Naupo ako sa kama ko habang naka tapis. Naka tingin pa ako sa salamin ko. Tiningnan ko ang oras at....omg 5:15pm na agad!? Jusko ganon ba ako katagal kumilos. Kinuha ko naman ang selpon ko saka ko tinawagan si khella.

"Oh." Bungad na tanong niya.

"Anong susuotin mo papunta don.?" Tanong ko naman sa kanya.

"Dress lang." Sagot niya naman.

"Pwede ba yon eh bar yong pupuntahan natin diba?" Tanong ko pa sa kanya.

"Pwede na yon. Saka yon lang ang matino ko dito. Karamihan pambahay saka mga pants at t-shirt." Sagot niya naman.

"Ganon. Sige. Mag sexy dress nalang din ako." Sabi ko sa kanya saka ko pinatay ang linya.

Dahil nga matagal ako kumilos ay nag bihis na agad ako. Para pag tumawag si khella ay naka ready na agad ako. Naka dress ako na off shoulder tapos hanggang legs ko lang. Hala ang parang ang sexy naman nito masiyado. Wag naman sana makita ako ni jacob na ganon ang suot ko.

Naupo na ako sa harap ng salamin saka ko sinuklay ang buhok ko. Kinulot ko ito lahat saka ko nilagyan ng oil para sa buhok, at sinuklay ko ito. Ang ganda pala pag kulot lahat yong buhok ko bagay na bagay sakin. Nag lagay din ako ng powder sa mukha yong hindi naman makapal. Nag lagay din ako ng kunting blush on na kulay pink at lipstick na red. Red kase lips ko saka mas bagay sakin yon ganitong kulay. Tumingin ako sa oras sa selpon ko. 5:45 na agad. Bilis ng oras ano ba yan. Nag lagay na ako ng pabango. Saka ako tumayo para kunin ang bag ko. Huminga ako ng malalim sabay tingin ulit sa salamin.

"Okay na. Ang ganda kuna." Naka ngiting sabi ko sa sarili ko. Hinga ulit ng malalim saka ako lumabas sa kwarto ko.

Nag tuloy ako sa kusina dahil kinakabahan ako. First time kase pupunta ng bar. Saka hindi ko alam ang idadahilan ko sa mga kuya ko pag nag tanong sila.

"At san ka naman pupunta?" Biglang tanong ni kuya mario mula sa likuran ko. Sa gulat ko napahawak pa ako sa mesa.

"A-ano ba. N-nakakagulat ka naman." Nauutal na sabi ko naman sa kanya. Tumayo ako ng maayos.

"M-may l-lakad k-kami ni khella." Kinakabahang sagot ko naman sa kanya. Kumunot naman ang noo niya habang naka tingin sakin.

"Yong totoo.?" Tanong niya pa. Ano kase bat ba ako kinakabahan.

"May date kami ni khella. Basta may pupuntahan lang kami." Mabilis na sagot ko sa kanya. Uminom ulit ako ng tubig dahil sakto 6pm na. Kaylangan kuna pumunta sa bahay ni khella.

"Aalis na ako." Nag mamadaling paalam ko naman sa kanya.

Pag labas ko sa bahay naka salubong ko pa si kuya marco. May sinasabi ito pero hindi kuna siya pinansin. Baka kase si khella pa ang pumunta dito at baka kasama niya nanaman si marro. Mahirap na mahuli. Pag labas ko sa gate ay natigil ako dahil may naka paradang dawalang motor sa tapat ng gate namin. Kilalang-kilala ko ang motor na to. Inalis niya ang helmet niya kaya napaatras ako ng makita ko ang mukha ni jacob. Mapahawak pa ako sa dibdib ko. Paktay na. Katapusan ko.

"San ka pupunta ng ganitong oras?" Biglang tanong niya. Tumingin siya sakin mula ulo hanggang paa. Naka heels pa naman ako.

Ito nanaman ang kaba ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Huminga ulit ako ng malalim saka ako tumingin sa kanya at ngumiti.

"May pupuntahan lang kami ni khella." Naka ngiting sagot ko sa kanya.

"Na ganyan kasexy ag kaikli ang suot mo.?" Tanong niya niya pa na naka kunot na ang noo.

"May party kami na pupuntahan ni khella kaya dapat maganda ang suot." Sagot ko naman sakin habang naka ngiti ng pilit. Jusko pakiramdam ko pinagpapawisan ako.

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now