Kabanata 2

36 5 0
                                    

Naging maayos naman ang ikalawang araw ko sa trabaho. Kailangan ko pa ng ibang pagkakakitaan, lalo na ngayon dahil kailangan ko ng bumili ng uniform ko. Sagot naman ng scholarship ko 'yong tuition fee at miscellenous, hindi nga lang kasama iyong ibang expenses.

Pagkauwi ay hindi na ako kumain dahil sa pagod ko. Kinabukasan ay maaga na naman ako nagising dahil nagsangag ako para sa almusal ni Benny, tapos nagprito na rin ako ng isda. Hindi ko na nga nakakausap si Benny dahil umiikot na ang buong araw ko sa school at sa trabaho.

Mabilis naman akong nag-asikaso. Puting shirt at jeans lang ang suot ko ngayon. Si Clea ay naka-uniform na nang maabutan ko siya sa room namin.

"Wala ka pang uniform?" Tanong niya. Umupo ako at inilapag ang back pack ko.

"Wala pa," sagot ko. "Baka next week."

Dumating naman 'yong professors sa ibang subjects. Nagsimula na rin silang mag-discuss. Sa first year, puro general subjects kaya medyo maagan pa naman. Nag-lunch din kami ng sabay ni Clea. Medyo naging close na kami kumpara ng una. Masungit pa rin naman siya. Natural na iyon sa kanya, pero kumportable naman akong kasama siya. Niyaya ko siyang mag-fish ball kami nang matapos iyong klase. Baka di na naman ako makakain.

"Nanonood ka ba UAAP?" tanong niya habang sinasawsaw ko sa plastic na baso 'yong fish ball.

Umiling ako. "Hindi. Hindi ako nanonood nang gano'n."

"Sama ka sa 'kin. May ticket pa ako."

"Kailan ba 'yan?"

"Saturday naman. Wala ka bang trabaho no'n?"

"Wala naman. Maghahanap pa lang, pero sige samahan kita."

"Nice. Mag-e-enjoy ka ro'n. Laban din ng Reevly kaya dapat full support tayo."

"Sino kalaban?"

"CEU. Rivalry natin."

Tumango na lang ako. Pagpasok ko sa trabaho ko ay sinuot ko na naman iyong maiksing skirt. Nasa gilid ako at nag-aabot ng drinks sa grupo ng kalalakihan nang maramdaman kong may pumisil ng pwet ko. Nanlaki ang mata ko, at lumingon sa bastos na 'yon.

Nakangiti pa 'yong lalaki sa akin. Akala mo naman nag-enjoy ako! Gagong 'to!

"Hoy! Bastos ka!" Mariing sigaw ko sa kanya.

"Okay. Chill. Sexy mo, eh."

"Bastos kang punyeta ka, ha!" Hinampas ko siya. Hinawakan niya naman ang kamay.

"Stop. Pakipot ka pa, eh. Tingnan mo nga 'yang suot mo." Pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Sasampalin ko na sana nang may humarang sa akin.

"Sino ka ba? 'Wag kang bastos," sabi ng lalaking matangkad na humarang sa akin. Hindi ko matanaw ang mukha niya dahil sa ilaw.

"Mukha namang pokpok 'yan."

"Gago ka." Nanlaki ang mata ko nang nasa sahig na 'yung lalaki dahil sinuntok ito. Naalarma ang mga tao.

"P're, tama na 'yan." Narinig kong sabi ng umawat.

"Bastos 'yung bibig eh."

Binalingan ako ng tingin ng lalaki. "Okay ka lang, Miss?"

Nakilala ko agad 'yung kausap ko. "Ikaw na naman."

Ngumiti na naman ito. "Told you, we'll meet each other again."

Binalik niya ang tingin sa lalaking bastos. Dumating na 'yung dalawang bouncers.

"Paalisin niyo 'yang gagong 'yan," maanghang na asik ni Yael.

Dumating na 'yung manager namin. "What happened, Sir?"

Faithfully Kept  (FK Series #4)Where stories live. Discover now