Part 5

472 25 8
                                    

Deanna's POV

Pagkatapos magjogging bumalik na kami sa dorm

"Grabe! Nakakapagod!" sabi ni Ate Jho

"Saan kayo galing?" tanong ni Ate Jia

"Nagjogging kami ate" sagot ni Jho

"Ahh, may training tayo mamaya, alam nyo naman na sa Saturday na yung start ng game natin" sabi nya, tumango lang kami

Tumabi sakin si Ate Bea at si Tots

"Deanns, sama ka samin mamaya?" tanong ni Ate Bea

"Saan?" tanong ko

"Sa mall" sagot nya sakin

"Sige, after ng training?" tanong ko, tumango sya

"Yup!" sagot nya

Nagready na ako para sa pagpasok, habang naglalakad ako sinesearch ko uli yung name ni Jema sa FB

"Hays!"

Bumuntong hininga ako

Pagdating ko sa room nakita ko si Ponggay na kumaway sakin

"Deanna, dito!" sabi nya sakin

Classmate ko nga pala sya

Umupo ako sa tabi nya

"Anong ginagawa mo?" tanong nya sakin

"Uhm, sinisearch ko yung--"

"Facebook ni Jema?"

Tumango ako

"Grabe! Hindi ka talaga titigil hangga't hindi mo nakikita si Jema no?" tanong nya sakin, tumango lang ulit ako, "Hahah! mahal mo nga sya" sabi nya

Sumandal ako sa upuan ko

"Deanna, anong sasabihin mo sa kanya kapag nagkita kayo?"

Inilapag ko yung cellphone ko pagkatapos tumingin ako sa kanya

"Mmmm... Kamusta ka?" tanong ko din sa kanya, napangiti sya, "Hindi ko alam, siguro kusa nalang may lalabas sa bibig ko kapag nagkita kami" sagot ko

"First love mo sya diba?" tanong nya sakin

Tumango ako

"Sana mahanap mo na sya, para naman maging totoo na yang smile mo" sabi nya sakin

"Bakit?" tanong ko

"Sa nakikita ko kasi hindi pa yan yung totoong ngiti mo, at si Jema lang yung makakapagpalabas non!" sagot nya

Natawa at napailing nalang ako pagkatapos ipinagpatuloy ko yung pagsearch ko sa FB

Maya-maya dumating na yung prof namin kaya nakinig na ako

Ilang oras pa yung lumipas at uwian na, papunta kami ngayon ni Ponggay kung saan kami nagtitraining

"Deanna, bilisan na natin!" sabi ni Ponggay

"Oo na!"

Pagdating namin sa gym agad kaming nagsimula mag training

Lumapit sakin si Ate Bea

"Deanns, mamaya ha" sabi nya, tumango lang ako

"Balita ko magaling daw yung rookie sa Adamson" sabi ni Ate Jia

"Oh? Sino?" tanong ni Ate Maddie

"Hindi ko pa kilala eh, makikilala natin yan sa Saturday" sagot ni Ate Jia

"Bakit? Magaling din naman yung mga rookie natin ha! Tapos idagdag mo pa si Deanna! Baka kasing galing na ni Ate Den yan! Baka mag best in Libero pa nga yan eh!!" pagyayabang ni Tots

TADHANAWhere stories live. Discover now