Chapter: 24

963 22 8
                                    

Red POV

Limang araw ang lumipas simula ng makausap ko si jacob at mia. Limang araw ang lumipas simula ng sabihin at aminin nila sakin ang totoo na tungkol sa nangyari sa kanila. Sinabi kuna rin kay kuya marco at mario ang totoo. Nagalit sila pero hindi naman tumagal yon. Mas natuwa pa sila ng sinabi ko na ako magiging nanay ng anak ni jacob dahil nga pakatapos manganak ni mia ay maiiwan kay jacob ang baby at si mia ay aalis na. Masaya sila dahil magiging tito na raw sila. Sinabi na din nila kay mama at papa. Tinanggap naman nila agad dahil hindi naman raw dapat kasali ang baby. Saka anghel na nga ang lumapit sa pamilya namin. Tatanggihan paba namin. At isa pa naka usap na ni papa si jacob hindi ko lang alam kong ano ba napagusapan nila. Pag tinatanong ko si jacob kong ano sinabi sa kanya ni papa. Iiling lang siya sakin saka ngingiti. Kaya hinahayaan ko nalang. Nong isang gabi uminom silang tatlo hindi na ako sumali dahil nasasanay na rin ako kakainom. Yong mga baliw kase lagi nan dito sa bahay.

Nan dito nga pala ako sa bahay ni khella. Sinabi kuna rin sa kanya lahat. Nga pala nanliligaw na si kuya alex kay khella. Nakakaloka lang kala ko si jiro ang nanliligaw sa kanya dahil silang dalawa ang laging magkasama at laging sabay na pumunta dito sa bahay.

Si jacob ay nan dito sa trabaho niya ngayon habang si mia ay nan don sa bahay niya kasama ang katulong niya doon. Bihira lang ako pumunta sa bahay niya dahil busy rin ako. May work ako dahil pinasok ako ni marro sa shop ng kapatid niya. Fresh Flower Shop. Hindi ko lang sinabi kay jacob baka magalit. Saka ayaw niya na may trabaho ako. Naka off rin lage ang selpon ko pag nasa trabaho ayoko ng storbo pag nasa trabaho ako.

"Anong ganap ba natin ngayon.?" Tanong ni khella sakin. Nahiga naman ako sa sofa nila.

"Hindi ko alam." Matamlay na sagot ko sa kanya.

"So kamusta naman ang soon mrs.gomez?" Pang aasar na tanong ni khella. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Gusto mo ihampas kita dito sa mesa niyo.?" Inis na tanong ko sa kanya. Pero tinawanan niya lang ako. Asar talaga to.

"Tigilan mo nga ako khella." Sabi ko pa sa kanya. Saka ako bumangon.

"Gala tayo." Biglang sabi ko sa kanya.

"San naman tayo pupunta.?" Tanong niya pa. Ngumiti naman ako ng nakakaloko.

"Alam mo hindi ko pa natry mag punta sa bar." Sagot ko naman sa kanya.

"Gusto mo pumunta?" Tanong niya. Tumango naman ako.

"Ayain naman sila alex at ang iba pa." Sabi niya pa.

"Sige. Para masaya." Sagot ko ko naman.

"Pero wag na natin ayain ang mga kuya mo at si jacob." Sabi pa nito. Ngumiti ako saka tumango.

"Anong oras tayo aalis.?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa relo nila na naka sabit malapit sa tv.

"4pm palang naman, siguro mayang mga 6pm na tayo pumunta." Sagot niya. Tumango ako sa kanya saka ako tumayo.

"Uuwi muna ako. Para makapag ready." Sabi ko naman sa kanya. Saka ako nag paalam na aalis na.

--

Pag dating ko sa bahay ay nag tuloy agad ako sa kwarto ko. Tinali ko ang buhok ko paitaas saka ako nag hubad ng damit at nag tuloy ako sa banyo para mag maligo----i mean ang katawan lang naman pala ang pinaligoan ko. Kukulutin ko kase lahat ang buhok ko.

Ng matapos ako ay lumabas na agad ako. Nag tuloy ako sa damitan ko saka ako namili ng susuotin ko.

'mag dress kaya ako?' tanong ko sa sarili ko pero... Bar ang pupuntahan namin. 'may long sleeve ako dito kaso ano ipapartner ko?' ano ba yan ang hirap naman mamili ng susuot karamihan kase dress. Ay nako bahala na nga.

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now