Part 20

1K 48 9
                                    

Deanna's POV

"Deanna..." rinig kong tawag ni Jema kaya dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay, naglilinis kasi ako ng bakuran namin ni Jema dahil naiirita daw sya kapag nakikita nya daw na madumi yung bakuran namin

"Yes, asawa ko??" tanong ko sa kanya

"Gusto ko ng ice cream!" sabi nya

"Ice cream?! Sige, bibili ako"

"Bilisan mo ha" sabi nya

"Opo!" 

Ice cream lang pala eh...

Lumabas ako para maghanap ng ice cream

Nang makarating ako sa 7Eleven kumuha ako ng tatlong tub ng ice cream, syempre iba-iba din yung flavor para naman may mapagpipilian sya

Ilang buwan na simula nung ikasal kami ni Jema, nakatira kami ngayon sa bahay na binili ko dati

Maya-maya lang at nakauwi na ako ng bahay

"Bb, ito na po yung ice cream" sabi ko sa kanya

Yumakap sya sa likod ko

"Ayaw ko na pala nyan B, gusto ko ng ano... Tupig ba yung tawag don?"

Kumunot yung noo ko pagkatapos humarap ako sa kanya

"Tupig??!" tanong ko

Tumango sya

"Oo" sabi nya

"B naman... saan ako hahanap non??" tanong ko sa kanya

"Gusto ko yung nabibili sa may Pangasinan" sabi nya sakin

"B naman! Ang layo-layo ng Pangasinan" sabi ko

"Dali na... gusto ko kasi yon" sabi nya habang makapout, yumakap ulit sya sakin para magpacute

"B ang layo non! 3-4 hours yung byahe! Baka hindi na ako makauwi nyan!" sabi ko

Sumimangot sya

"Edi wag na!" pagsusungit nya sakin

Jusko po! Kung hindi lang buntis to ehh...

Tama, ganyan sya dahil buntis sya, pagkatapos kasi naming ikasal dati nagpa-IVF na kami

"Sige na... payag na ako, pero sasama ka!" sabi ko

Tumingin sya sakin sabay ngiti

"Yyiieeehh!! Sige!" sabi nya

Agad kaming umalis ni Jema, hindi na kami nagpalit ng damit dahil may sasakyan naman kami

Habang nagdadrive ako kung ano-anong pagkaen na yung naiisip ni Jema

Ganto ba talaga kapag naglilihi??

Napapansin ko din na tumataba na si Jema dahil palagi syang kumakaen, kahit hating gabi na pagkaen parin yung iniisip nya

Ilang oras pa yung lumipas at nakarating na kami dito sa Pangasinan, mabuti nalang at walang traffic ngayon, nakahanap na din kami ng nagtitinda ng tupig

"Ate, magkano po yang tupig?" tanong ni Jema

"100 po ang isang balot Ma'am" sagot ng nagtitinda

"Sampu po" sabi ni Jema kaya napatingin ako sa kanya

Mauubos nya ba yon?? Pero sabagay kakaen din naman ako eh

"B, hindi ka bibili?" tanong nya sakin

Umiling ako

"Hindi na, marami na yung binili mo eh" sagot ko

"Ano ka ba, bumili ka din ng sayo, tapos manghihingi ka sakin" sabi nya

TADHANADär berättelser lever. Upptäck nu