Part 10

462 26 4
                                    

Deanna's POV

Isang linggo na yung lumipas pero hindi parin nagpapakita si Jema sakin

Araw-araw din akong pumupunta sa apartment nya pero wala na daw sya don at wala silang balita kung anong nangyare kay Jema

Halos araw-araw ko ding kinukulit yung kaibigan nyang si Kyla pero hindi nya din daw alam kung nasaan si Jema

Kahit yung mga classmates, teammates, at schoolmates nya wala silang alam kung nasaan si Jema

Gusto ko din sanang puntahan yung bahay nila Jema sa Laguna pero hindi ko alam kung saan

Sinusubukan kong tawagan yung number ni Jema at ni Mafe pero hindi na matawagan

Hindi na din ako nakakapagtraining dahil sa kakahanap kay Jema kaya naman napapagalitan na ako nila coach at Ate Jia

Hindi na din ako makausap ng maayos dahil palagi akong tulala

Hanggang sa isang araw...

Nandito ako sa kwarto namin at umiiyak

Maya-maya pumasok sila Ate Bea, Ate Jho, Ate Maddie, Ate Jia, at Tots nakasilip naman yung iba ko pang kasama dito sa dorm

Nasa harap ko silang lahat habang nakaupo ako sa sulok at umiiyak

"Deanna, ganyan ka nalang ba? Wala ka na ba talagang balak magtraining?" tanong ni Ate Jho sakin

Halata na naiinis na sya

"Deanna, alam namin na nasasaktan ka, pero sana naman tulungan mo yang sarili mo" sabi naman ni Ate Bea sakin

"L-Lumabas na kayo *hik!" sabi ko sa kanila habang umiiyak

"Deanna umayos ka nga! Kalimutan mo na si Jema! Hindi na nga nagpapakita sayo diba?!" inis na sabi ni Ate Maddie

"Oo alam namin nasaktan ka, kaya nga hinayaan ka muna namin eh! Pero sobra naman to! Kailangan ka din namin eh!" dagdag nya pa

Nag-init yung ulo ko dahil sa sinabi nya

"Kalimutan?"

Tumingin ako sa kanya

"P-Paano Ate Madz?! S-Sabihin mo nga" garalgal na tanong ko sa kanya

Tumayo ako habang umiiyak

"P-Paano ko kakalimutan yung taong naging parte ng buhay ko?! *hik!"

Tuloy-tuloy yung pagtulo ng luha ko

"Paano ko k-kakalimutan yung *hik! taong laging nandyan kapag malungkot ako?! *hik! Yung taong nakasama ko sa paglaki?! Yung taong nagpapasaya sakin?! *hik!"

Lumapit sakin si Tots at para hagudin yung likod ko pero tinulak ko sya ng mahina, nakatingin parin ako kay Ate Maddie

"Paano ko kakalimutan yung taong minahal ko?! *hik!"

Pinunasan ko yung luha ko pero may bumagsak nanaman

"Paano ko kakalimutan yung taong naging dahilan kung bakit ako nandito??!!"

Hindi kasi nila alam kung gaano kasakit...

"P-Paano Ate Madz? Ha?! Sabihin mo sakin!... Sabihin mo sakin para yun yung gawin ko!!" sigaw ko

Pinunasan ko yung luha ko

"*hik! P-Palibhasa kasi w-wala kayo sa posisyon ko kaya nyo nasasabi yan eh!! P-Palibhasa kasi ang sasaya nyo!"

Napayuko ako

"*hik! Hindi nyo alam yung pakiramdam ng n-naiwan! *hik! Ni hindi ko nga alam kung anong nagawa ko eh! M-Mahirap maiwan lalo na't hindi mo alam yung dahilan! *hik!"

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon