Part 18

642 33 1
                                    

Jema's POV

Tanghali na pero nakatingin parin ako kay Deanna, nandito kami ngayon sa kwarto ko

Hindi ako makapaniwala na nandito na ulit sya sa tabi ko

Hinawakan mo yung pisngi nya at hinaplos-haplos ko iyon

Tama si Kyla, mas lalong gumanda ngayon si Deanna, medyo nag mature yung mukha nya pero baby face parin

"Baka matunaw ako Jisika" sabi nya sakin habang nakapikit kaya napangiti ako

"Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka sa tabi ko ngayon, ang tagal ko din kasing hinintay to" sabi ko

Idinilat nya yung mga mata nya

"Hindi ka nagalit na umalis ako?" tanong nya, umiling ako

"Naiintindihan kita" sabi ko

Niyakap nya ako at hinila palapit sa kanya

"Promise hindi na ako aalis" sabi nya sakin

"Promise yan ha" sabi ko

"Opo!" sabi nya

Hinalikan ko sya sa noo, ilong at labi kaya napangiti sya

"Ang ganda naman ng start ng morning ko! May kiss galing sa mahal ko!" sabi nya

Nagulat si Deanna nang biglang dumagan sa kanya si Bea kaya natawa ako

Hahahah! Akala nya siguro kaming dalawa lang yung nandito sa kwarto ko

"Hay! Sirain natin yung morning ni Deanna!" sabi ni Ate Bea habang nakadagan kay Deanna

"A-Aray! B-Bakit nandito kayo?!" tanong ni Deanna habang nakakunot noo

"Dito kami natulog eh!" sagot ni Bea

Mas natawa ako nang dumagan din si Tots kay Deanna

"Araay!! Alis kayo dyan!" sabi ni Deanna

"Ay! Sali kami!" sabi naman ni Jho pagkatapos dinaganan nya din si Deanna

"A-Ano ba?! Alis dyan! Ang bigat nyo!" sigaw ni Deanna

"Hahahahah!" tawa nila

"Ano ba?! Kailan ko ba masosolo si Jema?!" sigaw nya kaya nagtawanan ulit kami

"Hoy Deanna, hindi mo masosolo si Jema, parusa mo yan kasi 1 year kang nawala! Hahahah!" sabi ni Tots

"Bwisit naman yan eh!" sabi ni Deanna

"AAhhhhh... iiyak nanaman ang baby Deanna Wong!" asar ni Jho

"Hahah! tigilan nya nga yung baby ko" saway ko sa kanila

"Ay! sana all baby!" asar ni Kyla

Tumayo na sila kaya sumiksik si Deanna sakin

"Hala sya! Feel na feel yung yakap Deanns?? Tumayo na kayo dyan at ipapasyal nyo pa kami! Ang sakit nyo sa mata!" sabi ni Bea, tumingin si Deanna sa kanya

"Inggit ka lang eh, ayan oh si Ate Jho" asar nya kay Bea

Tiningnan sya ng masama ni Bea

"Aahh ganon??!" hinila ni Bea yung paa ni Deanna kaya mas lalong yumakap sakin si Deanna

"Ate Bei! Stop! Ano ba?! Hahahah!" sigaw ni Deanna

Pagkatapos nilang magharutan lumabas na kami ng kwarto at nagluto ng breakfast, tinulungan naman ako nila Ced, Jho at Kyla

Habang nagluluto ako hindi maalis yung ngiti sa labi ko

"Grabe! Ganyan pala kapag inlove! Dapat nakangiti habang nagluluto!" asar sakin ni Kyla

TADHANADonde viven las historias. Descúbrelo ahora