Part 16

601 35 11
                                    

Deanna's POV

Pabalik na kami ngayon ni Jema sa Manila, hindi maalis yung ngiti ko, kinikilig kasi ako kapag naaalala ko yung nangyare kagabi

Napatingin ako sa orasan ko

2 PM na, siguro mga 3 nasa Manila na kami, pwede pa kaming pumunta sa Tagaytay, doon kami dati nagkahiwalay, baka doon nya din ako maalala

Kahapon, nakausap ko si Ate Bea, kalat na kalat yung mga pictures namin ni Jema sa internet, may mga natutuwa daw pero may mga nagagalit dahil may mga fans na din kasi kami ni Ivy, akala kasi ng iba nag jowa kami ni Ivy

Nabanggit nya din sakin na pinaghahanap na ng pulis si Fhen Emnas dahil nagsalita na yung magulang ni Jema, inamin nila Tita Fe na si Fhen yung dahilan kung bakit naaksidente si Jema dati, hindi lang sila makapagsalita dahil una may utang sila sa pamilya ni Fhen, pangalawa pinagbantaan sila ni Fhen, at pangatlo mayor yung daddy ni Fhen dati sa Laguna kaya malakas yung kapit kaya natakot sila

Sa ngayon binabantayan na ng mga pulis yung pamilya ni Jema para ligtas sila

May iba pang kaso na kinakaharap si Fhen at isa na dito ay yung drugs

Pinag-iingat din kami ni Ate Bea dahil baka may gawin si Fhen na hindi maganda lalo na't hindi pa sya nahuhuli

Nakakaramdam ako ng takot pero nilalabanan ko, kailangan kong maging matatag para kay Jema

Habang nandito kami sa eroplano may mga napapatingin samin, siguro nakikilala ako

Grabe! Balot na balot na nga yung katawan ko eh...

Maya-maya pa at nakarating na kami dito sa Manila

Alam kong hinihintay na kami ni Ate Mara, dala nya kasi yung sasakyan ko

"Deanna, may pupuntahan pa ba tayo?" tanong sakin ni Jema

Napangiti ako

"Meron pa, hehe!" sagot ko

"A-Ano kasi, feeling ko may nakamasid satin" sabi nya

Iginala ko yung paningin ko at nakita kong nakatingin yung iba samin

Baka fans or bashers lang??

Hinawakan ko yung kamay ni Jema sabay ngiti

"Don't worry, kasama mo ako, okay?"

Tumango lang sya

Maya-maya nakita na namin si Ate Mara

"Deanna" tawag nya sakin

Lumapit kami sa kanya

"Te mara, thank you ha" sabi ko sa kanya

"Ano ka ba, okay lang! Pero alam mo bang kala--"

"Alam ko na" putol ko sa sasabihin nya

Ayaw kong malaman ni Jema dahil ayaw kong ma stress sya

Mabuti nalang at hindi pa sya nagbubukas ng phone nya simula nung pumunta kami sa Cebu..

"Ate Mara, mauna ka ng umuwi, mag taxi ka nalang, may pupuntahan pa kasi kami ni Jema" sabi ko

"Sige, basta mag-iingat kayo ha.. alam mo naman...."

"Opo, mag-iingat kami, yung mga bilin ko sayo ha"

Tumango sya

Nang makaalis si Ate Mara umalis na din kami ni Jema, nagdrive ako papunta sa Tagaytay

Napatingin ako kay Jema

Tulog... napagod sya sa byahe...

Habang nagdadrive ako napansin kong may sumusunod samin na black car kaya naman agad akong nagmessage kay Ate Bea at Tots

TADHANAWhere stories live. Discover now