Part 17

557 27 0
                                    

Jema's POV

"Ma! Gumalaw yung kamay ni Ate!" rinig kong sabi ni Mafe

Dahan-dahan kong idinilat yung mga mata ko

"Thanks God at gising na sya!" rinig kong boses ni Mama, alam kong naiiyak na sya

Nanlalabo pa yung paningin ko

Nasa hospital nanaman ako

"Jema, may masakit ba sayo anak?" tanong naman sakin ni papa

Tiningnan ko sila isa-isa, nandito si Mama, papa, Ate Jov at Mafe

Nasaan si Deanna?

"Ma, s-si--ehem!" pakiramdam ko paos ako

"May kailangan ka anak?" tanong ni mama sakin

"S-Si Deanna po?" tanong ko sa kanila

Nagkatinginan silang lahat

"Anak, hindi pa sya pumupunta dito eh" sagot ni mama sakin

"Pero baka pumunta yon ngayon lalo na't nagising kana!" sabi naman ni Ate Jov

Naaalala ko na ang lahat-lahat...

"Ma, a-ano-ehem! anong nangyare po kay Fhen?" tanong ko ulit

"Nakakulong na sya anak" sagot ni papa sakin

Nakahinga ako ng maluwag

Mabuti naman...

Maya-maya dumating yung doctor para icheck ako, pagkatapos nya akong icheck kinausap nya sila mama

Hindi ko na pinakinggan yung pinag-uusapan nila dahil panay yung tingin ko sa pintuan

Bakit wala pa sya?

Yung totoo hindi ako mapakali, napanaginipan ko kasi na nagpapaalam sakin si Deanna...

"Ate, nagmessage sakin si Kuya Marty, pupunta daw sila dito" sabi Mafe sakin

Masaya ako na dadalawin ako nila Marty pero si Deanna yung kailangan ko ngayon..

Tumango lang ako

"Wag kang mag-alala, malay mo kasama na si Ate Deanna, diba?!" sabi nya sakin

Pilit akong ngumiti

Kinahapunan dumating na sila Marty at Lance pero hindi nila kasama si Deanna, ang kasama nila ay si Ate Mara

"Kamusta Jessica?" tanong sakin ni Lance

Ngumiti ako

"Ito, medyo okay na" sagot ko

"Hay naku! Demonyo talaga yung gumawa nyan sayo! Mabulok sana sya sa kulungan!" sabi ni Lance

Tumingin ako kay Ate Mara

"N-Nasaan po si Deanna?" tanong ko sa kanya

Nakita kong napalunok sya

"*Ehem! A-Ano kasi... m-may pinapabigay lang sya sakin, sabi nya ibigay ko daw sayo" sagot nya, inabot nya sakin yung envelope na maliit

"Hindi ba sya pupunta dito?" tanong ko

"Ano eh... b-basahin mo nalang yan" sagot nya sakin

Napayuko ako

"I-Iwan nyo muna ako" utos ko sa kanila

"Ha?? Ano daw?" tanong ni Marty

"Iwanan daw mun natin sya" sagot ni Lance

"Iwan? Bakit?" tanong naman ni mama

"Please!" pakiusap ko

Lumabas na sila kaya binuksan ko yung letter ni Deanna

TADHANAWhere stories live. Discover now