija-judge kaya nagpapasalamat ako sa'yo. Sa sitwasyon ko kasi hindi ko na iniisip ang kahihinatnan, ang nasa isip ko lang ay kapakanan ng mga importanteng tao sa buhay ko."

"Alam ko naman."

"Kamusta na pala kayo ni Storm?"

"Okay lang. Pero gusto ko na rin talaga umalis na lang at magpakalayo. Ayoko na rito, Bea. Hindi ako nakakahinga... I want freedom, and I know I'll never get it here. Close minded na ang parents ko. They really want me to get married."

Tinapik ko ang balikat niya. Hindi rin kasi ako iyong kaibigan na marunong mag-alo. Pareho kami ni Clea na naiintindihan kaagad ang isa't-isa. Hindi namin pinipilit ang sarili na magkuwento kung hindi rin kami ganoon ka-handa. Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain. Nag-library kami uli para matapos ang design. Kailangan kong kausapin si Yael kung siya ang gusto kong maging model ko.

Ilang beses kong tinitigan ang telepono ko habang iniisip kung paano siya kakausapin.

"Si Yael model mo?" Tanong ni Clea.

Tumango ako. "Oo. Hindi ko alam paano sasabihin. Galit 'yun sa akin, eh."

"Try mo lang. Wala namang masama. Kung i-reject ka, then try other options."

Faithfully Kept  (FK Series #4)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora