Part 13

443 33 14
                                    

Bea's POV

Nandito na ako sa building kung saan nakatira si Deanna, mabuti nalang at sinabi kaagad ni Ms. A na nandito sya

May kailangan kasi akong papirmahan sa kanya

Hinihintay kong bumukas yung elevator

Ang tagal naman! Naiihi na ako eh!

Pagbukas ng elevator biglang nanlaki yung mga mata ko

Para bang nag slowmo yung pagbukas ng elevator dahil sa nakita ko

Totoo ba tong nakikita ko??!

Hindi ako nagkakamali!

Tiningnan nya lang ako pagkatapos nilagpasan na nya ako

Kumunot yung noo ko

What??! Nakita nya naman ako diba?! Alam kong kilala nya din ako!

Sinundan ko sya ng tingin

Hindi ako nagkakamali... si Jema yon!!

"J-Jema!" tawag ko sa kanya pero hindi sya lumingon

Mas lalong kumunot yung noo ko

Sinundan ko sya dahil baka hindi nya lang ako narinig!

"Jema! Wait!" tawag ko ulit sa kanya

Nang maabutan ko sya hinawakan ko yung braso nya kaya napalingon sya sakin

Halata na nagulat sya

"B-Bakit?" tanong nya sakin

Napalunok ako

"I-Ikaw si Jema diba??" tanong ko

"Jema?" tanong nya

Tumango ako

"Kilala mo ako diba? Ako si Bea!" sabi ko sabay ngiti

Alam kong matutuwa si Deanna kapag nalaman nya na nandito si Jema!

Ang laki na ng pinagbago nya, mas lalo syang gumanda ngayon!

"S-Sorry, Jessica yung name ko" sagot nya

Kumunot yung noo ko

Ha??!

Aalis na sana sya pero hinawakan ko ulit yung kamay nya kaya tumingin ulit sya sakin

"Wait!" pigil ko sa kanya

"Miss, baka kamukha ko lang po yung kilala mo, hindi po Jema yung name ko, Jessica po" sabi nya

"Kaya nga, Jessica yung name mo pero Jema yung tawag sayo" sabi ko

Umiling sya

"S-Sorry, hindi kita kilala" sabi nya

Binitawan ko sya kaya naglakad na sya palayo

Baka nga kamukha lang?? 

Napakamot ako sa ulo ko pagkatapos naglakad na uli ako pabalik sa loob

Pero hindi eh... Sure akong si Jema yon! 

Habang nasa elevator ako nag-iisip ako

P-Pero baka nga kamukha lang??

Hays! Bahala na nga!

Pagdating ko sa harap ng condo ni Deanna nagdoorbell ako

Dingdong! Dingdong!

Ilang sandali lang at bumukas na yung pinto at nakita ko si Ms. A

"Oh, Bea nandito ka pala"

Ngumiti ako

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon