Part 12

499 31 7
                                    

Mara's POV

Nandito kami sa McDo ngayon, kasama ko si Jessica dahil ngayon daw sya iinterviewhin ni Angge

Maya-maya dumating na sya

"Hello!" bati samin ni Angge

"Ah, Jessica, si Angge nga pala, assistant ni Deanna, Angge si Jessica, friend ng pinsan ko"

Nagkamayan silang dalawa

"Ang gandang yaya mo naman Ms. Jessica" sabi ni Angge

Napangiti ako

Sabi ko na eh, yan din yung sasabihin nya

"Ay! heheh! thank you!" sabi ni Jessica

Umorder muna ng pagkaen si Angge, nang makaorder sya bumalik ulit sya samin at nagsimula na kaming kumaen

Habang kumakaen kami nagtatanong na din si Angge

"Jessica, anong full name mo?"

"Ah, Jessica Margaratt Casidsid Galanza" sagot nya

Ang haba naman...

Tumango-tango si Angge

"Anong gusto mong itawag namin sayo?"

"Jessica nalang, yun kasi yung tawag nila sakin" sagot nya

"Bakit gusto mong magpart time?" tanong ni Angge

"Ahh, gusto ko lang ng extra income" sagot nya

"Sure ka? Kaya mong maglinis at magluto?"

Tumango si Jessica

"Oo naman, naglilinis at nagluluto din ako" sagot nya

"Kilala mo naman kung sino yung nakatira sa condo na lilinisan mo diba?"

Tumango ulit sya

"Oo, si Deanna Wong!" sagot ni Jessica habang nakangiti

"Anong natapos mo?"

"Mmm.. nakapag college daw ako, pero hindi ako nakapagtapos" sagot nya

"Bakit parang hindi mo sure?" tanong ni Angge

Napakamot si Jessica sa ulo nya habang nakangiti

"A-Ahh h-heheh! H-Hindi ko kasi maalala yung past ko eh, kaya nga gusto kong kumuha ng part time job para makapag pacheck up" sagot nya

Nakaramdam ako ng awa

"B-Bakit? anong nangyare sayo? Bakit hindi mo maalala yung past mo?"

Pilit syang ngumiti

"Naaksidente kasi ako dati" sagot nya

"Aaahhh" sabay naming sabi ni Angge

"May bf ka ba ngayon?" tanong ko

"May gf ako ngayon" sagot nya

"Ooohhh! girl pala ang jowa! Heheh!" sabi ko

"Anong name?" tanong ni Angge

"Fhen... Fhen Emnas" sagot nya

"Parang pamilyar sya sakin" sabi ni Angge

"Anak sya ng dating mayor sa Laguna" sagot ni Jessica

"Wow! Bigatin naman pala!" sabi ko

"Pero secret ko lang sa kanya yung part time ko ngayon, heheh! Hindi ko din pinapaalam sa family ko, mapapagalitan kasi ako, heheh!" sagot nya

Tumango kaming dalawa ni Angge

"Ilang years na kayo ng gf mo?" tanong ni Angge

"Uhmm.. 6 months palang, kakasagot ko palang kasi sa kanya" sagot nya

TADHANAWhere stories live. Discover now