Part 7

499 24 5
                                    

FF na natin kasi hindi naman tayo tutok sa volleyball... 

Sembreak na...

Deanna's POV

Ilang months na yung lumipas at sembreak na, tapos na din yung tournament sa UAAP at sa kasamaang palad hindi kami yung nagchampion

Patuloy na nagkakamabutihan si Jema at si Ricci, ako naman ay patuloy ding nasasaktan

Nandito parin ako sa dorm ngayon, nilalagnat kasi ako, hindi din ako iniiwan nila Ate Bea at Tots dahil walang mag-aalaga sakin, hindi ko din sinasabi kay Jema na may lagnat ako dahil alam kong pupuntahan nya ako, ayaw ko naman na maistorbo ko pa sya

Nagsiuwian na yung iba naming kasama dito dahil wala na din naman silang gagawin dito

"Deanns, uminom ka na ba ng gamot?" tanong ni Tots sakin

"Oo" pagsisinungaling ko

"Weehh? Parang hindi pa" sabi ni Tots

"Matutulog muna ako" sabi ko sa kanya

Ipinikit ko yung mata ko

"Grabe, nakakalagnat na pala yung selos ngayon!" parinig ni Tots, tumawa naman si Ate Bea

"Kaya nga, sinasaktan nya lang yung sarili nya, kapag nagdidate sila Jema at Ricci lagi syang kasama" parinig din ni Ate Bea

Oo, tama yung sinabi nila, tuwing magdidate kasi si Ricci at si Jema palagi akong sumasama, ayaw kong masolo ni Ricci si Jema, baka kasi mabaliw ako sa kakaisip kung ano bang ginagawa nila

Naalala ko tuloy yung unang beses na tumakas ako sa training para makasama lang kila Jema at Ricci sa The Venice, grabeng sermon yung inabot ko non kay Coach O pati kay Ate Jia

Flashback...

"Deanna, sige na, sama ka na samin" sabi ni Jema sakin, nandito kami ngayon sa labas ng school

"Jema may training kami mamaya, baka mapagalitan ako"

"Ay! Sayang" 

"Next time nalang" sabi ko

"Eh gusto kitang kasama kasi"

"Edi iresched nyo, yung wala dapat akong training" 

Hindi nagsalita si Jema

"Bud!!" sabay kaming napalingon sa tumawag

Kilala ko to kasi sya lang naman yung tumatawag nyan sakin!

Ponggay!

Tumingin sakin si Jema at nakataas na yung isang kilay nya

"Bud??" tanong nya

"A-ahh yan yung tawag nya sakin" sagot ko

"Hi bud! Kanina ka pa dito? Sabay na tayong pumasok!" sabi ni Ponggay nang makalapit sya samin, para bang hindi nya nakikita si Jema

Hindi pa sya nakuntento, niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi

EeehhH???!

Nakita kong kumunot yung noo ni Jema

"A-Ahh, bud, k-kasama ko si Jema" sabi ko tumingin si Ponggay kay Jema

"Oh! Hi Jema!" bati ni Ponggay

Pilit na ngumiti si Jema

"Ikaw yung gf ni Ricci diba?" tanong ni Ponggay

"Nililigawan palang" sagot ni Jema

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon