Part 3

437 28 1
                                    

Deanna's POV

Sunday...

Nandito kami nila Jema at Mafe sa mall, yung promise ko kasi kay Mafe na Lego bibilihin na namin

Kumaen muna kami bago bumili, pagkatapos namin kumaen naglakad na kami papuntang Toy Kingdom, habang naglalakad kami nakapulupot yung kamay ni Jema sa braso ko

Ang clingy nya po...

Nang makuha na namin yung Lego ni Mafe napansin ko na nakatingin si Jema sa stuffed toy na pikachu, kumikinang yung mata nya kaya napangiti ako.

Kumuha ako ng isang malaking size ng stuffed toy pikachu pagkatapos iniharang ko iyon sa harap ng mukha ko at ginalaw-galaw yung kamay at nagsalita ako, iniba ko din yung boses ko

"Pika! Pika! You want me??" tanong ko, napatingin si Jema sakin sabay ngiti

"Yes! I want you!!" sabi nya habang magkadikit yung palad at nakangiti.

"Then... I'm yours na! Pika! Pika!" sabi ko

Sumilip ako para makita ako ni Jema, nakangiti parin sya at kitang-kita ko parin yung kinang sa mga mata nya

"Sabi na eh!"

Hindi parin maalis yung ngiti sa labi nya

Inabot ko sa kanya yung hawak kong stuffed toy

"Halika, bayaran na natin to" sabi ko sa kanya

Nakangiti din ako dahil nakakahawa yung ngiti nya

"Huy! Deanna, sure ka?! Bibilihin mo to para sakin?!" tanong nya

Tumango ako

"Oo nga hahaha!" sagot ko sabay tawa

Hinawakan ko sya sa kamay at hinila papuntang counter, kanina pa kasi naghihintay si Mafe don

"Ano ba yan! Ang tagal nyo!" reklamo ni Mafe

"Heto na nga, babayaran na natin! Hahahah" sabi ko sa kanya

********

Jema's POV

Kinilig ako dahil sa ginawa kanina ni Deanna, ang sweet non para sakin

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagbabayad sa counter, nagulat ako ng biglang sundutin ni Mafe yung tagiliran ko, kaya nahampas ko sya ng mahina

"Aray!!" reklamo nya

"Bakit nangingiliti ka?!" irap ko sa kanya

"Eh kasi baka matunaw si Ate Deanna, hahah!" sagot nya sakin at para bang nanunukso

"A-Anong matunaw ka dyan??" maang-maangan ko

"Suss! Kanina ka pa nakatingin sa kanya" sabi ni Mafe

"Malamang may mata ako!" inis na sabi ko, natawa nalang sya

Nang makalapit samin si Deanna kinuha na ni Mafe yung lego nya. Si Deanna naman ang may dala ng stuffed toy ko.

Naglakad-lakad kami nila Deanna, maya-maya napahinto sya, nakatingin sya sa naka display na sapatos

"Ang ganda non Jema" sabi nya

"Diba marami ka ng sapatos?" tanong ko sa kanya

"Oo nga, pero ang ganda eh" sabi nya

"Hay naku! Tara na!" aya ko sa kanya

Bago kami magpatuloy sa paglalakad tiningnan ko ulit yung sapatos na nagustuhan ni Deanna

Babalikan kita...

Maghapon kami sa Mall, kumaen, nag laro, at namasyal lang

Bago kami umuwi dumaan kami sa park, nauna na si Mafe kasi excited syang laruin yung Lego nya, syempre pinadala na din namin si Pikachu, baka kasi madumihan

TADHANAWhere stories live. Discover now